-
Home Ang Sagot Sa Malamig Nating Kape! A Heating Coaster That Keeps Coffee Warm For Hours
-
Love & Relationships Why Is My Wife Always Angry? Hubbies, 5 Reasons And How You Can Help Her Better Next Time
-
Preschooler Your Child Throws a Tantrum Over Everything! How to Deal With It Now
-
Love & Relationships An Engineer And Tricycle Driver Marry Against All Odds: 'Hindi Niya Ako Insurance Plan'
-
Ang Galing! Bakanteng Loteng Dating Tapunan Lang Ng Basura, Urban Garden Na Ngayon
Libre na sa gulay ang mga residente ng komunidad na ito.by Ana Gonzales .

PHOTO BY JC Tejano
Dahil sa banta ng COVID-19, pahirapan na ngayong makabili ng ating mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain. Bukod kasi sa mahaba ang pila sa mga groceries at palengke, may kamahalan din kung madalas kang oorder online.
Kaya naman nakakabilib kapag may mga komunidad na nakakahanap ng paraan, hindi lang para ilapit ang mga supplies sa mga tao, kundi para gawin itong mas abot-kaya.
Iyan ang naisipang gawin ng isang komunidad sa Quezon City. Ang dating bakanteng lote na tapunan lang ng basura noon, isa nang napakaganda at masaganang urban garden ngayon.
Kwento ni Atty. JC Tejano, isa sa mga residente roon, walang bayad ang pagkuha o pagtatanim ng gulay sa kanilang community urban garden. Tulong-tulong silang nagtatanim at umaani ng mga gulay.
Di umano, pinagmulan na rin ng sunog ang mga basura sa bakanteng lote na iyon na muntik pang ikapinsala ng buong komunidad. Ito ang nagtulak kina JC at sa iba pa niyang mga kapitbahay na gawing vegetable garden ang naturang lote. "Kasi kapag meron nang tanim, mahihiya na 'yung mga tao na magtapon ng basura," paliwanag niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Para rin makaiwas sa pagpunta sa palengke. Una, 'yung danger nung virus, pangalawa, kasi ang haba ng pila sa palengke," dagdag pa niya.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosHindi ka rin maniniwala sa kabuuang nagastos nila para maumpisahan ang kanilang urban garden. "Php300 in total," kwento ni JC. "Almost everything was recycled."
Galing sa lumang cabinet ang kahoy na ginamit nila para sa frames ng raised bed, habang galing naman sa mga lumang metal racks ang kanilang mga trellis. "Gumamit din kami ng mga lumang gulong for pots," pagbabahagi pa ni JC. "Ginastos lang namin 'yung alambre para doon sa trellis na gagapangan ng mga vines."
Proud namang sinabi ni JC na nagiging regular na ang kanilang harvest. "Sobrang daming pechay, kangkong, talbos ng kamote, talong, ampalaya," sabi niya. "Lahat 'yon, shineshare lang namin dito sa neighborhood. Meron ditong parang local sharing economy. Walang nagbabayad or anything. Everyone just helps out and benefits from the community effort."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"I'm really amazed doon sa nagawa namin," kwento niya. "To produce something like that, just with your hands, just with the soil, sunlight, with water, it humbles you."
Pwede mong panoorin ang kabuuan ng panayam kay JC dito:
Gusto mo rin bang magsimula ng sarili mong garden? Basahin mo lang ang kwentong ito para malaman mo kung paano.
Kung mayroon ka nang sariling garden sa bahay, pwede mong ikwento sa comments section kung paano ninyo ito nabuo.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network