Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Anim Na Simpleng Paraan Para Mas Maging Supportive Na Misis

    Mahalaga ang samahan ninyong mag-asawa para makapagpalaki ng mababait na mga bata.
    by Ana Gonzales .
Anim Na Simpleng Paraan Para Mas Maging Supportive Na Misis
PHOTO BY iStock
  • Hindi maikakaila na mahirap ang role mo bilang ina. Bukod sa nakakapagod ito, marami rin itong kaakibat na pressure. Kaya naman hindi nakapagtataka na minsan ay madaling makalimutan ang role natin bilang asawa.

    Ngunit bakit nga ba mahalaga ang pagiging supportive na asawa sa kabila ng pagod natin bilang ina? Malaki ang maitutulong ng inyong relasyon bilang mag-asawa para mas mapagaan ang dalahin ninyo bilang mga magulang. Kung magkatuwang kayo sa pagpapalaki ng inyong mga anak, kahit papaano, mas maiibisan ang bigat ng mga responsibilidad ninyo.

    Paano nga ba maging isang supportive na misis? Narito ang ilang simpleng paraan para maipakita mo sa asawa mo ang supporta mo sa kanya:

    Lagi mong ipaalam sa asawa mo na proud ka sa kanya

    Importanteng alam ng asawa mo na nakikita mo ang mga ginagawa niya para sa inyong pamilya. Minsan, dahil na rin sa sobrang busy natin, nakakalimutan na nating sabihin sa isa’t-isa kung gaano natin sila na-aappreciate at kung gaano tayo ka-proud sa kanila. Isang paraan ito para magsilbi kang inspirasyon sa kanya lalo na kapag dumarating siya sa punto na masyado na siyang napapagod.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Suportahan mo ang mga bagay na nagpapasaya sa asawa mo

    Kung mahilig siyang mag-basketball, bigyan mo siya ng panahon para makapaglaro kasama ng mga kaibigan niya. Kung mahilig siyang tumugtog, suportahan mo ang musika niya. Malaking bagay na maramdaman ng asawa mo na bahagi ka ng mga bagay na nagpapasaya sa kanya.

    Ipakita mo sa asawa mo na inspiring siya

    Bukod sa pagpaparamdam mo sa asawa mo na proud ka sa kanya, mahalaga ring ipakita mo sa kanya kung gaano ka niya na-iinspire. Dapat ay alam niya na may impact sa iyo ang mga bagay na ginagawa niya. Importanteng alam niya na nakikita mo siya at ang mga efforts niya.

    More from Smart Parenting

    Huwag mong iiwan ang asawa mo sa hirap at ginhawa

    Madaling sabihin ito sa araw ng inyong kasal, pero mahirap itong pangatawanan habang tumatagal ang inyong pagsasama. May mga challenges tulad ng pera at pagpapalaki ng mga bata na susubok sa inyong dalawa. Ipakita mo sa asawa mo na ano man ang pagdaanan ninyong dalawa, nariyan ka sa likod niya at sumusuporta.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Purihin mo ang asawa mo sa pagiging mabuting magulang

    Alam mo ang pakiramdam nang hinuhusgahan ang mga choices mo sa pagiging magulang. Kaya importanteng purihin mo ang asawa mo kapag maganda ang nagagawa niya bilang daddy ng mga anak ninyo.

    More from Smart Parenting

    I-spoil mo rin ang asawa mo paminsan-minsan

    Magluto ka ng masarap na ulam o hindi kaya ay magpamasahe kayong dalawa. Minsan ay maganda ring i-spoil ninyo ang isa’t-isa. Hindi kailangang gumastos ng malaki, ang importante ay maipakita mo sa asawa mo ang appreciation mo sa kanya.

    Aminin man natin o hindi, mahirap talagang maging supportive na misis, lalo na kung pagod ka na sa dami ng gawaing bahay at malilikot pa ang mga anak ninyo. Mahirap ding maging supportive kung ikaw mismo, hindi mo nararamdaman ang suporta ng asawa mo. Ang isa sa pinakamabisang paraan para magawa mo ito ay ang pag-honor sa inyong commitment sa isa’t-isa.

    Isang magandang advice na nakuha rin namin mula sa isang nanay sa Smart Parenting Village ay ang mahalin mo ang asawa mo nang walang kondisyon. Pangalagaan mo siya ng kung paano mo gusto mapangalagaan. Bukod pa riyan, humanap ka ng suporta mula sa iyong pamilya kapag may mga pagkakataong hindi ka niya masuportahan. Sa ganitong paraan maaari ka pa ring maging supportive nang hindi nauubos ang confidence mo sa iyong sarili.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles