-
Ang Higpit Ng Kapit Ni Baby! 6 Milestones Na Kayang Gawin Ng 3-Month-Old
Nakakagulat ang bilis ng development ng sanggol, at magpapatuloy pa iyan.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Mula sa 2 month old baby milestones, magugulat ka na lang sa bilis na pag-abot ng anak mo sa 3 month old baby milestones. Halos matatapos na niya ang first quarter ng una niyang taon, na tinatawag ding "fourth trimester," at patuloy ang kanyang development.
3 month old baby milestones
Sa edad na tatlong buwan, tinatayang madadagdagan ng 30 percent ang timbang ng sanggol mula nang ipanganak siya at ng 20 percent naman ang kanyang haba. Pinakamabilis ang development sa first quarter kumpara sa mga susunod na buwan.
Sa puntong ito, ayon sa American Academy of Pediatricians, ang "totally dependent newborn" ay magiging "active and responsive infant." Siguro mapapansin mong hindi na ganoon kabilis ang kanyang reaction dahil sa newborn reflexes. Mas natututo na kasi siya ng voluntary control ng kanyang katawan, kaya mas tumututok siya sa kanyang mga kamay at ang paggalaw ng mga ito.
Physical development
Baby mini push-ups
Sobrang active na ni baby! Kapag nakadapa siya, kaya na niyang itaas ang ulo at dibdib gamit ang kanyang mga braso at upper body na para siyang nagpu-push up. Bukod diyan, kaya na rin niyang mag-inat-inat at pumadyak-padyak para lumakas ang mga binti.
Pero kung hindi pa kaya ng anak mo ang mini push up, huwag naman masyadong mag-alala. May mga pediatrician na nagsasabing posible hanggang 6 months old pa magagawa ang ganyang milestone, ayon naman sa Baby Centre.
Core and limb strength
Mapapansin mo rin na kapag pinapatayo mo siya, umiinat ang kanyang mga binti patulak pababa. Pero hindi pa siya makakaupo nang mag-isa. Kailangan pa niya ng tulong mo habang pinapalakas ang kanyang core muscles.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWEye and hand control
Sa kabilang banda, bumubuti ang coordination ng kanyang mga mata at kamay. Kaya kapag may nakita siyang laruan o pagkain na nilalapit sa kanya, inaabot na niya ito gamit ang mga kamay.
Malimit mag-close-open ng mga kamay si baby bilang pagsasanay sa pagkapit (grasp). Madalas din niyang sundan ng tingin ang anumang makita nila, kaya naduduling (cross-eyed) siya. Okay lang ito basta paminsan-minsan lang itong nangyayari.
Maging alerto sa mga ganitong mga senyales, at sabihan ang doktor ni baby:
- Hindi tumutulak pababa ang mga binti kapag pinapatayo sa flat surface
- Hindi kayang suportahan ang ulo kapag kinakarga o di kaya nakadapa
- Hindi inaabot ang laruan para isubo
- Hindi kaagad nawawala ang pagduling
Cognitive development
Recognition of faces and voices
Nakakakila na si baby ng mga tao at bagay habang nagiging curious siya sa kanyang paligid. Kaya parang nakikipag-usap na siya sa iyo: tumutungo, ngumingiti, o di kaya nakatitig na nakikinig.
Kapag naman nakarinig si baby ng malakas na tunog at ingay, nagugulat siya at hinahanap kung saan ito galing. Sinusundan niya ng tingin ang anumang bagay na gumagalaw. Alam na nila ang mga paboritong laruan at pamilyar na mukha, kahit pa medyo malayo sa kanya.
Isa pa, nahahasa ang kanilang pagkakilala sa mga tunog at boses. Kaya natutuwa siya kapag naririnig ang boses mo at kinakausap mo siya.
Imitation of sounds
Nagiging madaldal na si baby. Gumagawa siya ng tunog gamit ang kanyang bibig (babbling) at paggaya sa mga naririnig niya. Mainam na simulan mo na siyan turuan ng mga salitang tulad ng "mama," "dada," ah," "mwah," at iba pang simpleng tunog.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosBantayan ang ganitong mga senyales at sabihan ang doktor ni baby:
- Hirap kontrolin ang isa o parehong mga mata
- Hindi maka-focus ang mga mata para sundan ang mga gumagalaw na bagay
- Walang reaction sa boses mo at sa malakas na tunog
- Hindi ngumingiti kapag nakikita ang mukha mo
- Hindi nanggagaya ng tunog na ginagawa mo sa kanya
Social and emotional development
Enjoying play time and being more expressive
Habang dumadami ang mga taong nakakasalamuha ni baby, natututo siyang makipag-interact at nagugustuhan niya ang atensyon. Andiyan ang panay ngiti, tawa, at pakikipaglaro. Kapag tumigil ka sa pakikipaglaro sa kanya, maaaring umiyak na siya.
Sa kabuuan, nagiging mas expressive na si baby. Ginagamit na niya ang kanyang mukha at katawan para makipag-communicate. Nakakatuwa siyang panoorin habang ginagawa ang itsura at galaw mo.
Bantayan ang ganitong mga senyales, at sabihan ang doktor ni baby:
- Hindi ngumingiti sa mga pamilyar na mukha
- Hindi interesado o hindi pinapansin ang mga mukha na bago sa kanya
Paalala lang ng eksperto na huwag masyadong mag-alala kung bahagyang nahuhuli ang anak sa 3 month old baby milestones. Pero kung may mga tanong ka, huwag ding mag-atubiling kausapin ang doktor ni baby. Mainam na maliwanag ka habang maaga pa.
Basahin dito para malaman kung kailan nagkakaroon ng sense of humor ang sanggol.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments