-
Huwag Munang Itapon! 8 Bagay Na Pwedeng Gawin Sa Balat Ng Orange At Lemon
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sa panahon ngayon na marami sa atin ang walang trabaho, kailangan talaga nating maging maparaan pagdating sa maraming bagay.
Buti na lang at likas na wais at madiskarte talaga ang mga nanay. Bago pa man magkaroon ng COVID-19, marami nang mga tipid hacks ang mga mommies. Kabilang na riyan ang pag-recyle o pag-repurpose ng mga bagay-bagay.
Isa sa mga talaga namang patok ay ang paggawa ng cleanser mula sa mga balat ng prutas tulad ng lemon at oranges. Alam mo bang marami ka pang pwedeng gawin sa mga orange at lemon peels ninyo sa bahay?
Narito ang ilang paraan kung paano i-recyle ang mga lemon at orange peels:
Gumawa ng orang peel candles
Sa halip na bumili ng mga mamahaling scented candles, pwede mong gamiting lalagyan ng wax o olive oil ang kalahati ng orange peel.
Hatiin mo lang ang orang sa gitna, i-enjoy ninyong mag-ina ang laman at huwag itapon ang balat. Kapag naubos niyo na, mayroon ka nang orange cup! Lagyan lang ito ng oil sa gitna, lagyan ito ng candle wick, may homemade orange candle ka na.
Gumawa ng orange peel home scent
Magandang panlaban sa amoy kulob ang amoy ng orange peel. Pakuluan mo lang ito sa tubig na mayroong kalahating kutsara ng cinnamon, may instant home scent ka na.
Gumawa ng orange peel insect repellent
Ayon sa mga home experts, ayaw ng mga pesteng tulad ng ipis ang amoy ng orange oil. Para makagawa ng natural na insect repellent mula sa orange peels, pakuluan lang ang mga pinatuyong balat sa tubig at saka ilagay sa spray bottle.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung lemon naman ang madalas ninyong gamitin sa bahay, narito ang mga ilang paraan para siguraduhing hindi masasayang ang balat.
Gumawa ng all-purpose lemon vinegar cleaner
Madali lang itong gawin. Kumuha ka lang ng isang lalagyan na pwede mong punuin ng mga balat ng lemon. Pagkatapos, lagyan ito ng suka hanggang mailubog ang lahat ng mga balat. Hayaan ito ng dalawang linggo.
Pagkatapos ng dalawang linggo, salain na ang mga balat ng lemon at saka dagdagan ng tubig ang suka. Pwede mo na itong gamiting panlinis sa mga mamantikang surfaces tulad ng stove at microwave.
Gumawa ng pantaboy sa mga langgam
Bukod sa orange peels, pwede mo ring gamitin ang lemon peels para pantaboy sa mga insektong tulag ng langgam.
Magkalat ka lang ng mga maliliit na piraso ng lemon sa mga singit o sulok na madalas mong makakitaan ng mga langgam.
Gamitin itong panlinis sa microwave oven
Ilagay lang ang orange peel sa isang bowl na may tubig. Ilagay ang bowl sa loob ng microwave at painitin ng isa hanggang dalawang minuto.
Makakatulong ang citrus sa lemon para palambutin ang ano mang nanigas na mantika sa loob ng inyong microwave. Makakatulong din ito para maalis ang amoy ng ulam.
Gamitin itong panlinis ng chopping board
Mayroong taglay na antibacterial properties ang lemon kaya mabisa itong panlinis ng mga surfaces na tulad ng sa chopping boards. Ikaskas mo lang ang balat o ang pinagpigaang lemon, hayaan nang ilang minuto at saka banlawan.
Gamitin itong pampabango ng basurahan
Ipunin mo sa ref ninyo ang mga napiga niyo nang lemon. Sa tuwing magpapalit ka ng basurahan, lagyan ang ilalim ng garbage bag ng isa hanggang dalawang piraso ng lemon peel. Mas mag-aamoy fresh ang inyong basurahan.
CONTINUE READING BELOWwatch nowIlan lamang ang mga ito sa mga mabisang paraan para ma-recycle ang lemon at orang peel sa bahay ninyo.
Mayroon ka bang sarili mong orange and lemon peel hacks? I-share mo na iyan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments