celebrity,Sunshine Cruz,shaming,syn-00377,Sunshine Cruz Reminds Bashers That Aging Is 'Privilege, Blessing',sunshine cruz age, sunshine cruz basher, sunshine cruz inspiring, celebrity basher response, celebrity age,Sunshine Cruz has this to say to netizens insulting her for her age.
LifeNews

Sunshine Cruz Tells Bashers Age-Shaming Her: 'Having The Privilege To Age Is A Blessing'

"Huwag natin gawing ugali at gamitin ang salitang 'matanda' to hurt."
PHOTO BYinstagram/sunshinecruz718

Imbes na pumalag, sinagot nang mahinahon ni Sunshine Cruz ang dalawang bashers sa kanyang Facebook account kung saan mukhang binabatikos ang edad ng aktres.

Noong Martes, April 5, 2022 ibinahagi ni Sunshine ang screenshots ng panglalait sa kanya ng bashers. Ang isa rito ay tinawag siyang “lola.”

Komento ng kritiko sa isang post ni Sunshine, “Lola 'yung buto mo ingat din baka mabalian ka.” Magalang naman siyang sinagot ng singer-actress.

READ: How To Handle Mom Shaming With Class

Ani ng celebrity mom, ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili sa edad na 44. Tugon niya, “Are you trying to insult me by calling me lola? Proud of my age! I am 44, healthy and happy."

Ang isa namang basher ay tinawag ang kanyang nakakatandang kapatid na babae na si Maritess Cruz na “tigulang,” salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay matanda na.

Para kay Sunshine, hindi halatang 54 na taong gulang na ang kanyang ate. Katulad niya, ang pagkakaedad ay isang pribilehiyo ng isang tao dahil hindi lahat ay umabot sa edad nila.

Aniya, "My sis is 54 and she obviously looks good for her age. Ageing happens to everyone po.

"Let’s not make it seem na ang pagtanda ay dapat ikalungkot at ikahiya. Blessing po ang mabigyan ng pagkakataong maging 'tigulang.'"

watch now

Sunshine: Ageing Is A Blessing

Sa caption ng post ni Sunshine, pinaalalahanan niya ang kanyang mga followers na ang pagtanda ay hindi dapat ginagamit ng ilan para mang-insulto o manakit ng kapwa.

Ang importante lang daw ay may pinagkataandaan ang isang tao na hindi naman nanapak at nanakit sa iba.

Buong post niya, "Guys! Hello! Paalala lang po and to educate others sa maling pagiisip about ageing.

"Being a lola or having the privilege to age is a blessing denied to many. Huwag natin gawing ugali at gamitin ang salitang ‘matanda’ to hurt, insult or describe a person.

"I am proud of my age. At 44, I am healthy and happy.

"Ang mahalaga ay meron tayong pinagkatandaan. At higit sa lahat wala po tayong tinatapakan at sinasaktan just because nadadagdagan ang ating mga edad. Stay safe and healthy everyone.

"Magandang Hapon po."

This story originally appeared on Pep.ph. *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

Sunshine Cruz also did not let pass comments saying she dresses 'like a teenager.' Read here.


View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close