Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Bakit Tumitigil si Baby sa Pag-Iyak Kapag Kinarga Mo Siya
PHOTO BY @Wavebreakmedia/iStock
  • Hinihikayat ng mga eksperto ang mga magulang na ugaliing yakapin ang kanilang mga anak. Taliwas sa paniwala ng iba, hindi natin nai-spoil ang ating mga anak dahil dito. Sa katunayan, marami pang lifelong benefits ang skin-to-skin contact. Mapapansin siguro ninyo na kadalasan, titigil sa pag-iyak ang inyong anak kapag siya ay inyong kinarga (maliban kung siya ay may sakit o karamdaman). Pero bakit kaya mas gusto niyang kayo ay nakatayo habang nakakarga siya?

    Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa Current Biology, “infants under 6 months of age carried by a walking mother immediately stopped voluntary movement and crying and exhibited a rapid heart rate decrease, compared with holding by a sitting mother.” (Ang mga baby na 6 na buwan pababa na buhat ng kanilang ina na naglalakad ay agarang tumigil sa paglikot at pag-iyak, at nagtala ng pagbagal ng heart rate, kumpara sa mga baby na hawak na kanilang ina na nakaupo.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag tumayo ang nanay para aluin ang kanyang baby, nagsisimula ang “coordinated set of central, motor, and cardiac regulations” na magpapatahan kay baby. Kumakalma si baby kapag nakita niya ang kanyang nanay, naamoy niya ito, at narinig ang kanyang boses. Nakakatulong ang maramdaman niya ang tibok ng puso ng kanyang ina kapag karga siya at sasabayan ng indayog ng katawan. 

    More from Smart Parenting

    Sabi pa ng mga researcher, “The calming responses may increase the survival probability of the infant in cases of emergency escape by the mother-infant dyad.” (Ang reaksyong ito ay maaring makatulong para mabuhay ang baby sa mga pagkakataong malagay sa mapanganib na sitwasyon ang mag-ina.)

    Sa siyam na buwang inilagi ni baby sa loob ng tiyan, sa piling ng kanyang nanay niya mararamdaman na siya ay pinakaligtas. Hindi rin mapipigilan ng ina na kargahin ang kanyang umiiyak na anak dahil sa kanyang maternal instinct, lalo na kapag ito’y may dinaramdam. Bumubuti ang pakiramdam ni baby kapag yakap ninyo siya habang kayo ay nakatayo. Ganito rin ang epekto nito sa mga hayop, lalo na sa mga mammals. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bagama’t masakit sa likod, binti, at braso ang pagkarga kay baby habang kayo ay nakatayo, bahagi talaga ito ng pagiging nanay. Kailangan kayo ng inyong anak lalo na sa mga unang buwan ng kanyang buhay.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa 

    Ayaw Magpaupo? There's a Good Reason Your Baby Prefers You to Stand Up When You Carry Him

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles