-
To Share Or Not To Share? Gaano Kahalaga Ang Privacy Sa Isang Relasyon
Dapat mo nga bang ibigay sa partner mo ang passwords ng iyong accounts?by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Halos lahat na yata ng tao ngayon may gadget at social media account. Noon pa mang nauna itong nauso, napakalaki na ng naitulong nito sa atin.
Ngayong mayroong COVID-19 pandemic, mas naging malaki ang pakinabang nito, hindi lang sa ating mga magulang, kundi pati na rin sa ating mga anak.
Ngayon kasing nabubuhay na tayo sa new normal, ang ating mga gadgets ang nagiging tulay natin para makapagtrabaho.
Ito rin ang ginagamit ng mga anak natin para makapag-aral, lalo na ngayong suspendido muna ang physical classes at online learning ang isinusulong ng pamahalaan.
Bagaman maraming pakinabang sa ating mga gadgets at social media accounts, hindi maikakailang may mga pagkakataon na pinagmumulan din ito ng hindi pagkakaintindihan.
Dapat bang may privacy sa pagitan ng mag-asawa?
Isa sa mga mainit na pinag-uusapan sa aming online community ay ang privacy sa pagitan ng mga mag-asawa. Kailan nga ba okay na silipin mo ang laman ng gadgets ng partner mo at kailan mo kailangang respetuhin ang privacy niya?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon kay Alayna Pehrson, isang spousal identity theft expert, normal lang sa mga mag-partners na ibigay ang passwords nila sa isa’t-isa.
What other parents are reading
Sabi naman ng health and wellness expert na si Caleb Backe, nakakatulong sa mag-asawa ang transparency—mas nagkakaroon sila ng tiwala sa isa’t-isa at mas nagkakaroon din sila ng intimacy.
Ipinaliwanag din ng mga eksperto na para maging healthy ang isang relasyon, kailangang mayroon itong boundaries.
Hindi rin pantay ang pangangailangan sa privacy ng mga tao. Maaaring sa iyo ay hindi panghihimasok ang pag-galaw sa cellphone mo, pero maaaring sa partner mo, invasion of privacy na ito.
Bakit kailangan mong malaman ang password ng partner mo?
Payo ng mga relationship experts, dapat ay malinaw sa inyong mag-asawa kung bakit gusto ninyong malaman ang password ng isa’t-isa.
Kung ang dahilan mo kung bakit gusto mong malaman ang password ng partner mo ay dahil wala kang tiwala sa kanya, may mas malaking issue pa kayo na kailangan resolbahin bilang mag-asawa.
CONTINUE READING BELOWwatch nowUna sa lahat, kailangan mo munang sagutin kung bakit wala kang tiwala sa partner mo.
Ang pagkakaroon ng trust issues sa isa’t-isa ay tanda na hindi maayos ang inyong pagsasama.
Walang isang tamang paraan
Ang bawat relasyon ay unique. Kung nakakapagdala ng peace of mind sa inyong dalawa na alam ninyo ang password ng isa’t-isa, walang masama na ipagpatuloy ninyo ang inyong setup.
Kailangan lang ay pareho kayo ng partner mo na komportableng ibigay ang passwords ninyo sa isa’t-isa. Siguraduhin niyong napag-usapan, napagkasunduan, at payag kayo sa mga boundaries na ilalatag ninyo sa inyong relasyon.
Deserve ninyo pareho ang isang pagsasama na may sapat na tiwala, kalayaan, at privacy.
Ano sa tingin mo? Okay lang bang alam ng partner mo ang password mo? I-share mo na ang iyong opinyon sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments