embed embed2
  • #ShareKoLang! Mga Epektibo At Murang Paraan Para Mag-amoy Malinis Ang Refrigerator Mo

    May mga abot-kaya bang refrigerator deodorizers?
    by Ana Gonzales .
#ShareKoLang! Mga Epektibo At Murang Paraan Para Mag-amoy Malinis Ang Refrigerator Mo
PHOTO BY Shutterstock/P Maxwell Photography
  • Kung mayroon mang hindi kinatatamarang gawin ng mga nanay, iyan ang paglilinis ng bahay. Bawat sulok talaga ay siguradong hindi nila pababayaan.

    Kaya lang, minsan, kahit anong linis mo, may mga bahagi o gamit sa bahay na hindi pa rin amoy malinis—kabilang diyan ang refrigerator.

    Isang nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang nagtanong kung ano nga bang epektibong paraan para maalis ang mabahong amoy sa loob ng refrigerator?

    Minsan kasi, may mga ulam, karne, o gulay na matapang ang amoy. Kahit hugasan mo ang loob ng refrigerator hindi pa rin ito nag-aamoy malinis.

    Agad namang naglatag ng kanilang mga recommendations ang ibang mga nanay sa Village. Mura, praktikal, at madaling hanapin ang kanilang mga suggestions.

    Effective and affordable refrigerator deodorizer

    Charcoal o uling

    Ayon sa mga nanay, ito ang isa sa mga pinakamabisang deodorizer—mura pa! Maglagay ka lang ng ilang piraso sa isang maayos na bowl o lumang container. Ilagay sa tagong bahagi sa loob ng refrigerator para hindi magalaw-galaw o aksidenteng makuha ng mga bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Baking soda

    Hindi lang mabisang panlinis ang baking soda. Epektibo rin itong pantanggal ng mga matatapang na amoy. Sabi ng mga nanay, ito ang gamitin mong panlinis kasama ang suka o lemon juice.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pwede ka ring maglagay ng isang maliit na kahon nito sa tagong bahagi sa loob ng refrigerator. Ibukas mo ng bahagya ang kahon ay hayaan lang ito sa loob.

    Coffee grounds

    Huwag itapon ang mga nagamit niyo coffee grounds. Ilagay ito sa isang maayos na lalagyan at itago sa loob ng refrigerator. Bukod sa ia-absorb na nito ang mabahong amoy, mag-aamoy fresh coffee beans pa ang loob ng ref ninyo.

    Tea bags

    Ito naman ang gamit ng ilang mga nanay sa Village. Maglagay ka lang ng isa hanggang tatlong tea bags sa isang lalagyan at saka ito itago sa ref.

    Balat ng mga citrus fruits

    Mabisa talagang pampabango ang mga balat ng citrus fruits tulad ng lemon, orange, at lime. Sa katunayan, nagagamit din ang mga ito bilang all-purpose cleanser.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa mga nabanggit, makakatulong din kung gagamit ka ng mga air-tight containers bilang lalagyan.

    May iba ka pa bang ginagamit na refrigerator deodorizer? I-share mo na iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles