embed embed2
Pangangati, Pamumula At Pamamantal Ng Balat: Ano Ba Ang Mga Rashes Na Ito?
PHOTO BY iStock
  • Isang komplikadong organ ang balat, ang pinakamalaking bahagi sa katawan ng tao, at ang mga rashes ang madalas senyales na may problema.

    BASAHIN ANG IBA PANG SKIN CONDITIONS

    Ang rashes ay hindi normal na pagbabago sa kulay, kinis, at hitsura ng balat. Kadalasan, nagreresulta ito ng pamamaga, pamumula, pangangati, paghapdi, panunuyo, at pagsusugat ng balat na dulot ng iba’t ibang dahilan.

    Ilan sa mga karaniwang dahilan na pinagmumulan ng rashes:

    • impeksyon sa bacteria
    • allergens
    • immune system disorders
    • reaksyon ng balat sa gamot
    • matinding stress
    • kakulangan sa vitamin D
    • pagkakaroon ng dry skin
    • mga bisyo

    Ang ang ibig sabihin ng rashes mo  

    May iba’t ibang uri ng skin rashes depende sa hitsura at nararanasang sintomas nito. May pansamantala lamang ngunit mayroon ding pangmatagalan.

    Bacterial o viral infection

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May iba skin rashes na dulot ng bakteriya o mga viral infection at mga irritant. Ilan sa mga ito ay:

    • bulutong at tigdas
    • pamamantal dulot ng fungi
    • pagkakaroon ng kuto
    • dulot ng galis
    • kagat ng surot, mites, at lamok
    • pangangati sa ilang uri ng tela
    • pangangati sa pabango, sabon, pangkulay ng buhok

    Allergy sa gamot

    Samantala, may ilang skin rashes dahil sa allergic reaction o side effect sa mga iniinom na gamot gaya ng:

    • antibiotic
    • antifungal na gamot
    • painkiller
    • anticonvulsant na mga gamot

    Pwedeng magdulot ang mga gamot na nabanggit ng pangangati at pamamantal ng balat. Nabubuo nang higit ang mga ganitong rashes kapag nalantad ang balat sa sikat ng araw. Madalas din na nagsisimula ang mga drug rash dulot ng medikasyon sa mga unang linggo ng pag-inom ng gamot.

    Sa simula, magkakaroon ng mga pamumula sa balat hanggang sa dumami at lumawak ang sakop nito sa katawan. Tumitigil ang rashes na ganito kapag itinigil din ang pag-inom ng gamot matapos ang ilang araw o pagkaraan ng isang linggo.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Eczema o Atopic Dermatitis

    Ang pamamaga sa balat ay pwedeng dermatitis. May tatlong klase ito: eczema, contact dermatitis at seborrheic dermatitis.

    Isa itong kondisyon na makati at namumula ang balat. Madalas na nagkakaroon nito ang mga sanggol. Karaniwan na mga nasa kamay, paa, bukong-bukong, leeg, at binti. Maaaring tumindi ang sitwasyon at nawawalan din kung minsan. Kapag kinamot ang bahaging apektado, maglalabas ito ng tubig at magbabalat.

    Contact Dermatitis

    Ito ay mamula-mula at makating rashes na lumalabas ilang oras o araw lamang kapag ang balat ay nalapatan ng anumang substance o allergen na maaaring makairita sa balat o magdulot ng allergic reaction. Maaaring maransan ang pagsusugat o pamamaltos ng balat.

    Seborrheic Dermatitis

    Nagdudulot ang ganitong kondisyon ng pamamantal, pamumula ng balat, at pagbabalat nito. Madalas na naapektuhan nito ang mga bahagi ng balat na oily gaya ng mukha, itaas na bahagi ng dibdib at likod. Maaaring pangmatagalan ang ganitong kondisyon ngunit bumubuti rin matapos ang paglala o paglabas ng mga rashes. Tinawag naman na cradle cap ang ganitong kondisyon sa mga baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ringworm o Tinea Corposis

    Makati at namumula ang ringworm na isang fungal infection. Pabilog ang hugis nito na makaliskis ang rashes at may nakaumbok na bahagi. Mapapansin naman na maayos at malusog ang bahagi ng balat na nasa gitna ng bilog, hindi ito gaanong apektado. Naipapasa ito sa pamamagitan ng pagdikit sa balat ng tao o hayop na mayroon nito.

    Psoriasis

    Isang autoimmune na sakit ang psoriasis na nagdudulot naman ng pamumula, pagtigas, at paghapdi ng balat. Mabilis ang pagdami nito na nagiging magaspang at makaliskis ang balat. Madalas na makati ito at masakit din. Maaaring tumindi ang sitwasyon at mawala rin pagkaraan.

    Dermatographism

    Nakaumbok napantal na karaniwang namumula at makati dahil sa sobrang pressure sa balat. May pamamaga sa apektadong bahagi ng balat. Lumalabas ito kapag kinamot ang balat. Nawawala naman ito pagkaraan ng ilang minuto pero may ilan na nagtatagal ng isang araw o mas higit pa.

    Heat rash (Miliaria)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lumalabas ang heat rash dulot ng labis na pagpapawis na karaniwang nararanasan sa tag-init o maalinsangang panahon. Hindi naman seryoso ang ganitong kondisyon na karaniwang nawawala kapag nalamigan ang bahagi ng balat na apektado. Makatutulong ang pagsusuot ng maluluwag o preskong damit.

    Intertrigo

    Dahil sa pagkikiskisan ng balat sa balat na madalas na pawisan nagdudulot ito ng pamamaga sa ilang bahagi ng balat gaya ng kilikili, sa ilalim ng suso, pagitan ng mga balat sa tiyan, o pagitan ng mga daliri sa paa. Sa ganitong kondisyon, mahapdi at sensitibo ang mga bahagi ng balat na apektado.

    Kapag matindi ang sitwasyon, maaaring magsugat ito. Makabubuti na mapanatiling tuyo at malinis ang apektadong bahagi o paglalagay ng pulbos o powder upang maiwasan ang pagkikiskisan ng balat. Makatutulong din ang pagbabawas ng timbang.

    Shingles

    Mahapdi o masakit ang skin rashes na ito na dulot ng virus mula sa chicken pox o bulutong. Kung nagkaroon ka na ng bulutong, nananitili ito sa nerver tissue na hindi aktibo. Pagkaraan ng ilang taon, maaaring muling maging aktibo ang virus.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa simula, makakaramdam ka nang hindi pagiging komportable at pangangati na wala pang makikitang anumang dahilan. Hanggang sa paglipas ng ilang araw, maglalabasan ang mga pantal gaya sa bulutong. Pagkaraan ng apat na linggo, unti-unti ang pagbabalat at mawawala ang sakit at pangangati.

    Skin rash home remedy

    May ilang home remedies na maaaring gawin upang mabawasan ang sintomas at ang pagtindi ng kondisyon.

    Pagiging malinis sa katawan at pangangalaga sa katawan

    Ugaliin ang pagligo sa araw-araw at pagpapalit ng damit. Iwasan din ang paggamit ng matatapang na sabon. Subukin ang mga mild soap.

    Umiwas sa mga irritants

    Alamin ang mga nagiging sanhi ng pagkakaroon mo madalas ng skin rashes upang maiwasan ang mga ito.

    Pagpapahid ng lotion

    Makatutulong ang pagpapahid ng lotion o cream sa balat upang mapanatili ang pagiging hydrated ng balat.

    Paglalagay ng mga anti-itch cream o ointment

    Makatutulong ito upang makadama ng ginhawa mula sa mga sintomas ng skin rashes at hindi pagiging komportable na dulot ng pangangati at paghapdi ng balat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa mga nabanggit na ito, mahalaga pa rin ang pagkonsulta sa doktor o dermatologist upang higit na matiyak ang sanhi ng mga skin rashes lalo na kapag hindi nawawala matapos ang ilang home remedies.

    BASAHIN ANG IBA PANG SKIN CONDITIONS

    Tumawag ng doktor lalo na kung may iba pang sintomas na nararanasan gaya ng pagkakaroon ng lagnat. Mareresetahan ka ng tamang gamot at mabibigyang ng wastong payo na dapat gawin para maiwasan ang higit na paglala ng kondisyon.

    Sources: Smart Parenting, WebMd, Mayo Clinic

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close