embed embed2
  • Heto Ang Mga Kailangan Mong Gawin Bago Mag-Add To Cart, Ayon Kay Chinkee Tan

    Makakatulong ang mga ito para hindi ka masyadong gumastos.
    by Ana Gonzales .
Heto Ang Mga Kailangan Mong Gawin Bago Mag-Add To Cart, Ayon Kay Chinkee Tan
PHOTO BY Pixabay
  • Naglipana na nga kaliwa't-kanan ang mga sales ngayon dahil malapit na ang Pasko. Hindi nanaman tayo magkandaugaga sa paghahanap ng ireregalo, hindi lang sa ating mga mahal sa buhay, kundi pati na rin sa ating mga sarili.

    Mas madali na ring mag-shopping ngayon, dahil isang click mo lang, nasa 'cart' mo na ang mga bagay na gusto mong bilhin. Kaya naman bago ka pa mag-overspend sa online shopping, gawin mo muna ang mga ito!

    Ayon sa motivational speaker, at wealth and life coach na si Chinkee Tan, heto ang mga unang bagay na dapat mong gawin bago ka pa man mag-add to cart.

    Gawin mo muna ang mga ito bago ka mag-add to cart

    Kumalma at huwag masyadong excited

    Tulad ng pamimili sa mall, siguradong mapapalaki ang gastos mo kung magpapadala ka sa iyong emosyon.

    Pag-isipang mabuti kung kailangan mo ba ang iyong bibilhin

    Malimit ay talaga namang malalaki ang mga discounts sa mga online sales kaya hindi nakakapagtakang marami ang naeengganyong mamili. Pero hindi porke naka-sale ang isang produkto ay bibilhin mo na agad ito.

    Importanteng pag-isipan mo munang mabuti bago ka maglagay ng kahit ano o mag-checkout na ano man sa cart mo.

    Huwag magpasilaw sa mga discounts

    Huwag bumili ng sobrang dami dahil 'discounted' naman ito. Isipin at kalkulahin mo muna kung talaga bang nakakatipid ka o nadodoble lang ang gastos mo.

    Kaya katulad ng naunang payo, importante talagang pinag-iisipan mo munang mabuti ang bawat gagawin mo sa mga online shops, dahil baka sa halip na makatipid ay mas mapagastos ka lang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag magmadaling bumili

    Malay mo, may mas mura at mas maganda pa palang option. Minsan, dahil nakakasilaw at nakakabulag ang mga sales, nakakalimutan na natin na mayroong mga mas murang pagpipilian.

    Huwag mag-add to cart kung bored lang

    Ito na marahil ang pinakamahalagang advice ni Chinkee. Madalas kasi ay nagiging pasttime na lang ang paga-add to cart. Ito ang mas pinadaling window shopping.

    Swipe-swipe ka lang at pindot-pindot, hindi mo namamalayan, higit sa budget mo na pala ang mga napamili mo.

    Huwag add to cart now, gutom later

    Importante rin ang tip ni Chinkee na ito dahil marami sa atin ang guilty dito. May mentality ka ba na 'ngayon lang naman?' Kung oo, maaaring maging problema ito sa pinansyal na buhay mo.

    Hindi masamang i-treat mo naman ang iyong sarili. Ang masama ay kung iti-treat mo ang iyong sarili nang wala sa budget o kung ikokompromiso mo ang mga pangangailangan ninyo.

    Sabi nga ni Chinkee, alalahanin mo ang kinabukasan bago ka mag-checkout. Baka mamaya ay wala na pala kayong panggastos sa bahay dahil napunta na sa kung anu-anong nabili mo online.

    Huwag mag-add to cart para makasunod sa uso

    Hindi na usong makiuso, sabi nga nila. Isantabi ang kagustuhang maging in, para maging praktikal at makatipid.

    Hindi naman masamang mag-add to cart. Hindi rin masamang bilhan mo ang sarili mo ng mga pangangailangan mo. Ang masama ay kung gumagastos ka ng perang wala naman kayo o 'di kaya ay inuuna mo ang pagsha-shopping kaysa sa mga bayarin o pagtatabi ng pera para sa inyong ipon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Lahat ng sampung utos ni Chinkee Tan bago mag-add to cart ay tutulong sa iyo para maging mas responsable sa tuwing mayroong ganitong mga online sales.

    Maaari mong makita ang kabuuan ng kanyang mga tips sa kanyang Facebook page at website.

    Marami na bang laman ang cart mo? Na-check mo na bang mabuti kung lahat ng ito ay kailangan mo? May mga tipid tips ka ba para hindi ka masyadong gumastos? I-share mo na iyan sa comments section!

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles