Sabi ng asawa ni Solenn Heusaff na si Nico Bolzico, hindi siya kailanman nakaramdam ng selos sa ibang lalaki.
"I never got jealous ever - and I think she didn't also," pahayag niya sa isang interview ng vlogger na si Wil Dasovich sa YouTube channel nito.
Dagdag pa niya, tanggap niya ang industriya kung nasaan si Solenn, kaya hindi na isyu sa kanya ang selos.
"I married the hottest girl in the Philippines, and then she's doing movies with kissing scenes. Imagine if I would be a jealous guy. I really respect her profession. There's nothing to be jealous of," sabi ni Nico.
Paliwanag niya, may dalawang uri ng selos. Pwedeng nagseselos ka dahil may pakialam ka sa taong mahal mo. Pero aniya, ang panlaban sa selos ay ang pagkakaroon ng "trust and communication" sa mag-asawa.
"You have to be a 'healthy' jealous. If there's trust and communication shouldn't be any insecurity or jealousy," dagdag pa niya. Kilala ang mag-asawa sa pagiging masayahin, na sila mismo ang gumagawa ng prank sa isa't isa.
Paano Makakaiwas Makaramdam Ng Selos
Narito ang tips ni Allison Abrams, isang psychotherapist at awtor sa US, kung paano makaiwas makaramdam ng selos.
1. Huwag magpadala sa negative thoughts.
Kung nakakaramdam ka ng selos, kasunod na niyan ay ang pag-aalala na baka may affair na ang asawa mo, at pag-iisip na baka humantong kayo sa hiwalayan.
Ayon kay Robert Leahy, PhD, na nagsulat ng aklat na The Jealousy Cure: Learn to Trust, Overcome Possessiveness & Save Your Relationship, iwasan ang mga negatibong pag-iisip na ganito na wala pa namang basehan. " Imagine your thoughts as a temporary house guest. Try as you might to keep the unpleasant ones out, they will always find a way to visit. And it’s up to you to choose whether they overstay or not."
Sabi naman ni Abrams, “That’s why it’s essential to ‘fact-check’ our thoughts and not believe everything we think.”
2. Huwag agad isipin na ikaw ay may pagkukulang.
Ang mga taong nakakaramdam ng selos ay diumano nakakaramdam din ng pagiging hindi sapat o inadequacy. Madalas iniisip nila na baka kaya nag-cheat ang asawa nila ay dahil hindi na sila ganun kaganda o kasing bata tulad ng dati. Pero paalala ni Leahy, "“a partner’s decision to lie or cheat is more about them than it is about you.”
3. Makipag-usap sa iyong asawa.
Kung hindi ka mapalagay sa isang bagay o may gusto kang malaman ukol sa iyong asawa, lalo na kung napansin mo na lagi siyang may ka-chat na ka-trabaho niya, mainam na sa kanya mo diretso makuha ang impormasyong ito.
Normal ang makaramdam ng selos lalo na sa dalawang taong nasa isang relasyon, at hindi ito dapat ikahiya. Kausapin mo ang asawa mo ukol dito sa panahong kayong dalawa lamang at kalmado kayo pareho.
4. Pataasin ang self-confidence.
Payo naman ng beauty vlogger na si Anne Clutario o Anne Clutz, dapat ay lagi mong iniisip bilang babae na wala nang mahahanap na katulad mo ang asawa mo. "Lagi ninyong itaas ang bandera ninyo!" pag-encourage niya.
Ayon kay Lolette Oliva-Alipe na mahigit 40 taon nang kasal, ang selos raw ay isang "useless emotion," Jealousy simply means that you have such a low view of yourself you think your spouse will stray!" Dagdag pa niya, "Be confident!"
5. Mahalin ang sarili.
Ayon mismo kay Solenn Heusaff, mahalaga ang paglalaan ng oras para sa sarili, lalo na sa mga nanay. Marami kasi ang naiinggit sa mga ibang nanay dahil sa nakikita sa social media. "Mum guilt can be real, but remember to always take some time off for yourself sometimes!"