embed embed2
Dengue Alert! Nagtala Ng 422 Kaso Sa Cebu City Sa Loob Lamang Ng Halos 5 Buwan Ng 2022
PHOTO BY Shutterstock
  • Sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, may iba namang mga sakit ang dumadalas na umaatake. Isa rito ang dengue, na dati nang problemang pangkalusugan.

    Tumaas ng 10 beses ang mga nagkasakit ng dengue sa Cebu City nitong nakaraang unang limang buwan ng 2022 kumpara sa parehong panahon noong 2021. Kaya naman naga-alala ang Cebu City Health Department (CHD).

    Nakapagtala ng 422 mga kaso ng degue sa tinatawag na Queen City of the South. Ito ay ayon kay Dr. Jeffrey Ibones, ang acting city health officer, na mula naman sa ulat ng Cebu Daily News.

    Nagkaroon ng 31 kaso noong January, 122 noong February, 111 noong March, 131 noong April, at 27 sa siyang huling bilang nitong May 17, 2022.

    Nakakabahala ang mga numbero, sabi ni Dr. Ibones, dahil umabot lamang sa 36 kaso noong parehong mga buwan ng 2021.

    Maaari raw na malaki ang kinalaman sa pagdami ng mga tinamaan ng dengue ang pagsalanta ng Typhoon Odette (December 2021) at Tropical Depression Agaton (April 2022) sa kanilang siyudad.

    Marami kasing nasirang mga daan, gusali, at iba pang pasilidad ang naging tambakan ng tubig. Sa mga matubig na lugar namamahay ang mga lamok, kasama na ang uri na nagdadala ng dengue virus. (Basahin dito kung paano naipapasa ang sakit na dengue.)

    Kaya ang panawagan ni Dr. Ibones ay paigtingin ang paglilinis, lalo na sa mga lugar na naiimbakan ng tubig o stagnant water. Dapat na raw itapon ang stagnant water at siguraduhing tuyo ang kapaligiran.

    Sa kasalukyan, binuhay nang muli ng Cebu City Health (CHD) ang dengue teams sa bawat barangay. Layunin nilang hanapin at puksain ang breeding sites ng mga lamok, tulad ng maduming estero, nakatiwangwang na gulong, basurang lata, at iba pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tumatanggap din ang CHD ng mga hiling ng mga barangay na magsagawa ng pamuksa o misting, basta masuri muna ng health workers ang mga lugar.

    Hinihikayat naman ni Dr. Ibones ang mga magulang na maging alerto sa mga sintomas ng dengue, tulad ng lagnat, sa kanilang mga anak. Mainam daw na makunan agad ang bata ng complete blood count (CBC) nang matukoy kung dengue ang dahilan ng lagnat.

    Base kasi sa kanilang talaan, ang mga kabataang may edad 15 years old pababa ang kadalasang nasasawi dahil sa dengue. Ang pinakabatang biktima sa kanilang talaan ay one-year-old. Ngayong 2022, isang 3-year-old at isang 4-year-old ang pumanaw.

    Basahin dito ang iba pang mga sintomas sa sanggol at dito sa bata.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles