-
Anim Na Halamang Mabisang Pantaboy Ng Mga Lamok
Madali lang ding alagaan ang mga ito kaya hindi ka mamomroblema sa maintenance.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Panahon nanaman ng tag-ulan. Bagaman mas maaliwalas na ang panahon, dala naman nito ang ilang mga tinatawag na rainy day illnesses. Kabilang dito ang ubo, sipon, at leptospirosis. Nariyan din ang mga karamdamang dala ng lamok tulad ng dengue.
Para maiwasan ang pagdami ng lamok sa bahay at sa paligid ninyo, ugaliing maglinis nang mabuti at iwasan ang mga naipong tubig. Maaari kasi itong pamahayan ng mga lamok. Bukod pa riyan, pwede ka ring magtanim ng mga halamang mabisang pantaboy ng lamok. Narito ang ilan sa kanila:
Mga halamang pantaboy ng lamok
Citronella Grass
Kung epektibo na ito bilang essential oil, paano pa kaya kapag itinanim mo na ito sa paligid ng bahay ninyo? Tandaan lang, kailangan ang bibilhin mong citronella ay iyong grass blades. Hindi tunay na citronella grass ang nabili mo kung hindi mala-damo ang dahon. May mga halaman kasing ibinebenta na scented lang ng citronella.
Ang langis ng citronella ang pwede mong gamitin para panlaban sa mga lamok. Mabisa rin ang halaman na ito na pantaboy ng iba pang mga insekto dahil na rin sa mala-lemon na amoy nito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPetunia
Bukod sa napakaganda ng mga bulaklak ng petunia, mabisa rin itong panlaban, hindi lang sa mga lamok, pati na rin sa iba pang mga insektong maaaring manira ng mga tanim mong gulay. Madali lang din itong patubuin.
Rosemary
Maraming mga herbs tulad ng rosemary ang mabisang pangontra sa mga lamok. Madali lang din itong patubuin at alagaan dito sa ating bansa dahil nakakatagal ito sa sobrang init at tuyong lupa. Pwede mo itong itanim sa mga maliliit na paso o 'di kaya ay sa lupa mismo, sa gilid ng mga bintana.
Basil
Hindi lang sa pesto masarap ang basil, pwede rin ito sa pizza at iba pang roast dishes. Ngunit bukod sa napapasarap nito ang mga recipes mo, napapanatili din nitong walang lamok sa kapaligiran ninyo.
Para maging malago ang tanim mong basil, siguraduhin mo lang na nakakakuha ito ng anim hanggang walong oras ng sikat ng araw at ang tubig nito ay laging moist at well-drained. Hindi dapat may maipon na tubig sa paso kaya siguraduhin mong may sapat na butas ang paso para makapag drain ng tubig.
CONTINUE READING BELOWwatch nowLemongrass
Sobrang daming pakinabang sa halaman na ito kaya talaga namang maeengganyo kang itanim sa hardin ninyo. Bukod kasi sa masarap itong ihalo sa ulam o roast dishes, masarap din itong gawing tsaa at mabisa pang pantaboy ng lamok.
Kailangan lang na malawak ang espasyo mo para dito dahil tumataas ito ng tatlo hanggang limang talampakan.
What other parents are reading
Mint
Refreshing ang mint kung idaragdag mo sa inumin, ngunit mapapakinabangan mo rin ito na pantaboy sa mga lamok. Ayon sa mga eksperto na sa paghahardin, madali lang patubuin ang mint, ngunit kapag nagsimula na itong lumago, mahirap na itong ilipat.
Mas magandang itanim ito sa paso at regular na bunutan ng dahon para mas maging malusog ang halaman.
What other parents are reading
Ang maganda sa mga halaman sa listahan na ito ay magagamit mo rin sila sa iyong pagluluto o sa paggawa ng mga refreshing drinks. Kaya naman sulit ang pagtatanim ng mga ito. Hindi lang nila mapapanatiling mosquito-free ang tahanan ninyo, mayroon ka na ring supply ng masarap na herbs.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagtanim ka na ba ng mga halamang ito sa hardin ninyo? Kumusta ang experience? I-share mo na iyan sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments