embed embed2
  • Baby #3 For Iya And Drew! Sinabi Ni Iya Kay Drew Sa Isang Surprise Christmas Gift

    Ang mag-asawang TV host ay mayroon nang two boys, sina Primo at Leon.
    by Jocelyn Valle .
  • Ibinalita ni Iya Villania na buntis siya sa ikatlong anak nila ng mister na si Drew Arellano sa pamamagitan ng YouTube channel nilang mag-anak na “Life with the Arellanos” nitong Biyernes, January 31, 2020.

    Iyon rin ang sixth wedding anniversary ng mag-asawa, na mayroon ng two sons na sina Antonio Primo, 3, at Alonzo Leon, 1. 

    Nagsimula ang vlog na kinunan ni Iya nang nakaraang Pasko, December 25, 2019, sa pag-iikot niya at ang karga niyang si Leon sa bahay ng tinutuluyan nilang bahay sa Australia, na pag-aari ng kanyang pinsan at best friend. 

    Naabutan nila sa sala ang ilan pang kamag-anak at ang panganay na si Primo na nagbubukas ng kanyang Christmas gifts. Kabilang sa mga ito ang laruang Transformers toys, Power Rangers, at Olaf, na isang karakter sa Frozen movies. Pinaalalahanan ni Iya ang anak na basahin ang pangalan ng mga nagbigay ng mga regalo at magpasalamat. Sa simula ay “Santa Claus” lang ang sagot ng bata, pero sumunod din nang matanggap ang regalo ng kanyang tita na katabi lang niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tinulungan naman ni Iya si Leon na buksan ang ilang Christmas gifts nito. Natuwa ang bata sa toy car na umiilaw.

    More from Smart Parenting

     

    Maya-maya ay sina Iya at Drew naman ang nagbukas ng kani-kanilang Christmas gifts. Nakatanggap si Iya ng chocolate biscuits at ilan pang mga bagay. Nakakuha naman si Drew ng Book of Australia Slang at iba pa. Meron ding sunglasses at shirts para sa buo nilang pamilya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Huling binuksan ni Drew ang regalo mula sa kanyang misis na nakasilid sa red envelope. Ayon kay Iya, ito ang kanyang sorpresa: Isang sonogram at sulat. Nakasaad sa handwritten note, “Love, ready for Baby #3? Merry Christmas! Love, Mrs. A.”

    Hindi naitago ni Drew ang pagkagulat. Aniya sa asawa, “Kidding me? Are you kidding me? You gotta be kidding me. Are you kidding me?” Sinabayan siya ng ilang kamag-anak at pagtatanong, “Are you?”

    Sagot naman ni Iya, na gulat din, “You really didn’t know? Are you sure?”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa puntong ito ay dumating ang mommy ni Iya. Inabot ni Drew ang red envelope sa kanyang mother-in-law. Komento naman ni Iya, “Mom doesn’t know.”

    More from Smart Parenting

    Pagbalik ng red envelope kay Drew ay binasa niya ang petsa sa sonogram, na nagsasabing December 14. Naluha siya at napasigaw ng “Yes!” Kuwento pa niya tungkol sa pag-uusap sa isang kaanak, “And I was telling Sheila — she was asking about Baby No. 3. Yes, but we’ll probably wait in a while. But I guess not.”

    Sabi naman ni Iya kay Drew, “I hope three doesn’t overwhelm you, love.” Umiling si Drew at sumagot. “Nah, maybe five or six. We’ll just have to bring yayas.”

    Nagbigay pahayag ang mommy ni Iya, habang naluluha, “I hope it’s a girl!” 

    May suggestion si Iya sa kanyang mister. Aniya, “Love, let’s not find out gender until I give birth, ha? Para surprise.”

    Sumang-ayon naman si Drew, “Okay.” Kalaunan ay nag-video call siya sa kanyang pamilya sa New York para ibahagi ang kanilang baby news.  Karga naman ni Iya ang kanilang second baby, at nagwika, “Leon’s gonna be a kuya.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bilang pagtatapos sa video post, ito ang sabi nila: “We’re in the second trimester and will be keeping gender a surprise for ourselves until delivery. Keep us in your prayers. Love, Arellanos.”

    More from Smart Parenting

    Sa araw din ng upload ng kanilang YouTube post ay nagbigay sila Drew at Iya ng kani-kanilang sixth wedding anniversary greeting.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa Instagram post ni Drew ay ibinahagi niya ang larawan nilang mag-asawa sa harap ng Sydney Opera House sa Australia, kung saan lumaki si Iya. Inalala din niya ng una nilang pagkikita sa Click youth-oriented show na umere sa GMA-7 mula 1999 hanggang 2004. 

    Aniya sa caption, "I [heart emoticon] U, Sydney! (Character name of a 17year old Ozzie girl with a heavy ozzie accent I met on the set of "CLICK") Who would've thought I'd still be saying [heart emoticon] everyday for 17years after??? Happy anniversary, @iyavillania!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pinili naman ni Iya ang isang dramatic shot mula sa kanilang wedding, na ginanap noong January 31, 2014 sa Nasugbu, Batangas. Sambit niya sa caption, “6yrs and still magical...most of the time [followed by four heart emoticons] Love you [heart emoticons]. Happy anniversary, my love @drewarellano”

    Narito ang buong vlog ni Iya.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles