;
embed embed2
  • Sa 7 Years, Isang Beses Lang Naalala Ng Partner Ko Ang Aming Wedding Anniversary

    Paano kung hindi na nage-effort ang iyong asawa?
    by Angela Baylon .
Sa 7 Years, Isang Beses Lang Naalala Ng Partner Ko Ang Aming Wedding Anniversary
PHOTO BY shutterstock
  • Upang mapanatili ang matibay na pagsasama, mahalaga sa bawat mag-asawa na maipakita sa kanilang partner ang kanilang pagmamahal. Ngunit habang tumatagal, nagiging hamon ito para sa iba. Nariyang dahil sa dami ng kailangan gawin sa pagtataguyod ng pamilya, wala nang paglalambing o di kaya'y hindi na naalala kung kailan ang inyong anniversary.

    'Yan ang madalas na nababasa naming daing sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Kadalasan, mga nanay ang nakakaramdam na tila wala na ang dating espesyal na pagtingin ng kanilang mister.

    Sa isang anonymous post, ibinahagi ng isang mommy ang nararamdamang pagkadismaya at tampo sa asawang isang beses pa lang naalala ang kanilang wedding anniversary sa loob ng 7 taon nilang pagsasama. Pakiramdam niya, hindi na siya pinapahalagahan ng kaniyang kabiyak. Narito ang bahagi ng kaniyang #SPConfession:

    "Dapat ko bang maramdaman 'to? O baka nag-iinarte lang ako? 7th wedding anniversary namin today at ni ha, ni ho wala akong narinig. Actually kagabi pa ako tahimik na nag-breakdown. Habang inaalala ko 'yung mga bagay katulad ng, 'ano pa bang purpose ng pagsasama namin'? Yes, we love each other pero feeling ko parang hindi 'yun enough lalo na kung feeling mo parang hindi ka na pinapahalagahan. Na, oo nga mahal nyo isa't isa at magkasama kayo, pero parang normal na lang ang trato.

    Partida two days ago nagpaalala pa ako na malapit na anniversary namin, and I don't expect something naman. Kahit bati lang, BATI LANG. Kasi the last time na binati nya ako was nung first year namin. Nakakatawa 'di ba? Sinabi ko pa na magtatampo ako kapag kahit bati wala kasi kako ayokong tumulad sa mga parents ko na noong araw halos dedma sila sa mga ganiyang dates ng birthday nila pareho or even wedding anniversary.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    We're both okay naman. I guess? Ayoko naman magmakaawa na gawin niya 'yung bagay na 'yun for me kasi bare minimum 'yun eh. Hindi ko na dapat pang i-please siya to do that dahil 'yun ang dapat. Pero napaisip ako, 'when was the last time that I feel important sa asawa ko?.' Yes, mahal niya kami. He's doing very well sa mga responsibilities niya. Pero 'yung sa mga ganitong bagay, hindi ko na maalala.

    Before naman nagagawa niya yung mga gano'ng bagay. Especially sa mga naging girlfriend niya before. Hindi si kinukumpara ko pero natatanong ko lang sa sarili ko na bakit 'di na niya magawa sakin 'yun ngayon? Kasi nagagawa naman niya dati eh. Bakit ngayon hindi na? Hindi ko ba deserve, dahil sa past trauma nya or what? Or sadyang makakalimutin lang sya ngayon as he getting older na rin? Pero ang duties nya sa online games niya, lagi niyang nasisingit sa schedule niya."

    Anong dapat gawin kung nararamdamang nag-iba na ang relasyon ninyong mag-asawa?

    Marami ang naka-relate sa sitwasyon na ito at nagsabing, valid ang nararamdaman na niya na pagkadismaya. Mayroon din mga nagpaabot ng payo para sa kaniyang pinagdaraanan:

    Maging bukas sa iyong nararamdaman at sabihin ito sa iyong partner.

    "Kailangan niyong mag-usap dalawa, 'yung matinong usap at sabihin mo sa kaniya lahat 'yan at sana siya open sa'yo. Hindi kasi pwedeng hindi mo ma-open. Iba-iba rin kasi needs ng tao at maganda alam niya needs mo at kung ano ang mga mahalaga sa'yo." -Nina C.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "Let him know how you feel. Importante sa mag-asawa na kahit paano, you celebrate anniversaries. Sabihin mo 'yung totoo sakanya para aware siya sa nararamdaman mo. Tanong mo din sakanya kung ano 'yung dapat niyo gawin para next time, hindi na maulit 'yung makakalimutan ang important dates like birthday at anniversaries." - June M.

    "Please mommy, don’t keep it to yourself hindi siya maliit na bagay especially if you’re having thoughts about feeling unimportant.Strategy and timing are keys, delivery is important. Madalas kasi tayong mga babae feeling ng asawa natin puro meltdown lang tayo eh. Try mo na ikaw ang mag-initiate ng date or netflix movie night. When everything seems right, sabihin mo, you miss him. You miss “us”" - Lovejoy D.

    Alamin ang inyong love language

    "How does your husband express his love for you?Service ba? Spends time with you? Cuddles you a lot even without words? Or gives gifts? Or through words like ang ganda mo etc? There’s more to life if you want to stick to the marriage. And there’s more to see beyond the flaws of people including ourselves." -Mhy S.

    "Every couple is unique. Merong pala-post sa social media ng sobrang sweetness nila, merong hindi pala post pero sa personal masayang-masaya. Merong mga lalaki na kayang-kaya mag-effort to surprise their wives, meron namang go with the flow sa kahit anong plano ni misis. Importante po, kada may problema maliit o malaki, pagusapan muna ng maayos. Compromise kung kinakailangan." - LJ A.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I-acknowledge ang iyong nararamdaman ngunit huwag rin hayaan na maubos ang oras sa pagtatampo

    "'Wag mo sya tiisin. Wala namang kaso kung ikaw ang unang babati. Make lambing to him. It is better na gano'n kaysa mang-away ka at magtampo. Besides dalawa naman kayong nagcecelebrate ng special day na 'to" -Jean D.

    "Sayang 'yung time sa pagtatampo, although valid naman 'yung nararamdaman mo. It's a waste of time kung ilalaan pa 'yung time at energy sa pagtatampo. It's better na makipagcommunicate na lang nang maayos, para makapag-plan sila anong gagawin for their anniversary. Minsan mas nakaka-frustrate pa 'yung hindi ma-gets ni husband kung bakit ka nagtatampo 'di ba?" - Bea M.

    "Greet him and show him how important this day is to you. Ipakita mo na big deal sa iyo ang anniversary ninyo. Magluto ka or magyaya kang kumain sa lumabas o mamasyal. Sabihin mo na next time sana mag celebrate ulit kayo. It’s not enough na okay lang or palipasin na lang dapat nandyan pa din ang sweetness at mga moments na sine celebrate ang relationship." - Jennifer V.

    Isang araw matapos ang post ni mommy, ikinuwento niya sa comment section na napag-usapan na nila ng asawa ang kaniyang hinaing at mismong ang partner na ang nag-plano na magkaroon sila ng quality time.

    Sa kahit anong relasyon, mahalaga na maging bukas at maging tapat sa iyong nararamdaman upang agad na masolusyunan ang problema imbes na lumaki pa.

    Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfession na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    Hindi ang mga anak kundi ang marriage ng mag-asawa ang pinakamahalaga sa isang pamilya. Basahin dito kung bakit.

    What other parents are reading


  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles