embed embed2
  • Step-By-Step Guide: Sikreto Para Sa Malinis, Mabango, At Organisadong Refrigerator

    Problema mo rin ba kung paano aayusin ang laman ng ref ninyo?
    by Ana Gonzales .
Step-By-Step Guide: Sikreto Para Sa Malinis, Mabango, At Organisadong Refrigerator
PHOTO BY iStock
  • Naranasan mo na ba 'yung pagbukas mo ng refrigerator ninyo, bigla na lang may babagsak sa paa mo na pagkain dahil hindi ito maayos na nailagay sa ref? Nahirapan ka na rin bang hanapin ang mga iluluto mo dahil hindi mo na makita kung saan sa loob ng ref mo ito nailagay? Nadoble na rin ba ang nabili mong ingredient dahil hindi mo alam na mayroon pa pala sa loob ng ref?

    Resulta ang lahat ng ito ng pagkakaroon ng makalat at magulong refrigerator.

    Ayon sa mga eksperto mula sa Good Housekeeping Test Kitchen, makakatulong ang pagkakaroon ng malinis at organisadong refrigerator para makatipid ka sa gastos sa grocery at pagkain. Kapag nakikita mo kasi ang lahat ng laman ng ref ninyo, walang madodoble at masisiguro mong magagamit ang lahat ng nasa loob bago pa kayo bumili ng bago.

    What other parents are reading

    Paano i-organize ang refrigerator

    Step 1: Alisin ang lahat ng laman nito

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Patayin mo muna ang ref at hugutin ito mula sa saksakan. Saka mo alisin ang lahat ng mga nasa loob para makita mo kung alin ang dapat nang itapon at kung alin ang pwede mo pang iayos sa loob.

    Punasan o hugasan ang mga shelves at racks depende sa dumi ng mga ito. Kung hindi naman kailangang alisin at sabunin, pwede mo na itong punasan ng natural at homemade disinfectant. (Pwede mong gamitin ang recipe na ito.)

    What other parents are reading

    Step 2: Ilagay sa tamang lagayan ang mga pagkain

    Sabi ng mga eksperto, hindi dapat inilalagay ang gatas sa pintuan ng refrigerator. Mabilis kasing magbago ang temperatura sa pinto. Ibig sabihin, pabago-bago rin ang temperatura ng mga pagkain o inumin na nakalagay dito.

    Ang gatas ay dapat nakalagay sa pinakababang shelf ng refrigerator. Bukod sa mananatili itong malamig sa bahaging ito, madali rin itong maaabot ng mga bata kung gusto nilang uminom ng gatas.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Sa drawers naman dapat nakalagay ang mga gulay at prutas. Dapat din ay magkakahiwalay sila ng lagayan dahil magkakaiba sila ng gasses na inilalabas. Sabi ng mga eksperto, maaaring makaapekto ang mga gases na ito sa pagkasira ng mga prutas at gulay.

    What other parents are reading

    Pwede kang gumamit ng mga clear storage boxes na mabibili mo sa online shops tulad ng Lazada at Shopee. Nagkakahalaga ang mga ito mula Php150 hanggang Php500. Gamitin mo lang ang keyword na 'container box refrigerator' kapag nag-search ka.

    Sa taas na shelf mo naman pwedeng ilagay ang mga leftovers o tirang ulam. Mas maganda pa ring gumamit ng glass containers para makita mo agad ang mga pagkain sa unang tingin pa lang.

    What other parents are reading

    Step 3: Maglagay ng labels

    Bukod sa paniniguro na nakalagay sa tamang pwesto ang mga pagkain, importante ring lagyan mo ng labels ang mga clear containers na gagamitin mo. Sa ganitong paraan, lahat ng miyembro ng pamilya ay makakasunod sa ayos ng ref.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede mo ring gamitin ang labels para ilagay ang dates kung kailan mo ipinasok sa ref ang pagkain. Sa ganitong paraan, sigurado kang sariwa lagi ang ihinahain mo sa iyong pamilya.

    Mas gaganahan ka ring panatilihing malinis ang ref ninyo kung ganitong maayos ang pagkakalagay at pagkaka-label ng mga pagkain.

    What other parents are reading

    Step 4: Maglagay ng refrigerator freshener

    Hindi mo na kailangang bumili ng mga mamahaling refrigerator deodorizer—pwede kang gumawa ng sarili mo.

    Kailangan mo lang ng lumang garapon, baking soda, maliit na piraso ng tela, at lemon essential oil o ano mang essential oil na gusto mo.

    Lagyan lang ng baking soda ang garapon hanggang kalahati nito. Lagyan ito ng apat hanggang anim na patak ng essential oil at saka haluin ng mabuti. Takpan ito gamit ang tela. Pwede mo na itong ilagay sa loob ng ref ninyo.

    What other parents are reading

    Step 5: Maglagay ng mga washable refrigerator mats

    Mas madaling i-maintain at linisin ang ref kung mayroon kang washable mats. Pwede mo kasing punasan na lang ang mga ito kung matapon at ito na lang ang aalisin at huhugasan mo buwan-buwan. Hindi mo na kailangan pang alisin pa ang lahat ng laman ng ref ninyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkatapos ng limang hakbang na ito, mas magiging madali na lang para sa iyo at sa iyong pamilya na i-maintain ang ref ninyo.

    Kayo? Anong technique ninyo para mapanatiling malinis, mabango, at organisado ang refrigerator ninyo? I-share niyo na sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close