;
embed embed2
  • Nagmahal, Niloko, Nag-Live Selling! Wife Earns P300K Selling Cheating Partner's Clothes

    "Kaya sa mga magloloko diyan, tago niyo na mga gamit niyo ha?"
    by Angela Baylon .
Nagmahal, Niloko, Nag-Live Selling! Wife Earns P300K Selling Cheating Partner's Clothes
PHOTO BY facebook/jamille margarita galvez
  • Bukod sa diskusyon tungkol sa pagpapalaki ng anak, isa rin sa madalas na talakayin sa aming online parenting community na Smart Parenting Village ang usapin tungkol sa relasyon ng mag-asawa. Kabilang na diyan ang mga tanong kung paano i-handle ang kanilang cheating partner.

    Kung pagha-handle sa asawang "sumakabilang bahay" ang pag-uusapan, alam na alam ng trending online seller na si Jamille Margarita Galvez ang gagawin!

    Matapos malaman ang umano'y pagkakaroon ng other woman ng kaniyang asawa, agad na umandar ang kaniyang pagiging business minded. First step sa kaniyang pagmo-move on ay ang pag-let go, let go sa mga naiwang gamit ng kaniyang cheating partner sa pamamagitan ng pagbebenta online sa mga ito.

    Noong March 24, 2022, isang live selling sa kaniyang Facebook account ang kaniyang ginawa na agad umani ng suporta mula sa marami.

    Ngayong March 30, 2022, umabot na sa 11,000 reactions at 4,000 shares ang 'sumakabilang bahay na asawa' live selling ni Jamille. Ibinahagi niya rin sa isang post na umabot na sa Php300,000 ang kaniyang kinita. Ika nga niya,  "Nagmahal, sinaktan, bumangon!"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa mga damit at sapatos ng kaniyang ex-partner, benta rin sa mga netizen ang mga hugot ni Jamille:

    "Super mura nalang, kasi di naman marunong magmahal 'yung may-ari."

    "Lahat ng items matino pa, ung may-ari lang 'yung hindi"

    "Orig lahat 'to walang fake, di naman ako manloloko gaya nung may-ari"

    "Sobrang sakit, sobrang hirap"

    Samu't sari ang reaksyon ng mga netizen sa diskarte ni Jamille. Marami ang natuwa na makitang mas pinili niyang magpakatatag sa kabila ng masakit na nangyari. May ilan ding nagsabing 'gandang revenge' sa cheating partner ang kaniyang ginawa.

    Pero mayroon ding hindi maiwasang malungkot para kay Jamille. Ani ng isang commenter, "Sayang naman po ma'am maganda ka gwapo asawa mo at ang mga anak niyo. May kaya sa buhay but [sic] pa gagawa ng kalokohan? Ano pa ba ang kulang?"

    At kahit nakakangiti at nakakapagbiro sa harap ng camera, hindi pa rin maaalis kay Jamille na makaramdam ng lungkot lalo para sa kaniyang tatlong anak.

    "Sobrang dami kong tanong na bakit? Saan ako nagkulang? Anong mali sakin? Anong nagawa ko? Bakit iniwan ako? Bakit ipinagpalit ako? Bakit pinili ang kaladkaring babae over us na pamilya niya? Pero ayoko na din po magtanong ng paulit ulit," pagbabahagi ni Jamille.

    Dagdag niya, "Sobrang sakit, sobrang hirap. Yung dati na akala mong near to perfect family na eh hindi na. Wala eh, kailangan ko tanggapin at mag move forward sa buhay ko."

    Sa ngayon, sa kabila ng nangyari tiwala si Jamille na magiging maayos din ang lahat para sa kaniya at tatlong anak.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "Kay Lord nalang po natin i-surrender ang lahat. Hindi po tayo papabayaan ni God. Iniisip ko nalang na may mas maganda at malaking plano siya para sa akin at samin ng 3 kids ko."

    Sa panayam sa Smart Parenting, sinabi ni Jamille na ang mga anak niya ang pinagkukunan niya ngayon ng lakas ng loob at inspirasyon. Aniya, "Sobrang hirap but I just need to be stronger for my kids. For now I just let go and let God.

    "I just hope na hindi maapektuhan 'yung mga bata. 'Yung maging normal pa rin ang childhood nila, maging masaya sila kahit na incomplete na kami and pinaka-importante ung mapalaki ko sila ng tama on my own."

    Hindi nga ba kayang maging loyal ng mga lalaki?

    Noong nakaraang taon, naging kontrobersiyal ang komento ng aktor na si Robin Padilla na bahagi umano ng pagiging lalaki ang hindi makaiwas sa tukso.

    Pero ayon sa psychologist at life coach na si Dr. Ali Gui, mas may kinalaman ang gender bias dito higit sa DNA ng mga lalaki.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag ni Dr. Gui sa Reportr, "It's more on the culture, our tradition, and the way we were brought up."

    Dagdag niya pa, "Sa kultura natin, sinasabi 'eh lalaki siya eh' pero when a woman does it, you hear all sorts of comments from 'hindi na nahiya' to 'may asawa pa man din.' It also shows our gender biases." (Basahin dito ang kaugnay na ulat)

    May mensahe ba kayo sa mga may parehong sitwasyon na pinagdadanan tulad ni Jamille? Ibahagi sa comment section sa ibaba.

    Mapapatawad mo ba ang asawang nangaliwa? Basahin dito ang payo ng mga mommies.

    What other parents are reading


  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles