Simula na ang journey to forever ni Eat Bulaga Darbakads Maine Mendoza, 27, at ni Quezon City First District Representative Arjo Atayde, 31.
READ: Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline
Ngayong Biyernes, July 29, 2022, sinorpresa ni Maine ang kanyang Instagram followers sa anunsiyo na engaged na sila ng nobyong si Arjo.
Tatlong taon at pitong buwan na silang magkasintahan.
Base sa Instagram post ni Maine, nag-propose sa kanya si Arjo sa isang lugar na may illuminated white roses garden.
"Wait, whaaaat??? We’re engaged?!" simpleng caption ni Maine.
Pinaghandaan nang husto ni Arjo ang kanyang proposal kay Maine.
Base ito sa ibinahaging ilan pang litrato mula sa kapatid ni Maine na si Nicole.
Bukod sa "Will You Marry Me" na disenyo sa garden, may fireworks display din nang hingin ni Arjo ang kamay ni Maine.
Reaction of Maine's family
Halatang masaya ang mga kapatid ni Maine para sa newly engaged couple na kuwelang nag-comment.
Tila naiyak naman ang ama ni Maine na si Teodoro Mendoza nang masaksihan na engaged na ang anak.
Agad bumuhos ang congratulatory messages mula sa kanilang showbiz colleagues kabilang sina Pauleen Luna, Bianca Gonzales, at Carlo Aquino.
Nagkatrabaho sina Maine at Arjo sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.
READ ALSO: Maine Mendoza: 'My Parents Taught Me the Value of Living Within One's Means'
Gumanap na isa sa mga bidang pulis si Maine, habang kontrabida naman ang papel ni Arjo na bahagi ng isang sindikato sa kuwento.
Nag-post naman si Arjo sa kanyang Instagram. "My turn, I will marry you cutie. [heart emoji] 07.28.22"
Naging opisyal silang magkasintahan noong December 21, 2018.
READ ALSO: On or Offline, It’s About Gentle Words and Kindness, Says Maine Mendoza
This story originally appeared on PEP.ph. Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.