celebrity,marriage,Chito Miranda,Neri Naig,Neri Naig Miranda,Neri Miranda,relationship with spouse,Neri Sa Kung Bakit Mahal Na Mahal Niya 'Tong Bwiset' Na Si Chito,celebrity, Neri Naig, Naig Naig-Miranda, Chito Miranda, relationship with spouse, marriage, successful marriage,Ikinuwento ni Neri Naig Miranda kung bakit mahal na mahal niya ang asawang si Chito Miranda kahit bwiset ang tawag niya rito.
LifeLove & Relationships

Ikinuwento Ni Neri Kung Bakit Mahal Na Mahal Niya Ang 'Bwiset' Na Asawang Si Chito

Halos walong taon nang kasal sina Neri at Chito Miranda.
PHOTO BYInstagram/mrsnerimiranda

Sa darating na December 2022 pa ipagdiriwang nina Neri Naig-Miranda at Chito Miranda ang kanilang 8th wedding anniversary.

Ibig sabihin, malalampasan na nila ang tinatawag na seven-year itch para masabing successful nga ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Sa latest social media ni Neri ay nagbigay siya ng mga rason kung bakit mahal na mahal niya si Chito, kahit ika nga "bwiset na 'to" ang asawa. Tila iyon din ang ilan sa mga rason kung bakit maayos ang kanilang relasyon.

"My favorite and my forever date," ang bungad ng artista at negosyante sa caption ng kanyang post kalakip ang litrato ng kumakaing musikero at bokalista ng bandang Parokya ni Edgar.

Base sa hawak na tinapay ni Chito at ang mga pagkain sa mesa, pihadong naga-almusal sila ni Neri nang kunan ang litrato habang nasa bakasyon sa Tanauan, Batangas. Nakatira naman silang mag-asawa sa Alfonso, Cavite kasama ng kanilang tatlong anak: Pia, Miggy, at Cash, na kawa-one-year old lang.

Kuwento ni Neri tungkol kay Chito: "Minsan nagkakapikunan at nagkakairitahan. Pero isang lambing at yakap lang galing sa lalaking eto... wala na.. marupok na ako."

Dagdag niya, "Kahit mag-asawa na kami, araw araw pa rin akong nililigawan nito. May pa flowers at love letters palagi. Saka gusto palaging nagde-date kami. Sya talaga nagrerequest."

Ito pa ang mga dahilan kung bakit nahulog nang husto si Neri kay Chito: "Kapag pangit ang araw ko o ako mismo yung pangit, never nyang ipaparamdam yun. Palagi nyang ireremind sa akin kung gaano ako kaganda kahit hindi ko maramdaman na maganda ako. Palagi nyang pinagagaan ang pakiramdam ko."

watch now

Dugtong niya, "Kapag down ako, never nyang ipapa-feel sa akin na nag iinarte ako. Ipaparamdam nya sa akin na valid ang feelings ko kahit minsan siya ang dahilan. Maiirita muna siya sa akin tapos lalambingin ako after, hehe!"

Pero paglilinaw ni Neri tungkol kay Chito: "Hindi naman yan santo, pikon yan." Pero pagmamalaki niya, "Iba ang Chito Miranda. Iba magmahal. Iba mag-alaga. Iba sumuporta. Babaeng babae ako."

Sa huli, nag-iwan siya ng mensahe sa kanyang asawa: "Mahal na mahal ko tong bwiset na to! I love you, Dad! Sooobra!!!"

Basahin dito ang ilan pang kuwento ng mga mag-asawa nalampasan ang seven-year itch.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close