embed embed2
  • Maine Mendoza Starts DoNation Drive: 'Para Sa Mga Manggagawang Hindi Makapagtrabaho Ngayon'

    Magbibigay ng Php1,000 per household ang aktress/TV host sa mga nangangailangan.
    by Ana Gonzales .
Maine Mendoza Starts DoNation Drive: 'Para Sa Mga Manggagawang Hindi Makapagtrabaho Ngayon'
PHOTO BY Instagram / Maine Mendoza
  • Marami mang mga naging aberya at naidulot na kalituhan at takot ang pagpasok ng COVID-19 dito sa ating bansa mas marami pa ring naglabasang mga good news at good samaritans na talaga namang nakaka-good vibes.

    Kabi-kabila nga ang mga online learning resources na nagiging available para sa mga batang kasalukuyang hindi makapasok sa eskwelahan. Kaliwa't kanan rin ang mga nagpapaabot ng tulong sa ating mga front liners, tulad na lang ng mga restaurants at cafes na nagpapamahagi ng mga pagkain.

    What other parents are reading

    Sinasagot ng mga malalaking kumpanya ang mga personal protective equipment (PPE) at iba pang mga pangangailangan ng ating mga medical professionals at iba pang mga tagapaglingkod.

    Maging ang mga artista at iba pang personalidad ay nagpapaabot na rin ng tulong. Kamakailan nga'y nagpaabot ng tulong sina Karen Davila, Anthony Taberna, at K. Brosas, habang nakalikom naman ng mahigit tatlong milyong piso si Bela Padilla para sa mga street vendors na apektado ng quarantine.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kahapon, March 19, naglabas naman ng call for donation ang Kapuso star at TV host na si Maine Mendoza. Sinabi niya sa kanyang Facebook post na may mga taong lubos na apektado sa enhanced community quarantine. "The world won't stop despite the peril of the virus. Consider yourself blessed, if despite all, you can purchase food and sanitation supplies (even hoard!) for your homes," sabi niya. "But what about those workers who live on a day-to-day basis? Now that they are obliged not to go to work, how can they survive?"

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Ayon sa kanya, ito ang nagtulak sa kanya para kumilos. "I will be launching my DoNation Drive to help in my own little way, those who are greatly affected by this catastrophe," paliwanag niya. "I know how hard it is for these people nowadays to sustain their living so I decided to share as much as I can to them. I will be sending Php1,000 per household (for food groceries and other essentials). This is to help as many employees as possible," dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madali lang sumali sa pagbibigay ng tulong. Pwede kang magpadala ng ano mang halaga sa G-Cash account ng aktres.

    Para naman sa mga nangangailangan ng tulong, kailangan niyo lang magpadala ng proof of employment tulad ng company ID o ano mang patunay na nagtatrabaho kayo per kinailangan ninyong tumigil dahil sa community quarantine.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I-send lang ang mga patunay na ito kasama ang iyong G-Cash number sa DoNation.drive@yahoo.com. "I will personally facilitate all the donations and I will try my best to accommodate as many people as I can," pahayag ni Maine. "I will also provide proof of transactions to the donors for transparency purposes if they wish."

    Nilinaw din niya sa isa pang post na pwedeng-pwede kahit ang mga PUV drivers, construction workers, street/market vendors, labandera, at iba pang mga trabahong walang maibigay na proof of employment. "Magsend lang din po ng litrato na magpapatunay na iyon po ang inyong trabaho/hanap-buhay at kahit anong uri ng ID," paglilinaw ni Maine. "Kahit ano po ang trabaho niyo, pwedeng-pwede po kayo magsend ng email."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nanawagan din siya sa mga kababayan natin na tulungan ang sino mang walang email o internet na makapagpadala ng mensahe sa kanya. "Sa mga may kakilala naman po na lubos na ngangailangan at walang telepono, G-Cash, o email na maaaring gamitin, pwede din po na kayo ang mag-email para sakanila. Lalo na po 'yung mga street sweepers/vendors po natin na hindi naman "techy."

    Tandaan lang na i-double check ang numero na pinadadalhan ng inyong donasyon. Sa kanyang Twitter account, nagbabala ang aktres na isa lang ang G-Cash number na gagamitin niya para sa DoNation Drive. "Always refer to my social media accounts and don't forget to double check the number! Daming nag-tatake advantage ng situation. Sad," payahag niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung gusto mong tumulong o kailangan mo ng tulong, puntahan mo lang ang social media accounts ni Maine para makipagugnayan sa kanya.

    May mga good vibes stories ka ba na gusto mong ibahagi? Kumusta ang pamilya mo ngayong naka-enhanced community quarantine ang buong Luzon? I-share mo lang sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles