Simula nang mauso ang mga social media challenges, kung anu-ano na ngang mga kwelang pakulo ang nakikita natin online.
Ngayong lahat tayo ay naka-quarantine sa ating mga bahay kasama ang ating mga pamilya dahil sa banta ng COVID-19, kaliwa't-kanan ang mga challenges na nagsusulputan—lalong-lalo na sa mobile app na TikTok.
Isa na riyan ang patok na patok na #PassTheBrushChallenge. Sa social media trend na ito, makikita mo ang mga babae na nakapambahay o hindi nakaayos. Ilalapit nila ang kanilang mga makeup brushes sa camera at pag-reveal, glammed up na sila!
Narito ang version na ginawa ng Miss Universe Class of 2019:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ang bongga, hindi ba? Siyempre, hindi papatalo ang mga nanay diyan! Sa pangunguna ni mommy Karen Ayala ng aming #SPMomNetwork, gumawa ang mga nanay ng sarili nilang bersyong tinawag naman nilang #PassTheBottleChallenge.
Simple lang ito, sa halip na makeup brush ang ipapasa mo, milk bottle! "I saw a similar one done by makeup artists where they did before and after glam shots of themselves," kwento ni Karen. "I felt like it was such a good initiative to encourage people to have fun at home!"
"I immediately then thought of moms because being part of so many mom chat groups, I think one of the biggest sentiments of moms now is that we're all just really tired from the lockdown. So what better way to feel better than putting on makeup and doing the video," dagdag pa niya.
"It's such a small thing, but it felt really energizing! Like we got a part of our 'normal' selves back!"
Tandaan na hindi porket nanay ka na, wala ka nang karapatang magpaganda. Mas dapat mo pa ngang mahalin ang sarili mo dahil kapag mabuti ang kalagayan ng iyong isipan, mas maaalagaan mo ng maayos ang iyong asawa at mga anak.
CONTINUE READING BELOW
watch now
Sabay ka na sa trend kasama ang iyong mga mommy friends! Narito ang video:
Ang lakas maka-good vibes hindi ba? May naisip ka pa bang ibang social media challenge na pwedeng subukan ng mga nanay? I-share mo lang 'yan sa comments section.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.