syn-00391,mike enriquez,mel tiangco,Mel Tiangco Shares How Mike Enriquez Loved His Wife Baby Yumping,Sensitive Subjects,Death & Tragedy,Arts & Entertainment,Celebrities & Entertainment News,mike enriquez,mel tiangco,baby yumping,lizabeth yumping enriquez,Mel Tiangco details how Mike Enriquez loved his wife Lizabeth Baby Yumping.
LifeLove & Relationships

Mel Tiangco Recalls How Mike Enriquez Would Rush Home To Wife, 'Nagluto Daw Si Baby Ng Monggo'

"Despite of all the accolades, totoong-totoo, taong-tao."
PHOTO BYGMA NEWS, TWITTER /GMANEWS

Puno ng magagandang alaala ang eulogy ni Mel Tiangco para sa namayapang batikang broadcaster na si Mike Enriquez.

Ginanap ang pagbibigay-pugay ni Mel, kasama ng ilan pang kasamahan niya sa GMA Network, sa burol ni Mike noong Biyernes ng gabi, September 1, 2023, sa Christ The King chapel sa Greenmeadows, Quezon City. Pumanaw si Mike noong August 29 dahil sa sakit.

Ayon kay Mel, magkakilala na raw sila ni Mike bago pa sila nagkatrabaho sa GMA Network noong 1996.

"Incidentally, he was my boss when I started my radio career at Radio Mindanao Network DZXL," pagbabahagi ni Mel.

Halos tatlong dekada silang magkatambal bilang news anchors sa 24 Oras at Saksi, kaya kilalang-kilala na raw ni Mel si Mike sa likod at harap ng kamera.

Alam daw niya kung kailan ang good and bad days ni Mike.

Pero ang isa sa mga nakakatuwang kuwento na ibinahagi ni Mel tungkol kay Mike ay ang pagmamahal nito sa misis na si Lizabeth "Baby" Yumping.

"I will tell you, from a woman's heart, I can say, mahal na mahal niya si Baby," ani Mel.

Lahad pa niya: "Kuwentuhan ko kayo. Nagmamadali na yang umuwi. 'Mel, umuwi na na tayo.' 'Bakit?' Nagluto daw si Baby ng monggo. Naiisip daw niya...

"O, ngayon, yung damit, huwag mong mapansin ang damit niya. Huwag mong pintasan ang damit. 'Ah, hindi. Si Baby nag-ayos nito,' sabi niya."

Sabay tingin ni Mel kay Baby, na nakaupo sa bandang harap ng chapel: "Kahit kung minsan, Baby, asiwa. Asiwa yung kulay. Asiwa yung ano."

Patuloy ni Mel tungkol sa usapan daw nila noon ni Mike: Sasabihin lang niya, 'Hindi, okay lang yan! Si Baby gumawa nito!'

"Pero, kahuli-hulihan, natutong maglagay ng nose... Anong tawag dun? Noseline! Natuto!

"E, kung minsan, aba'y, dyusko naman! Ang noseline na inilalagay, itim na itim!

"So, pagsasabihan ko siya, 'E, Mike, medyo anuhin mo naman yan... Nipisan natin ng konti. Pormahan natin.'

"Alam niya naman ang ilong ni Mike, di ba? As iconic as his, as his delivery of the news. Yung nose niya talaga, nobody has a nose like that."

watch now

Sabay dagdag ni Mel, "That's supposed be positive."

Tawanan ang mga taga-GMA-7 at iba pang nakikilamay na nasa loob ng chapel.

Hindi iyon ang unang beses na nagbitiw ng biro tungkol sa looks ni Mike.

Base sa video files ng GMA-7, si Mike mismo ay nanunguna noon sa pag-aming hindi niya alam kung paano siya naging TV personality.

Sa pagpapatuloy ng eulogy ni Mel, binuking niya kung bakit daw ganoon ang noseline na pinapalagay ni Mike sa make-up artist.

Lahad ni Mel: "Baby, makinig ka... Kasi, kung minsan, yung makeup artist niya, ang sinisikreto ko, e. 'Grace, bawas-bawasan mo naman [yung noseline]! Sobra-sobra na!'

"Sabi niya, 'Naku, Tita Mel, yan ang gusto niya!' 'Ah? Totoo ba yun, Mike, gusto mo yun?' 'Hindi! Si Baby ang may gusto nito! Si Baby nanonood araw-araw para bantayan yung ilong ko!'

"So, di namin mapakialamanan yung ilong niya."

READ ALSO: Grief Etiquette: 6 Things to Remember in Comforting the Bereaved

Muling nagtawanan ang mga tao sa chapel.

Sa audience, makikitang itinanggi ni Baby na siya ang may gusto na ganoon ang noseline ni Mike kapag lumalabas ito sa TV.

Pero nanindigan si Mel na iyon daw ang katuwiran ni Mike sa kanila.

Dagdag ni Mel, "So, anong ibig sabihin niyan? Taong-tao, di ba? Despite of all the accolades. Despite all of his mastery of our profession, totoong-totoo, taong-tao."

Sa ulat naman ng GMA News, may bilin daw si Mike sa asawa. "Ang kabilin-bilinan sa 'kin ni Mike, huwag akong iiyak. 'Yan lang ang bilin niyan," ani ni Baby.

Hindi man raw nabiyayaan ng anak, naging masaya ang dalawa sa 46 na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Mayroon din silang dalawang aso, sina Booma at Mickey.

How colleagues of Mike Enriquez remember him

May kuwento rin ang iba pang Kapuso broadcasters na sina Pia Archangel at Arnold Clavio tungkol sa moniker ni Mike na "Baby Mike" noong nagsisimula ito bilang disc jockey sa radio.

Hango raw ito sa pinagsamang pangalan nina Mike at Baby.

Sinasabing nagkakilala sina Mike at Baby nang maging "caller" ang huli sa radio station kunsaan DJ si Mike. Ganoon katindi ang pagtatangi ni Mike kay Baby.

Si GMA-7 chairman and CEO Felipe Gozon nagpatotoo rin na ang magandang relasyon ni Mike sa misis nitong si Baby ang isa pang sikreto sa matagumpay na karera ng pumanaw na respetadong broadcaster.

May ilan pang trivia ang naibahagi sa GMA Night special tribute sa burol ni Mike.

Sa inihandang retrospective ng GMA-7, binanggit na dating seminarista si Mike. At hindi man ito natuloy sa pagpapari, nanatili raw ang matibay na pananampalataya nito Diyos.

Ayon kay Arnold, isang bagay na lagi raw laman ng bulsa ni Mike kapag pumapasok ito sa trabaho ay rosaryo.

Sabi naman ni Pia, hindi raw niya malilimutan ang minsang sinabi ni Mike na ilang beses itong magdasal sa isang araw—habang papasok ng opisina, sa tuwing magkaroon ito ng quiet moments during the day, at lalung-lalo na raw "in the silence of the night" para magpasalamat sa buhay na ipinagkaloob rito.

READ ALSO: Don't Stop At 'Nasa Heaven Na' When Explaining Death To Your Child: What You Can Say

Kuwento pa ng isa pang broadcaster na si Susan Enriquez, si Mike ay "strikto, perfectionist, at mabusisi" na boss.

Ito rin daw ang nagpapaalala lagi sa kanya at iba pa nilang kasamahan na "Energy! Energy!"

Pero handa rin daw itong makinig sa mga pagkakataong napaglabasan niya ito ng problema.

Nagbigay-pugay din si Senior Vice President for GMA Pictures Nessa Valdellon, na dating program manager ng Imbestigador, kunsaan host si Mike.

Walang kapantay daw ang dedikasyon ni Mike sa trabaho, at hindi raw ito kailanman nag-utos na patayin ang maselang istorya sa ngalan ng serbisyong tototoo.

Hindi rin daw malilimutan ng production people ng Imbestigador ang generosity ni Mike, hindi lang sa mga nangangailan, ultimo pang-date ng kasamahan ay nag-aabot pa raw ito kung minsan.

READ ALSO: How Andrew Schimmer Shows His Children How Much He Loves Their Late Mom

Mel Tiangco: Mike will always be remembered

Sa huling bahagi ng eulogy ni Mel, niyaya niya ang mga kasamahan na mag-standing ovation para sa pagkilala sa di matatawarang inspirasyong ibinigay ni Mike sa kanila.

"We can never deny that Mike has truly touched the lives of countless individuals.

"He has also been someone who helps, even those who never asked for help. He was indeed an inspiration..." ani Mel.

Dagdag niya patungkol kay Mike, "Your impact will always resonate in our hearts.

"Ang aming pagmamahal sa yo, hinding-hindi namin tatatan-tanan, ngayon, bukas, at magpakailanman."

Watch the full video of Mel Tiangco's eulogy here.

This story originally appeared on Pep.ph.

*Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close