birthday party,co-parenting,co-parents,Carlo Aquino,Trina Candaza,ogie diaz,Enola Mithi,Carlo Aquino Absent On Daughter's 3rd Birthday,Celebrities & Entertainment News,Arts & Entertainment,carlo aquino,trina candaza,co-parenting,enola mithi,Talent manager Ogie Diaz said Trina Candaza invited Carlo Aquino and his side of the family but no one came.
LifeNews

Carlo Aquino A 'No Show' At Daughter Enola Mithi's 3rd Birthday, 'Nangako Naman Daw Sa Ibang Araw'

Wala rin daw ni isa sa pamilya ni Carlo ang nakisaya sa birthday party ni Mithi.
PHOTO BYINSTAGRAM /JOSELIWANAG, TRINACANDAZA

Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi sumipot si Carlo Aquino sa birthday party ng kanyang anak sa model na si Trina Candaza na si Enola Mithi. 

Nag-celebrate ng kanyang ikatlong kaarawan si Mithi sa Active Fun BGC kamakailan, at ayon kay Ogie Diaz na isa sa mga celebrities na dumalo, hindi raw pumunta si Carlo o ang sinuman sa pamilya nito.

READ ALSO: Carlo Aquino Is Now A Dad And Shares First Photo Of Newborn

Sa vlog ni Ogie na ipinost niya noong September 11, nakausap daw niya si Trina at kinumpirma nito na siya lamang ang punong-abala sa party ng anak. 

View this post on Instagram

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

"Ininvite, tinext niya in fairness, at sabi ni Trina sa akin, sinabi ni Carlo na ita-try daw niyang humabol," kuwento ni Ogie. "Baka naman kasi hindi nagkatugma ang schedule, may trabaho, baka nasabay sa birthday ni Mithi."

Wala rin daw ni isa sa pamilya ni Carlo ang nakisaya sa party.

"Ang point ni Trina, para sa bata hindi para sa kanya," saad ni Ogie.

READ ALSO: Carlo Aquino's Ex-Girlfriend Trina Candaza On Co-Parenting: 'Kung Saan Nalang Okay Ang Lahat'

Kuwento pa ng talent manager at reporter, "May baby boy doon na nagbigay ng flowers kay Mithi, dapat yung bulaklak na yun ay inihanda nila para [ibigay ni] Carlo."

View this post on Instagram

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

watch now

Gayunpaman, sabi naman ni Trina ay nangako ang aktor na dadalawin ang anak, "Nangako naman daw si Carlo na sa ibang araw, pupuntahan na lang daw ni Carlo si Mithi."

Noong nakaraang taon, nakarating sa birthday party ni Mithi si Carlo, maging nitong Mayo nang mag-Moving Up Day ito.

Saad ni Trina, "Mas magaan na, hindi na ganun kabigat. Maybe I'm starting to forgive and heal for real."

READ ALSO: Carlo Aquino Attends Daughter Mithi's Moving Up; Trina Candaza Says, 'Mas Magaan Na'

Katuwiran naman ni Ogie, hindi naman nasusukat sa pag-attend ng birthday ang pagiging ama. "Sa ibang pagkakataon, sa ibang moments ng bata baka naman andun si Carlo."

Hiling niya, sana magkaroon naman ng panahon si Carlo sa kanyang anak na si Mithi "kasi namimiss siya noon."

Pinuri naman ng mga netizens si Trina, "Ang Ganda ni Trina. Extra beautiful si Mithi. Like, how can you not make time for this sweet lil one? God bless, Trina," sabi ng isa.

View this post on Instagram

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

READ ALSO: Trina Candaza On Being A Solo Parent: 'May Kirot Kasi Hindi Buo Ang Pamilya Ng Anak Ko'

Sabi naman ng isa, "Wow! You are an amazing mother. Everything you do is for mithi, I hope every parent would do the same. Happy birthday, Mithi, you are lucky to have a mom like Trina."

Kinumpirma na ng aktor na siya ay in a relationship sa aktres na si Charlie Dizon.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close