embed embed2
  • Mommy, 'Wag Po! COVID-19-Inspired Baby Names Na Dapat Pag-isipang Mabuti

    Mayroon kaming listahan ng mga mas magagandang baby names!
    by Ana Gonzales .
Mommy, 'Wag Po! COVID-19-Inspired Baby Names Na Dapat Pag-isipang Mabuti
PHOTO BY iStock
  • Madalas na hot topic sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang mga baby name suggestions. Kalimitan, nagbibigay ng initials ang mga nanay at tulong-tulong ang lahat para makaisip ng magandang pangalan.

    Ang pangalan daw kasi ng isang bata ay dapat makahulugan. Kalimitan, may malalim na dahilan ang mga magulang sa napipili nilang pangalan para sa kanilang mga anak. Madalas din ang pangalan ng mga bata ang nagiging salamin ng pangarap ng mga magulang nila para sa kanila.

    What other parents are reading

    Kaya naman hindi talaga namin kinaya ang mga nagtrending na memes kamakailan ng mga pangalang hango sa pinagdadaanan natin ngayon: ang COVID-19 pandemic.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dahil na rin siguro sa labis na pagkainip at dahil na rin sa likas na pagiging mapagbiro ng mga Pinoy kaya naglabasan ang mga baby names na ito.

    What other parents are reading

    Inilista namin dito ang ilan sa mga pinaka-witty at kakaibang COVID-19-inspired baby names na nakita namin online. Pero, mommy and daddy, 'wag ha? Bibigyan pa namin kayo ng listahan ng mga mas magaganda at makabuluhang baby names na pwede ninyong gamitin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Covid at Corona"

    Ayon sa Australian website na Kidspot, may isang Indian couple na pinangalanang Covid at Corona ang kanilang kambal.

    Sa halip na ito ang ipangalan mo sa iyong mga anak, bakit hindi mo na lang tignan itong listahan ng Parents.com ng mga magagandang kombinasyon ng baby names para sa kambal?

    Kung parehong babae ang kambal mo:

    • Faith at Hope
    • Ella at Emma
    • Madison at Morgan
    • Ava at Olivia
    • Faith at Grace

    Kung parehong lalaki:

    • Daniel at David
    • Jayden at Jordan
    • Isaac at Isaiah
    • Ethan at Evan
    • Caleb at Joshua

    Kapag babae at lalaki:

    • Madison at Mason
    • Emily at Ethan
    • Addison at Aiden
    • Emma at William
    • Taylor at Tyler
    What other parents are reading

    "Lockdown"

    Ito naman daw ang ibinigay na pangalan sa isang baby boy sa India dahil di umano ay na-aappreciate ng mga magulang niya ang lockdown na ipinatupad ng pinuno ng kanilang bansa.

    Kung names for baby boys naman ang hanap mo, mayroon din kaming listahan niyan. Narito ang ilan sa mga magagandang baby boy names na pwede ninyong pagpilian:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Alab
    • Habagat
    • Lakas
    • Ulap
    • Alon

    Maganda rin ang mga pangalang ito para sa baby boy ninyo: 

    • Nathaniel
    • Angelo
    • Nathan
    • Daniel
    • Bughaw
    • Liam
    • Grayson
    • Mason
    • Oliver
    What other parents are reading

    "Kovyd Bryant"

    Bago pa man pumutok ang balita tungkol sa pagkalat ng COVID-19, nadurog na ang puso ng mga Pilipino at ng mga basketball fans sa buong mundo nang pumanaw ang batikang basketbolistang si Kobe Bryant

    Hindi na kami nagtaka nang makita namin na kasama ang pangalang ito sa mga memes na kumakalat online. Kung fan ka kasi ng basketball, hindi na nakakagulat na ipangalan mo sa paborito mong player ang anak mo. Pero ang paghaluin ang pandemic at ang pangalan ng favorite mong basketball player? Kakaiba talaga! 

    Kung sports lover ka, magandang choice para sa pangalan ng anak mo ang mga gender-neutral baby names. Narito ang ilan sa mga pinakamagagandang unisex baby names na pwede mong pagpilian:

    • Alex
    • Andie / Andy
    • Blake
    • Charlie
    • Denver
    • Finley
    • James
    • Jordin / Jordan
    • Kyle
    • Perry
    • Robin
    • Sydney
    • Zack
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    "Covid Rose"

    Siguradong nakita mo na ang post na ito sa Facebook at siguradong tulad namin, labis ka ring naguluhan kung totoo ba ito o edited lang.

    Totoo man o hindi, marami pang ibang baby girl names na pwede mong pagpilian. Kung mahilig ka sa Korean Drama o K-Drama, pwede kang pumili ng Korean names para sa iyong anak. Narito ang ilang choices:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Ae-cha (Meaning: A loving daughter)
    • Byeol (Meaning: Star)
    • Choon-hee (Meaning: Born at the time of spring)
    • Da-eun (Meaning: Much kindness or mercy; many silver)
    • Eun-ae (Meaning: Grace with love)
    • Hae-won (Meaning: Graceful and beautiful garden)
    • Mun-hee (Meaning: An educated and literate girl)
    • Soo-Ah (Meaning: Soo means water or bank; Ah means beautiful, bud, sprout, elegant, or graceful)

    Mayroon ding mga mermaid-inspired baby names na pwedeng-pwede para sa iyong baby girl:

    • Alana
    • Ariel
    • Calista
    • Coralia
    • Kailani
    • Avalon
    • River
    What other parents are reading

    "Quarantina"

    Nakita namin ang pangalan na ito sa isang whiteboard list ng pangalang COVID-19-inspired. Kasama pa sa listahan ang mga pangalang tulad ng Covidleigh, Koroña, McCovyd, Pan-Demicah, at Mia Koronah. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaysa sa mga pangalang iyan, dito ka na lang sa mga Avengers-inspired names o 'di naman kaya ay dito sa mga Game of Thrones-inspired na pangalan—memorable na, powerful pa!

    Ilan sa mga paborito namin ang: 

    • Arya
    • Sansa
    • Tony
    • Natasha
    • Pepper
    • Peggy
    • Brienne
    • Lyanna
    • Yara
    • Gendry
    • Jamie
    • Tyrion

    Naloka ka ba sa mga COVID-19-inspired na pangalan na 'yan? Marami pang kumakalat online! Isa na nga riyan ang Covidubidapdap. Sigurado naman kaming hindi ninyo 'yan ipapangalan sa anak ninyo. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung gusto niyo pa ng iba pang baby name options, i-click niyo lang ito. Para naman sa pinakahuling kwento at balita tungkol sa COVID-19, pwede kayong pumunta dito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles