embed embed2
  • Sabi Ng Isang Husband: Ito Ang Sikreto Para Tumulong Kami Sa Gawaing Bahay

    Hindi niyo na kailangang makipagtalo sa inyong asawa araw-araw dahil sa mga chores.
    by Ana Gonzales .
Sabi Ng Isang Husband: Ito Ang Sikreto Para Tumulong Kami Sa Gawaing Bahay
PHOTO BY iStock
  • Ilang beses niyo na bang pinag-awayan ng asawa mo kung sino ang gagawa ng ano pagdating sa mga gawaing bahay? Gumagana ba ang mga pakiusap mo na tulungan ka niya? O madalas ay busy siya sa paglalaro ng mobile games o panonood ng mga videos online?

    Hindi na bago ang ganitong mga sitwasyon sa mga mag-asawa, lalo na kung wala kayong kasama sa bahay. Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, madalas na humihingi ang mga nanay ng payo kung paano nga ba nila mahihikayat ang kanilang mga asawa na tumulong sa gawaing bahay.

    What other parents are reading

    Ayon sa kanila, sinubukan na nilang kausapin ang kanilang mga asawa tungkol dito, pero lagi lang itong pinagmumulan ng away. Tanong pa ng mga nanay, hindi ba dapat ang pag-aasawa ay isang partnership? Hindi ba dapat ay katuwang ng mga nanay ang mga tatay sa lahat ng bagay?

    Bagaman sabi ng mga nanay ay great provider at mabubuting ama ang kanilang mga partners, frustrating pa rin para sa kanila na hindi tumutulong ang mga ito sa mga gawaing bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero bakit nga ba tila matindi ang allergy ng mga hubbies sa chores? Paano nga ba natin sila mahihikayat?

    Sabi ng isang hubby, mayroon kang mga bagay na pwedeng gawin para hindi niyo na pag-awayan ang mga gawaing bahay. Narito ang ilan sa kanila:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Huwag mong daanin sa galit

    Kung galit at pagdadabog ang ibubungad mo sa asawa mo, mas hindi ito mahihikayat na tumulong sa mga gawaing bahay. Kwento ng husband na nakausap namin, walang taong magrerespond ng maayos sa sigaw at galit.

    Iwasan mong maging nagger

    Inamin ng hubby na nakausap namin na tuwing magsasalita ang asawa niya, hindi na niya ito pinapakinggan dahil nakakasawa ang nagging nito. Ayon pa sa kanya, may mga bahagi lang silang naririnig, pero kalimitan ay hindi na nila tayo pinapakinggan. 

    Sa halip na mag-nag, pwede kang humanap ng space kung saan ka makakapagpalipas ng galit. Kapag kalmado ka na, saka mo kausapin ang iyong asawa. Ayon sa aming source, "nagging sounds very negative. Hindi nakaka-encourage para tumulong kami." 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Huwag mong iparamdam sa amin na wala kaming naitutulong

    Hindi mahihikayat ang asawa mo na tulungan ka kung palagi mong ipaparamdam sa kanya na hindi siya mahalaga. Iparamdam mo sa kanya na importanteng bahagi siya ng pagpapaganda at paglilinis ng inyong bahay. Hingin mo ang kanyang opinyon at iparamdam mong mahalaga ang kanyang mga suggestions. 

    Kung palagi mo kasing hindi papansinin kung ano ang palagay ng asawa mo, hindi ito ma-eencourage na magkaroon ng opinyon.

    What other parents are reading

    Aralin mo ang aming love language

    Kung mahalaga ang papuri sa asawa mo, ibigay mo ito tuwing tutulungan ka niya sa gawaing bahay. Purihin mo siya sa bawat pagkakataong may binubuhat siyang mabigat para sa iyo. Ipakita mo ang iyong appreciation tuwing tutulungan ka niyang abutin ang mga hindi mo kaya o 'di kaya ay buksan ang mga boteng hindi mo mabuksan. 

    Sa mga maliliit na appreciative gestures na ito kasi ay mararamdaman niya na mahalaga siya sa iyo. Sino ba namang husband ang hindi kikiligin kung makikita niyang bilib na bilib sa kanya ang asawa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kalimitan kasi ay disappointment ang una nilang nakikita. Subukan mong ipakita sa kanila na importante sila at naaappreciate mo ang mga kaya nilang gawin sa bahay—mas nakakaencourage ito para tulungan ka nila.

    What other parents are reading

    Hayaan mong gawin namin ang mga bagay-bagay sa aming sariling paraan

    Kapag tumulong ang asawa mo sa paghuhugas ng plato, pagwawalis, o pagtitiklop ng mga damit, pasalamatan at purihin mo ang trabaho niya. Huwag mong sitahin kung paano siya maghugas at huwag mo siyang pagalitan dahil iba ang paraan niya ng pagtitiklop kumpara sa paraan mo. 

    Kwento ng hubby na nakausap namin, nakakawalang ganang tumulong sa gawaing bahay kung puro kritisismo ang naririnig nila. Pwede kang magsuggest kung paano gawin ang isang bagay, pero huwag mong ipilit ang sarili mong pamamaraan. Tandaan na iba-iba man tayo ng paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, hindi ibig sabihin na ang paraan mo lang ang tama.

    What other parents are reading

    Huwag mong asahan na sa unang beses na gagawin mo ang mga ito ay bigla na lang magiging masipag sa gawaing bahay ang asawa mo. Ito ay isang gradwal na proseso na unti-unti ninyong makakasanayang mag-asawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Simulan mo sa pamamagitan ng pagpuri sa mga efforts niya. Walang taong gaganahang tumulong kung hindi mo i-aappreciate ang mga efforts niya. 

    Sabi nga ng husband na nakausap namin, madali lang namang lambingin ang ating mga hubbies. Kung gusto nating nilalambing tayo, ganoon din sila. Mas epektibo ang tinatawag na positive reinforcement kaysa sa nagging.

    What other parents are reading

    "Ultimately, ang sikreto para mapatulong mo si hubby sa chores ay bigyan siya ng positive reinforcement at maraming encouragement na importante ang kontribusyon niya sa pamilya ninyo," paliwanag ng aming source.

    Hindi ka rin ba tinutulungan ni hubby sa chores? Anong ginagawa mo? Nagagalit ka ba o kalmadong nagpapatulong? I-share mo na iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makipagkwentuhan sa mga nanay tungkol dito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles