embed embed2
  • Wanted, Yaya: Paano Malalaman Kung Lehitimo Ang Isang Maid Agency?

    Lumapit kami kay Archie Arizo ng lifemaideasy.ph para humingi ng ilang tips.
    by Ana Gonzales .
Wanted, Yaya: Paano Malalaman Kung Lehitimo Ang Isang Maid Agency?
PHOTO BY iStock
  • Sa panahon ngayon, understatement sabihing napakahirap humanap ng yaya. Bukod kasi sa hindi madaling maghanap ng mapagkakatiwalaan, mahirap ding makatagpo ng taong makakasundo mo kung araw-araw mong kasama.

    Bagaman may mga play schools na pwede mong pag-iwanan sa iyong anak, iba pa rin kung mayroon kang katuwang sa pag-aalaga sa mga bata na nariyan mismo sa iyong tahanan. Kaya naman madalas maengganyo ang mga magulang na lumapit sa mga agencies. Kaya lang, kahit pa sa agency galing ang isang yaya, hindi pa rin maiwasang magkaroon ng mga problema. 

    Paano mo nga ba malalaman kung lehitimo ang isang maid agency? Paano ka nga ba makakasigurong mapagkakatiwalaan ang yaya na papapasukin mo sa iyong bahay at pag-iiwanan mo ng iyong anak? Mayroon bang mga techniques?

    Para tulungan kaming sagutin ang tanong na ito, lumapit kami kay Archie Arizo, owner at general manager ng lifemaideasy.ph (Facebook: @qualitycareemploymentservices) at Amuma, mga kumpanyang nag-ooffer ng mga serbisyong magpapadali sa buhay ng mga magulang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano malalaman kung lehitimo ang isang maid agency?

    1. Miyembro sila ng ALPEAP

    Sa pamamagitan ng isang email interview, ibinahagi sa amin ni sir Archie na importanteng tanungin mo ang ahensya kung miyembro sila ng Association of Licensed Private Employment Agencies of the Philippines, Inc. (ALPEAP). Lahat kasi ng miyembro nito ay regulated ng Department of Labor and Employment (DOLE). “Kapag regulated ka, you are bound by the Kasambahay Law,” sabi niya. “Hindi ka rin mabibigyan ng DOLE license kung wala kang business permit,” dagdag pa niya.

    What other parents are reading

    2. Mayroon silang maayos na proseso

    Nagsimula ang lifemaideasy.ph dahil na rin sa sariling pangangailangan ni sir Archie at ng kanyang pamilya. “Base sa mga past experiences namin sa mga yaya agencies, sobrang daming mga loopholes ng kanilang mga proseso,” pahayag niya. “Dati, when we got our maids from an agency in Cebu, biodata lang talaga ang ipinakita. Napakataas ng risk para sa part namin bilang mga amo. Imagine, isang complete stranger ang pinagkakatiwalaan mo sa mga anak mo at sa bahay mo mismo,” kwento niya.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Dito naisip ni sir Archie at ng kanyang maybahay na magsimula ng sarili nilang maid agency. “Our goal lang talaga that time was to professionalize the local maid industry,” paliwanag niya.

    What other parents are reading

    Sa lifemaideasy.ph, mayroon silang 7-step hiring process. Isa sa pinakaimportante dito ay ang kanilang initial interview. Ito ang unang layer para masiguro nilang walang mga aplikanteng hindi mabuti ang intensyon.

    “Pagpunta nila sa agency, dapat magdala na sila ng maraming gamit. Kasi kapag kakarampot lang ang dala nila, red flag na sa amin ‘yan. Automatic, ako na ang magdedesisyon kung tanggapin ba namin o hindi. Escalated na agad ng staff ko sa akin ‘yan.” Paliwanag ni sir Archie, kadalasan ay kaunti lang ang dala ng mga aplikanteng hindi lehitimo para madali silang makatakas. Sa unang step pa lang na ito, liliit na ang chance na may makapasok na masamang loob.

    Ilan pa sa mga bahagi ng hiring process nila ay ang pagsagot sa isang customized application form, picture taking, biometrics, NBI Clearance processing, at medical screening. Mayroon din silang sariling Requirements Verification Team na sisigurong lehitimo ang mga dokumentong natatanggap nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    3. Isinasaalang-alang nila ang health at security risk

    Ayon kay sir Archie, ang lehitimong yaya agency ay may pagpapahalaga sa kalusugan at seguridad, hindi lang ng mga magiging amo, kundi pati rin ng mga mamamasukang yaya. Mayroon silang mandatory medical screening na kasama ang chest X-ray at Hepatitis B. Pwede ring i-upgrade ang medical screening para isama ang drug testing, psychological screening, at Hepatitis A screening. 

    Pagdating naman sa security risks, mandatory na magbigay ang mga aplikante ng NBI Clearance, birth certificate, government ID, Barangay Clearance, at Police Clearance. Kung wala ang mga ito, hindi nila tinatanggap ang isang aplikante. Kung mayroon naman, sinisiguro pa nilang lehitimo ito.

    What other parents are reading

    4. Mayroon silang sariling policies

    Kung ang isang yaya agency ay walang sarili nilang rules at regulations, malaki ang chance na hindi sila lehitimo. Bukod kasi sa tama at makatuturang proseso, kailangang mayroon ka ring mga policies para bigyang proteksyon ang kliyente at mga empleyado.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Kung okay ang amo sa policy namin, they would have to answer some questions regarding their maid requirements para makahanap kami ng more or less mag-mamatch sa kanilang needs,” paliwanag niya. “Then once may ma-shortlist kami, we will arrange for either phone, video or personal interview. If okay din ang results ng medical exams at magustuhan ng amo, saka pa pwedeng i-pick up ng amo ang yaya sa opisina.”

    Paano masisigurong mapagkakatiwalaan ang yayang kukunin mo?

    Kwento sa amin ni sir Archie, mahirap malaman sa isang tingin lang kung ang makukuha mong yaya ay maayos, hindi magnanakaw, hindi maglalayas, hindi magmumura at iba pa. Ngunit, isa sa mga pwede mong gawin ay lumapit sa isang lehitimong ahensya. Sa tamang ahensya kasi, mayroong karampatang screening process na makakatulong para salaing mabuti ang yaya bago pa man siya maging bahagi ng inyong buhay.

    “Being desperate for a nanny should not in any way compromise your family's health and safety.” Isa ito sa mga sinabi ni sir Archie na talaga namang tumatak sa amin. “Kadalasan kasi sa sobrang desperado na natin sa mga yaya, kahit sino kinukuha na natin kahit alam natin na sobrang taas ng risks kasi walang mga documents, walang medical, etc.” dagdag pa niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kayo? Paano kayo naghahanap ng yaya para sa anak ninyo? I-share mo lang sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close