embed embed2
Mga Natatagong Lambing Ni Daddy! Simple Gestures Na Nakakakilig
PHOTO BY Shutterstock
  • Kalimitan, ang mga hinaing ng mga misis at mga nanay ang nababasa mo online.

    Nariyang madiskubre nilang naging unfaithful ang kanilang asawa o 'di naman kaya ay puro online games lang ang inaatupag sa halip na tumulong sa pag-aalaga ng bata.

    Ngunit gaya nga ng sabi ng ilang mga nanay, mayroon din namang naitatagong lambing ang mga daddies. Madalas lang talaga ay mas praktikal ang kanilang mga regalo tulad na lang ng pagpitas ng malunggay para sa kanilang padede wife o 'di naman kaya ay pagbili ng vacuum na panlinis ng bahay.

    'Yan ang siyang naranasan ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village nito lang katatapos na 11.11 online sale.

    Kwento nila, akala nila'y sila lang ang abalang-abalang naga-add to cart. Iyon pala, kahit ang mga daddy ay nagkukumahog ding makapag-add to cart ng mga gusto nilang bilhin, hindi para sa kanilang mga sarili, kundi para kay misis.

    Sabi pa ng isang nanay, nagugulat na lang daw siya minsan dahil may na-checkout na ang laman ng cart niya. May isang nanay namang nagkwento na nag-alarm pa talaga si mister para umabot siya sa 11.11 sale.

    Para naman kay mommy Costillas Gabriola Mayelle, bigla na lang siyang nakatanggap ng mensahe mula sa kanyang asawa, nagtatanong kung anong size ng panty niya.

    Busy raw si mommy sa trabaho kaya hindi siya nakakapag-reply agad kay daddy pero tawag daw nang tawag ito.
    PHOTO BY courtesy of Costillas Gabriola Mayelle
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    'Yun pala, magtatanong si daddy ng size para maka-order na siya online bago pa man matapos ang 11.11 sale.
    PHOTO BY courtesy of COSTILLAS GABRIOLA MAYELLE

    "While most women go crazy [during] the 11.11 [sale], here is my husband, nag-invest ng oras to find great deals for me," kwento niya.

    "I find this sweet since my second love language is 'gifts,'" dagdag pa niya. "The effort means so much to me."

    "Last time, ginising niya pa ako sabay sabing, 'Ma, mage-end na 'yung Shopee sale, may bibilhin ka pa ba?'"

    Na-experience din ito ni mommy Demy Rose Manuel. Todo tanong din si daddy ng size para ma-orderan siya habang may sale pa.

     

    Ganyan din ang experience ni mommy Demy Rose Manuel!
    PHOTO BY courtesy of Demy Rose Manuel
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

     

    Napakasimpleng gesture lang, pero tagos na tagos sa puso ng mga nanay. Madalas kasi, hindi naman bumibili ang mga magulang ng sarili nilang gamit.

    May mga pagkakataon ngang bago ang damit ni baby, pero ang panty ni mommy at brief ni daddy, wala nang garter.

    Sabi nga nila, pag naging magulang ka na, madalas naisasakripisyo mo ang sarili mong pangangailangan. Pinatunayan ng mga magulang na ito na wala 'yan sa presyo ng regalo, kundi sa pagpaparamdam sa partner mo na inaalala mo siya.

    Kayo, anong kwentong online sale ninyo? I-share mo na iyan sa comments section.

    Follow Ana Gonzales on Instagram at @mrs.anagonzales.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles