embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Balik Trabaho Na Andi Eigenmann, May Sepanx Kay Baby Lilo Na Maiiwan Sa Papa Nya

    Kampante naman ang aktres dahil "Papa's girl" daw ang bunsong anak.
    by Jocelyn Valle .
  • Halos six months pagkatapos manganak ni Andi Eigenmann sa kanyang second daughter na si Lilo noong July 2019 ay magkakahiwalay silang mag-ina sa unang pagkakataon. Kailangan kasing lumuwas ng 29-year-old actress mula sa Siargao Island, kung saan sila nakatira kasama ang kanyang partner at daddy ni Lilo na si Philmar Alipayo, para sa one-month shoot ng kanyang pelikula. Ayon sa isang reply nya sa isang comment, hindi sa Metro Manila ang shooting katulad ng unang naiulat. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aniya sa kanyang Instagram post, “And now comes the hardest part. After almost 6 months, I am leaving Lilo for the very first time with papa on the island, because I will be busy filming a new movie.”

    Ang huling pelikula ni Andi na All Souls Night ay ipinalabas noong October 31, 2018. Taong 2007 nang magsimula siyang mag-artista sa edad na 17 at sinundan nya ang mga yapak ng kanyang mga magulang na sina Jaclyn Jose at Mark Gil (pumanaw na).

    Paliwanag niya, “While I am stoked to be back in front of the camera, and to get another chance to bond with Ellie where it’s just her and me, it hurts to leave papa and my little one.”

    Nag-aaral sa Metro Manila ang kanyang pangangay na si Ellie at nagpupunta sa Siargao kapag bakasyon. Ang ex-boyfriend ni Andi na si Jake Ejercito ang ama ni Ellie. 

    Patuloy ni Andi, “It will only be for a month, but that’s way too long for me to be away from my children. I know it will feel like forever. Specially because there’s a chance I’d miss out on some milestones.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    Kampante naman daw siya dahil si Lilo ay nasa pangangalaga ni Philmar, isang surfing champion, at ang pamilya nito na pawang tubong Siargao. 

    Pahayag ng working mom, “But I’m so grateful to have papa @chepoxz to count on, and Lilo’s lolo, lola and tita ninang @angie_alipayo to help him out too."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa gitna ng nagbabadyang pangungulila ay nananatiling matatag at positibo si Andi. 

    Diin niya, “I am gonna miss my little one soooo much! But I will be doing this for all of us! And after this will be so rewarding that we will all be complete again on the island hopefully in our new home sweet home!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Samantala, nagkakangipin na si Baby Lilo. Napansin ito ni Andi nang may gigil kung ngumiti ang bata na para daw gustong tumikim ng mga bagong pitas na prutas at gulay. 

    “This is def my fave part in raising a child!” deklara ng mom of two sa isa pang Instagram post.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isang buwan munang hindi makakasama nila Andi at Ellie si Baby Lilo. Wala namang problema sa baby dahil, ayon sa isang post sa kanyang Instagram account na pinapatakbo nila Andi, Ellie, at Philmar, ay Papa’s girl si Lilo.

    Basahin dito isang kuwento ng nanay na takot magkaanak pero  nang dumating ay nagbago lahat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    This story was updated at 8:50 p.m. on January 14, 2020.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles