-
Getting Pregnant 8 Vitamins You Can Take To Increase Your Chances Of Conceiving
-
Your Kid’s Health ‘He Was Just Sleeping’: Mom Recalls ‘Unexplained’ Death Of 18-Month-Old Toddler
-
Real Parenting Why Those Tantrums and Crying Are Worth It During Family Vacation
-
News Kaye Abad Pregnant With Baby No. 2, Nikka Garcia Reveals Gender Of Baby No. 4
-
'Di Ba Dapat Open And Honest? Ang Ibig Sabihin Ng Privacy Sa Relasyong Mag-Asawa
Okay lang bang may inililihim kayo sa isa't-isa?by Ana Gonzales .

PHOTO BY Shutterstock/Mallika Home Studio
Ang isang matagumpay na relasyon ay hindi lang umiikot sa pisikal na atraksyon. Malaking bahagi rin nito ang tinatawag na emotional intimacy. Ito ang koneksyon mo at ng partner mo sa isa't-isa. Kabilang din dito ang kakayahan ninyong maging open sa isa't-isa.
Pero hanggang saan nga ba dapat maging open ang mag-asawa? Anu-ano nga ba ang mga kailangan mong ibahagi at alin ang mga pwede mong Itago na sa partner mo? Mayroon ka nga bang pwedeng itago?
Narito ang ilang mga privacy rules na maaari ninyong sundan ng asawa mo. Ayon sa mga eksperto, ito ang mga privacy rules na sinusunod ng mga asawang may maayos na relasyon.
Privacy rules ng mga mag-asawang mayroong matibay na pagsasama
Maging open tungkol sa inyong nakaraan
Kapag alam mo ang lahat tungkol sa nakaraan ng asawa mo, maiiwasan ang ano mang mga sorpresa sa inyong kasalukuyang pagsasama.
Sa pamamagitan din ng pagiging open ninyo sa isa't-isa tungkol sa inyong nakaraan, maiintindihan ninyo ang journey na pinagdaanan ng isa't-isa bago kayo nagkakilala.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHuwag matakot mag-share ng mga text messages at iba pa
Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, sinabi ng ilang mga nanay at tatay na private property ang cellphone at computer at hindi na ito dapat pinapakialaman.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosNgunit kung magtanong man ang partner mo, hindi ka rin dapat matakot na ipakita sa kanya ang gusto niyang tignan, lalo na, ayon sa mga nanay at tatay, kung wala ka namang itinatago.
Magkaroon ng respeto sa isa't-isa
Kasama rin nito ang tiwala. Irespeto mo ang nakaraan ng partner mo. Irespeto mo rin ang mga pansarili niyang gamit. Mas magiging panatag ang inyong pagsasama kung mayroon kayong tiwala at respeto sa isa't-isa.
Sa huli...
Nakasalalay ito sa inyo ng partner mo
Payo ng mga relationship experts, ang mga dapat at hindi niyo na dapat sabihin sa isa't-isa ay depende sa inyong ng partner mo.
May mga taong likas na open at makwento tungkol sa kanilang mga iniisip at nararamdaman. May ilan namang pili lang ang gustong ibahagi at hindi masyadong nagkukwento ng kanilang mga pinagdadaanan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKayo ang magtatalaga ng mga privacy rules
Ang pagkakaiba ng communication style ninyong mag-asawa ang tutulong sa inyo para maitalaga ang mga privacy rules sa inyong relasyon.
Tandaan, iba-iba ang mga tao at iba-iba ang mga relasyon. Subukang huwag ikumpara ang privacy rules ninyo ng asawa mo sa privacy rules ng iba.
Anong usapan ninyo ng partner mo pagdating sa privacy? I-share mo na Iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network