developmental milestones,baby milestones,4 month old baby,Tagalog,greener,4 month baby milestones,4 Month Baby Milestones | Smart Parenting,4 month baby milestones, baby milestones, developmental milestones, growing baby, developing baby,Kabilang sa 4 month baby milestons ay pagkaaliw ng sanggol sa kanyang sarili sa salamin.
ParentingBaby

Naaaliw Si Baby Tignan Ang Sarili Sa Salamin! Kabilang Ito Sa Milestones Ng 4-Month-Old

Hilig din ng sanggol na isubo ang kanyang mga kamay.
PHOTO BYShutterstock

Sa nakalipas ng ilang buwan, sigurong napansin mo ang mga nagagawa ng iyong anak bilang 2 month old baby milestones at 3 month old baby milestones. Magpapatuloy pa ito sa mga susunod na buwan, tulad ng 4 month baby milestones.

Pag tungtong ni baby sa edad 4 na buwan, kaya na niyang iangat ang kanyang ulo at mapanatili itong nakatayo. Isang kakayahan ito na "significant motor skill," ayon kay Dr. Kurt Heyrman, isang pediatrician.

Mapapansin mo na nagkakaroon na kayo ng interaction at tila ginagaya pa ang facial expressions mo. Kaya na rin niyang patunugin ang laruang kumakalansing (rattle toy) at tulungan kang hawakan ang kanyang feeding bottle. Ang nakakaaliw pa, tumitingin na siya sa salamin at natutuwa sa sarili niyang reflection kahit hindi pa niya alam na siya iyon.

Mga dapat malaman sa developmental milestones

Narito ang listahan ng developmental milestones na nakalap mula kay Special Education teacher Joji Reynes-Santos sa dati niyang panayam sa SmartParenting.com.ph, pati na galing sa medical experts. Kabilang diyan ang United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC),  American Academy of Pediatrics (AAP), at mga gumawa ng Ages and Stages Questionnaires. Isa itong tool na ginagamit ng mga pediatrician para masubaybayan ang development ng bata.

Pero may ilan munang bilin ang mga eksperto:

  • Hintayin muna ang katapusan ng ika-apat na buwan bago obserbahan si baby kung narating na niya ang 4 month baby milestones. Hindi naman kasi pare-pareho ang pace ng mga bata kaya hindi mo dapat ikumpara ang anak sa iba. Meron lang talagang mas mabilis at meron ding medyo huli.
  • Ginagawa niyo ba ni baby ang tummy time? Mainam na gawin ito kaagad, sabi ng AAP, at ng ilang beses sa tuwing gising at gustong maglaro ng anak mo.
  • Siguraduhin na may sapat na pahinga at pagkain ang anak. May mga simpleng activity kasi na kailangan niyong gawin, at mahirap obserbahan si baby kung hindi siya mapakali.
  • Kausapin ang doktor ng anak sa tuwing checkup para maging updated siya sa mga narating na milestones ni baby. Siya rin ang tamang tao para sa mga katanungan mo sa development ng bata.

4 month baby milestones

Sa ganitong edad, ganito ang mga kayang gawin ng karamihan ng mga sanggol, ayon sa mga eksperto:

watch now

Physical development

  • Kapag nakahiga, kaya na niyang suportahan ang kanyang ulo at steady na ito
  • Nakakahawak na siya ng laruan at ginagalaw-galaw pa para tumunog
  • Kapag nakadapa, natutulak pataas ang mga siko
  • Tumutulak ang mga binti kapag inilapag ang mga paa
  • Sinusubo ang mga kamay

Cognitive o mental development

  • Inaabot ang mga laruan gamit ang mga kamay kahit hindi malapit sa kanya
  • Sinusundan ng tingin ang mga gumagalaw na bagay
  • Pinagmamasdan ang mukha ng kaharap niya
  • Sumasagot sa lambing, gaya ng pagngiti kapag hinahalikan mo siya
  • Nakakakilala ng mga pamilyar na mukha at bagay kahit malayo sa kanya

Social at emotional development

  • Ngumingiti o o di kaya excited kapag nilalapitan siya ng mga pamilyar na tao
  • Enjoy makipaglaro sa lumalapit sa kanya, at umiiyak pa kapag natigil ang paglalaro
  • Kung nasa harap ng salamin, napapangiti at tila kinakausap pa ang kanyang reflection
  • Nanggagaya ng galaw at itsura ng ibang tao, tulad ng pagngiti at pagkunot ng noo

Language at communication development

  • May expression na ang kanyang pagbungisngis
  • May iba-ibang paraan ng pag-iyak para sabihin na gutom, inaantok, o di kaya nasasaktan siya
  • Bahagyang tumatawa
  • Matiis na pagtili
  • Gumagawa ng tunog kapag tumitingin sa mga laruan at tao

Mga dapat bantayan

Bagamat hindi pare-pareho ang pace ng mga sanggol, sabi ng AAP, may mga tinatawag na red flags. Ito ang mga senyales na posibleng may hindi tama sa development ni baby. Suhestiyon ng CDC na komunsulta sa doktor kung ang 4-year-old mo ay:

  • Hindi kayang angatin ang ulo o hindi pa steady
  • Hindi pumapadyak ang mga binti kapag pinatayo sa matigas na sahig
  • Hindi ngumingiti sa tao
  • Hindi tumitingin sa gumagalaw na bagay
  • Hindi gumagawa ng tunog o ingay
  • Hindi sinusubo ang mga kamay
  • Hindi makasunod ang isa o parehong mata sa lahat ng direksyon

Makakatulong na maging alerto sa mga nagagawa at hindi nagagawa ng anak na 4 month baby milestones. Malaking bagay na maagapan sakaling meron siyang developmental delay, ayon pa sa mga eksperto.

Excited ka nang malaman ang 1 year old developmental milestones? Basahin dito. 

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close