embed embed2
Nahulog Si Baby Sa Kama! 3 Tanda Na Dapat Mo Siyang Isugod Agad Sa Ospital
PHOTO BY iStock
  • Isa sa mga pinakaunang pinagtutuunan mo ng pansin bilang isang magulang ay ang kaligtasan ng iyong mga anak. Siguradong naisip mo na ring maglagay ng mamahaling CCTV sa kwarto niya at malamang ay isa ka sa mga magulang na talaga namang todo ang pag-baby proof sa bahay. Wala naman kasing magulang ang gugustuhing mapahamak ang anak niya.

    What other parents are reading

    Ngunit gaano ka man kaingat, mayroon at mayroong mga hindi inaasahang bagay na maaaring mangyari sa iyong anak. Isa na nga sa mga pinakakintatakutan ng mga nanay ay ang pagkahulog ni baby mula sa higaan. Ang madalas at una nilang tanong: Doc, kailangan ko bang dalhin si baby sa emergency room?

    Sinagot ito ng pediatrician na si Dr. Faith Buenaventura-Alcazaren, MD sa pinakaunang episode ng How Po? series namin. Ayon sa kanya, mayroong mga tanda para malaman mo kung kailangan mo nang dalhin si baby sa ospital matapos siyang mahulog.

    What other parents are reading

    Paano nga ba malalamang kailangan nang dalhin si baby sa ospital?

    Tignan kung may injuries

    Payo ni Dr. Faith, sa halip na mag-panic, tignan mo agad kung may natamo bang injuries ang anak mo pagkatapos niyang mahulog sa kama. I-check kung mayroon siyang sugat sa ulo, braso, at binti. "Don't panic. Minsan mas nagugulantang 'yung baby from the mom," paliwanag ni doktora. 

    What other parents are reading

    Tignan ang level of alertness

    Paliwanag ni doktora, 24 oras mong babantayan at oobserbahan ang level of alertness ng anak mo. Tignan mo kung iritable ba siya o nagsusuka siya (forceful vomiting).

    "Kapag nahulog o may sustained injury, we would expect the possibility na may nabugbog sa utak o may pumutok na ugat," pagbabahagi ni doktora. "If nag-develop ng blood clot in the brain, magmamanifest siya as decrease in sensorium," dagdag pa niya. Dito mo na raw mapapansin na parang aantok-antok si baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaari rin daw itong mag-manifest bilang isang seizure. "Another overt sign would be vomiting," sabi ni doktora. Ang pamumuo raw ng dugo at pagtaas ng pressure sa utak ang nagiging dahilan kung bakit labis na magsusuka si baby.

    Obserbahan kung mayroong preferential  movement

    Ang tinatawag na preferential movement ay iyong pagkakataon na isa o ilang bahagi lang ng katawan ng anak mo ang pinipili niyang igalaw. "Kung sabay, symmetric, at active ang bata, then there's no problem," paliwanag ni doktora. 

    What other parents are reading

    Itong tatlong tanda na ito ang red flags na kailangan mong hanapin at obserbahan sa anak mo ng 24 oras. Kapag may nakita kang isa o higit pa sa mga tandang ito, kailangan mo nang dalhin sa doktor ang anak mo. 

    Sabi ni doktora, stressful ang emergency room stay para sa mga babies. Kung dadalhin mo agad si baby sa emergency room nang hindi siya inoorbserbahan, maaari kayong manatili sa ER nang hanggang 24 oras. Sa panahon ngayon na mayroong banta ng COVID-19, baka mas hindi ito makatulong at mas maging delikado pa para kay baby.

    "I want to reassure mommies here na kapag nahulog from a bed height [si baby] hindi siya usually fatal," sabi pa ni doktora. "Ang nagkakaroon usually ng mga [bleeding] sa utak, 'yung mga batang talon nang talon and then head first mechanism of injury." 

    Payo ni doktora, para maiwasan ito, bigyan mo si baby ng tinatawag na safe sleep space. Payo ni Ms. Ria Lopez Campos, isang sleep expert at child behavior specialist, mas maganda kung mayroong sariling kama si baby na walang nakalagay kundi siya lang. Hindi niya kailangan ng maraming unan o kung ano pa mang ibang mga gamit tulad ng laruan o pandekorasyon.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Dagdag naman ni Dr. Faith, normal lang itong nangyayari, lalo na kapag naroon na sa edad si baby na gumagapang at umiikot-ikot na siya sa kama. "It happens, especially around that time when the child starts rolling over, mga four months, mas mabilis silang makarating in all corners of the bed," sabi niya. 

    Isa pang paraan para maiwasan ito ay ang paglalagay ng padding sa paligid ng kama ni baby, para kahit na mahulog siya, malambot ang kanyang babagsakan.

    "It can be used when you lay them down and you need to go to the bathroom," sabi ni Ria. "Especially for moms who are alone the whole day, a safe space for your child where they cannot get hurt, they cannot fall out, is very important," dagdag pa niya. "That crib or playpen is always safer than a parent who is panicking."

    What other parents are reading

    Natural lang na mag-panic ka at makaramdam ng guilt dahil sa nangyari, ngunit mahalagang hindi mo makalimutan ang mga kailangan mong i-check at obserbahan kay baby para masiguradong okay lang siya kahit nahulog siya sa kama. 

    Nahulog na ba ang baby mo sa kama? Anong naging experience mo? I-share mo na iyan sa comments section. Pwede mo ring panoorin ang kabuuan ng usapan nina Dr. Faith at Ria tungkol sa newborn care dito: 

    Kung gusto mong maging bahagi ng mga ganitong events, i-bookmark mo na ang aming events page at mag-register ka na sa aming website para makatanggap ng mga email alerts tungkol sa mga latest live sessions at webinars na ilulunsad namin. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close