embed embed2
  • #SPConfessions: Hindi Naman Lahat Ng Lalaki Tamad At Babaero

    Mayroon ding mga responsableng ama sa kanilang mga anak at asawa sa kanilang mga misis.
    by Ana Gonzales .
#SPConfessions: Hindi Naman Lahat Ng Lalaki Tamad At Babaero
PHOTO BY iStock
  • Hindi na bago sa mga ina at asawa na katulad natin ang makabasa ng mga mahahaba at malulungkot na social media posts tungkol sa mga pagkukulang ng ating mga asawa at sa mga challenges ng pagiging ina.

    Madalas ay nakasentro ang mga rants at memes na ito sa kung paanong hindi nila tayo gaanong natutulungan sa gawaing bahay, maging sa mga pagkakataong hindi sila nagiging tapat sa atin.

    Kung bahagi ka ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, siguradong nakita mo na ang ilan sa mga posts na ito. Karamihan sa kanila ay mga #SPConfessions—mga anonymous posts na ipinadala sa amin ng mga miyembro.

    What other parents are reading

    Sa papalapit na Araw ng mga Puso, mas dumarami ang natatanggap naming ganitong mga mensahe, ngunit iba ang umantig sa aming mga puso. Kamakailan ay paparami na rin ng paarami ang mga anonymous appreciation posts na nakukuha namin. Mga #SPConfessions na hindi malungkot, sa halip ay nag-uumapaw pa sa pasasalamat at appreciation para sa mga haligi ng tahanan. Narito ang isa sa mga natanggap namin:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Karamihan ng mga nababasa ko nitong mga nakaraang araw ay tungkol sa mga 'walang kwentang asawa at ama'. Sobrang daming mga hindi masaya sa relasyon nila. Pero kung iisipin natin at kung magiging patas tayo sa mga kalalakihan, hindi naman lahat sila ay manloloko, iresponsable, tamad at babaero. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Araw-araw akong nagpapasalamat sa Diyos na binigyan niya ako ng asawang faithful, responsible, malambing, at may takot sa Diyos.

    What other parents are reading

    Hindi perfect ang pagsasama namin. Wala naman kasing relasyong perpekto. Ang mahalaga, tanggap namin ang kahinaan ng isa’t-isa. Umiinom din siya at lumalabas kasama ang mga kaibigan niya. Sa katunayan, matagal din namin itong pinagawayan. Matagal din bago namin nahanap ang balance. Hindi ito na-resolve sa isang usapan lang. Maraming beses kaming nagtalo, nagbati at nagtalo ulit bago kami nagkasundo at nasanay sa kung anong dapat gawin. 

    Nagselos din ako sa mga babaeng nakahalubilo niya lalo na’t for a time ay naging long distance ang relationship namin. Na-insecure din ako sa mga Instagram accounts na finafollow niya. Nagselos din ako sa mga kaopisina at sa mga choices niya. Pero alam ninyo kung paano kaming nakabangon dalawa? Namili kami. Pinili namin ang isa’t-isa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

     

    Kailangan mong tandaan na kung mature ang lalaking napili mo, hindi mo na kailangan pang magmakaawa sa kanya para tulungan ka sa gawaing bahay. Kung tama ang lalaking napili mo, magiging loyal siya sa iyo.

    OFW ang asawa ko. Para patibayin ang aming relasyon, bago siya umalis, lagi kong sinasabi at pinaparamdam sa kanya na malaki ang tiwala ko sa kanya. Lagi kong ipinagdadasal na sana huwag niyang sirain ang tiwala ko at kahit kailan, hindi naman niya ako binigo. 

    Marami sa inyo na nakakabasa nito ngayon ang magsasabing hashtag sana all. Maraming magsasabing sinwerte lang ako at hindi lahat ay swerte. Pero ang tagumpay ng relasyon ay hindi 100% swerte. Siguro 3-5% lang nito ang luck, the rest ay hard work, tiwala, at marami pang iba.

    What other parents are reading

    Hindi ka man lubos na pinalad sa pag-ibig at isa ka man sa mga asawang madalas mag-post ng malulungkot na stories online, kailangan mong tandaan—ang buhay mo ngayon ay hindi na lang umiikot sa iyong kabiyak. Hindi man maganda ang relasyon ninyo bilang mag-asawa, importanteng matuto kang tumayo mag-isa para sa iyong mga anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfession na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin nito.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles