-
Paano Naging Business Ang Toy Collection Ni Mommy: Tumaas Pa Ang Kita Ngayong Pandemic
May iba pang hobby na puwedeng gawing negosyo.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Maraming negosyante ang nagpapayo sa mga baguhan na magsimula sa produktong pamilyar ka na bago mo ito gawing negosyo. Kaya naman kabilang sa magandang business ideas ang mula sa sariling libangan o hobby.
Toy collection bilang magandang business idea
Noong 2015, nagkaroon ng interes si Cynthia Eugenio sa mga laruan mula sa Sylvanian Families na gawang Japan. Pero may kamahalan daw lalo na kung bibilhin ang buong set ng animal figures at mga abubot.
Ang ginawa ng mom of three, sabi niya sa SmartParenting.com.ph, sumali siya sa isang grupo ng toy collectors. Doon niya nalaman na puwede siyang makabili ng mas mura at kada piraso lang. Nawili hindi lang siya bagkus pati ang kanyang anak na babae sa pangongolekta ng mga laruan.
Kalaunan, naisip ni Cynthia na isa sa magandang business ideas ang reselling. Aniya, "Sabi ko sa anak ko, Macey, 'Try natin sell itong house, 'tapos kuha tayo ng iba pa na mas malaki.' No'ng una ayaw pumayag ng anak ko, pero napakiusapan ko naman.
"So do'n sa mga member sa group, post ko 'yung item, then may bumili. Pero take note, 100 pesos lang 'yung in-add ko kase nahihiya pa ako, konti. Then nag-start na 'ko maghanap sa Japan Surplus.
"Do'n sa mga shops na 'yun, nakakakuha ako ng pangbenta, mura pa no'n, kaya mababa rin naman ang pinapatong ko rin. Kase isip ko, para mabilis lang ma-sell. Kung saan-saan ako nag-iinquire ng mga loose Sylvanian Families."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagpursige si Cynthia hanggang sa nakahanap siya ng supplier na direktang kumukuha ng mga laruan galing Japan. Doon na siya naglabas ng puhunan na Php30,000, at naipundar ang Chaypam Toy Street.
Hindi naging madali ang pagpapatakbo niya ng negosyo, pero hindi rin siya sumuko. Patuloy lang siya sa paghahanap ng supplier at source ng mga laruan. Ika nga niya, sipag at tiyaga lang, pati na dasal dahil "pag pursigido ka talaga, tutulungan ka ni Lord."
Nang magsimula ang COVID-19 pandemic noong March 2020, akala ni Cynthia ay tutumal na ang kanyang negosyo. Pero himala raw na dumami pa ang sales niya, kaya tuwang-tuwa siya.
Saad pa niya, "Iba kase pag collector yata, di mapigilan, pandemic man 'yan. Actually dahil dito, nakapag-invest ako...Nawalan ng work mister ko, so eto sobrang laking help sa kabuhayan namin. Minsan mahina din, pero hindi naman nawawala. May bibili at bibili talaga."
May payo si Cynthia sa mga gustong sumubok sa reselling business: "Tiyaga, haba ng pasensya sa mga buyer. Huwag huminto maghanap ng mga supplier. Kahit iisa na lang bumibili sa 'yo, okay lang 'yan, basta huwag hihinto or susuko.
"Ano man ang gusto mo i-sell sa online, isip ka rin ng strategy para tumatak ka sa mga buyers mo, at higit sa lahat, huwag mo kakalimutan na magdasal. Hingi ka ng guidance, at si Lord and bahala sa lahat."
Dagdag pa niya, "Hindi man madali maging working mom, pero need mo pagsabayin. Siguro sa help na rin ng member ng family, walang di kakayanin."
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosIba pang magandang business ideas
Samantala, hobby naman ni Peachy Atilano-Guevara ang gantsilyo o crochet. Naibebenta niya ang kanyang mga obra simula sa pamilya at kaibigan hanggang naging negosyo na. Tinatawag niya itong Knotkins.
Kuwento niya sa SmartParenting.com.ph: "I actually just do crochet but matagal na, since I learned it in grade school. I haven’t been crocheting consistently since then, occasionally lang.
"But I just recently got back to it around 2 years ago and this time I crochet more often na before Knotkins started."
Mga makukulay na panali sa buhok (scrunchies) at patungan ng baso (drink coasters) ang pangunahing produkto ng Knotkins, na mahahanap sa Instagram.
Bukod sa crochet at iba pang needlecraft, tulad ng knitting at embroidery, magandang business ideas din mula sa hobby ang baking, cooking, gardening, writing, drawing, at painting.
(Basahin ang ilang success stories dito at home business ideas dito.)
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments