-
Manzanilla Para Sa Kabag Ni Baby? Iwasan Na Lalo Kung May G6PD Siya
- Shares
- Comments

Nakasanayan na nating mga Pilipino ang pagpahid ng mga pamahid o liniment sa katawan kung may nararamdaman. Tiyak na hindi mawawala sa tahanan ng mga Pilipino ang ganitong gawi hanggang ngayon.
Sa mga mommy na bagong panganak laging pabaon ng mga nanay at lola ay bigkis, aceite de alcamporado, at manzanilla for baby. Ito raw ang sagot at gamot sa kabag ni baby.
Matanda nang paniniwala ang pagpapalibot ng bigkis sa tiyan ni baby matapos ang pagpahid ng manzanilla para pampawala ng kabag. Ganito malamang lumaki ang karamihan sa atin. Pero applicable o nararapat pa rin ba ito sa panahon ngayon?
Gamit ng manzanilla
Ang aceite de manzanilla oil ay ginagamit diumano para sa pagkontrol, pag-iwas, at panggamot sa ilang mga sakit o karamdaman. Ilan daw sa mga ito ay ang
- pagbawas ng timbang
- pantanggal ng mga problema sa tiyan o digestion
- gastrointestinal disorder
- insomnia
- inflammation
- sipon
- pamumulikat ng kalamnan
- menstrual disorders o pagsakit ng puson
Pero sa kasalukuyan mahigpit na ipinagbawal na ang paggamit nito sa mga baby. Bakit nga ba?
Sensitibo ang balat ni baby
Noon nakasanayan na ang pagpapahid ng manzanilla kapag may kabag si baby. Ngunit ayon sa mga eksperto, puwede itong makapagdudulot ng pneumonia sa mga baby.
Dahil senstibo din ang balat ng mga baby, maa-absorb nito ang liniment na posibleng nagtataglay ng sangkap na makasasama sa kalusugan ng baby gaya ng maaaring magdulot ito ng pagkasunog ng balat o pagkasira ng atay.
Ipinagbabawal din ang manzanilla sa mga baby na na-diagnose ng G6PD dahil hindi makabubuti ang menthol na taglay nito sa kanilang kondisyong pangkalusugan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay mga baby rin na sobrang delicate ng balat na madaling magka-skin rashes o allergies, kaya mabuting alamin din muna ang kondisyon ng anak bago sumubok ng mga pamahid o liniment sa balat.
Alternatibo para sa manzanilla
Sa halip na manzanilla for baby, iminumungkahi ang paggamit ng oil lalo na iyong mga natural oil na pamahid sa tiyan ni baby kung may kabag.
Sa Smart Parenting Village, nagbahagi ang mga mommy ng alernatibong ipinapahid nila sa tiyan ng kanilang baby kapag kinakabag sa halip na manzanilla. Ilan sa mga ito ang virgin coconut oil, massage oil at natural essential oil.
Matapos na ipahit ang isang patak ng oil, sinamahan nila ito ng pagmasahe sa tiyan ng kanilang baby.
Pang-alis sa kabag ng baby
Kapag talagang kinabagan si baby, napakahirap pakalmahin. Nagdudulot ang kabag ng matinding discomfort sa baby. Nakaka-stress din sa part ng mommy. Lahat ay gagawin para mapatigil sa pag-iyak si baby at maalis ang hangin nito sa tiyan.
Mahalaga ang tinatawag na tummy time para sa mga baby. Nabibigyan sila ng pagkakataon o naglalaan ng sapat na panahon para mailabas nila ang hangin sa kanilang tiyan matapos ang pagdede nang maiwasan ang kabag.
Malalaman mong may kabag si baby kung matindi ang pag-iyak pero busog naman ito. Subukin na hawakan ang tiyan nito. Kung medyo lumaki, matigas, at may ibang tunog kapag tinapik, possible na may kabag siya.
Maaaring padapain si baby sa iyong dibdib tiyakin lang na nakaangat nang bahagya ang ulo, kargahin at bahagyang lakas na pagtapik sa itaas na bahagi ng likuran, o paikot na masahiin ang tiyan nito para gumalaw ang hangin.
CONTINUE READING BELOWwatch nowGawin din ang bicycle massage o "I love you" massage. Panoorin kung paano:
Mawawala ang hangin kapag dumighay o umutot na si baby.
Sa mga bagong mommy, tandaan na normal ang pagkakaroon ng kabag ng baby dahil sa lumalaki pa ang kanilang sikmura. Nawawala rin ang pagiging kabagin ng baby kapag may 12 linggo na ito mula nang ipanganak pero kadalasan umaabot ito hanggang sa tumuntong sila ng tatlong buwan.
Maiiwasan naman ang kabag kung hindi mapapasukan ng hangin habang sila ay pinapadede. Kung ikaw ay exclusive breastfeeding, tingnang mabuti kung tama ang pag-latch ng iyong baby para hindi makapasok ang hangin. Kung may naririnig kang tunog habang pinapadede si baby, ibig sabihin may hangin na nakapapasok.
Kung bottle feeding naman, may mabibili na mga anti-colic na baby bottle na makatutulong upang maiwasang magkakabag si baby.
Pinakaimportante ay huwag kalimutan ang pagpapadighay matapos ang pagpapadede.
What other parents are reading

- Shares
- Comments