embed embed2
  • Ganito Ang Tamang Gamit Sa Dandruff Shampoo + Options Kapag Naubos Na

    Hindi lang kulang sa shampoo kaya may balakubak ang isang tao.
    by Jocelyn Valle .
Ganito Ang Tamang Gamit Sa Dandruff Shampoo + Options Kapag Naubos Na
PHOTO BY iStock
  • Totoo namang major turn-off na makakita ng balakubak sa ulo ng isang tao, lalo na kapag nangamot siya dahil sa kati at kaagad na bumabagsak ang mga butil nito sa kanyang kasuotan (kulay itim pa man din). Mabuti na lamang at madali itong maremedyuhan sa tulong ng home remedy sa dandruff.

    Paalala lang na bago husgahan ang taong may balakubak, hindi lamang poor hygiene ang sanhi ng ganyang kundisyon. Paliwanag ng American Academy of Dermatology (AAD) na maaaring nagiging mas obvious ang dandruff kapag madalang makatikim ng shampoo ang buhok, pero may mas malalim pang rason dito. Iyon nga lang, pinag-aaralan pa raw ito ng researchers. 

    Sang-ayon dito ang United Kingdom National Health Service (NHS). Depende sa iba pang symptoms, maaaring ang balakubak ay may kinalaman sa skin diseases gaya ng eczema, psoriasis, at contact dermatitis. Lumalala pa daw ang dandruff dahil sa stress na pinagdadaanan ng isang tao at sa lamig ng panahon. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Shampoo para sa dandruff

    Sabi naman ni Dr. Dawn Davis, isang dermatologist ng Mayo Clinic, dumadaan sa scalp examination ang pasyente para malaman kung alin sa dalawang common causes ng dandruff flakes ang ugat ng problema. Maaari daw dahil ito sa overactive oil glands o di kaya sa dryness at dehydration. Puwede din namang kombinasyon ng dalawa.

    Nagkakasundo ang mga doktor na makakatulong ang paggamit ng dandruff shampoo sa paggamot ng balakubak. Hanapin daw iyong may mga ganitong ingredients:

    • zinc pyrithione

    • salicylic acid

    • selenium sulfide

    • ketoconazole

    • coal tar

    Balala lang ng AAD na may potensyal ang coal tar na gawing sensitive sa araw ang anit. Para maprotektahan ang anit, huwag daw magpapaaraw. Kung hindi ito maiwasan, magsuot na lamang ng sombrero.

    Dagdag namang palala ang masusing pagbabasa at pagsunod sa instructions na nakasulat sa shampoo bottle. May ilang klase daw na kailangan ibabad sa shampoo ang buhok at anit ng five minutes, habang ang iba naman ay ipinagbabawal ang ganitong gawain. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Sabi naman ni Dr. Davis, nawawala ang bisa ng shampoo pagkatapos itong gamitin ng mahabang panahon. Kaya ang payo niya ay gawing rotation ang paggamit ng hanggang tatlong shampoo brands na may iba-ibang active ingredients.

    What other parents are reading

    Home remedy sa dandruff 

    May ilan namang home remedy sa dandruff na bagamat hindi pa suportado ng mga eksperto, marami nang nakasubok at nasiyahan sa resulta. 

    Gugo

    Ang paghuhugas ng buhok at anit gamit ang pinatuyong balat ng puno ng gugo ang namanang kaugalian mula sa mga sinaunang Pinoy. Pinaniniwalaang marami itong benepisyo mula sa pagpapaganda at pagpapakapal ng buhok hanggang sa pagtanggal ng balakubak. Ibinabalad lang ang ilang piraso ng gugo sa palangganang may tubig nang ilang minuto at kinukuskos hanggang bumula bago ito i-shampoo.

    Coconut oil

    Isa pa ang langis ng niyog na subok na ng maraming Pinoy ang bisa sa maraming bagay, kabilang na ang pangangalaga sa buhok at anit. Bagamat may nabibili nang processed virgin coconut oil (VCO), mayroon pa ring gumagawa ng sariling langis ng niyog. Matrabaho ito dahil pakukuluan pa ang gata ng niyog hanggang sa ito ay matuyo at maglangis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aloe vera

    Bukod sa pagpapalago ng buhok, kilala din ang sabila, o ang succulent plant na aloe vera, sa pagbibigay lunas sa tuyot at makating anit na pinagmumulan ng balakubak. Ayon sa isang pag-aaral na lumabas noong 2019, ang aloe vera gel ay tumutulong sa moisture retention ng balat, kabilang na ang anit, at paggaling ng sugat dito. Pumitas ng isang dahon ng sabila, baliin ito, at ipatak ang dagta sa anit.

    Apple cider vinegar

    Bagamat wala pang pag-aaral na naisagawa tungkol sa kayusahan ng apple cider vinegar (ACV), marami na ang sumubok at nagpapatotoo sa bisa nito. Katunayan, may do-it-yourself (DIY) recipe na posted sa University of California, Berkeley website kung paano gamitin ang ACV bilang shampoo.

    Ayon dito, maglagay ng 1/2 cup ng ACV sa 1 1/2 cup ng tubig at gamitin ang mixture bilang shampoo pero hindi na kailangang banlawan. Huwag daw mabahala sa maasim na amoy dahil mawawala naman ito kaagad. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung hindi nakagamot ang home remedy sa dandruff, maaaring may kinalaman na ang iba pang skin ailment gaya ng eczema, psoriasis, at contact dermatitis dito. Mainam na komunsulta sa doktor nang matukoy at magamot ang totoong kalagayan ng anit. 

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close