embed embed2
  • Kailan Ba Dapat? Paano Patigilin Si Baby Sa Paggamit Ng Pacifier

    Mainam gamitin ang pacifiers para sa mga bata, ngunit may edad kung kailan dapat niyang hintuan ang paggamit nito.
    by Ana Gonzales .
Kailan Ba Dapat? Paano Patigilin Si Baby Sa Paggamit Ng Pacifier
PHOTO BY Unsplash
  • Ayon sa mga eksperto, malaki ang naitutulong ng pacifier pagdating sa pagpapakalma sa mga babies. Sabi ni Dr. Richard Dowell, isang pediatric neuropsychologist, walang ibang paraan ang mga sanggol para pakalmahin ang sarili nila bukod sa pagsipsip o sucking.

    "They can't get a drink; they can't ask for a blanket; they can't use their hands to control things. Sucking provides a way for them to calm themselves," paliwanag niya.

    What other parents are reading

    Anu-ano pa ang mga magandang naidudulot ng paggamit ng pacifiers?

    Nakakatulong din ang mga pacifiers para maiwasan ang Sudden Infant Death Syndrome o SIDS, sabi ng American Academy of Pediatrics o AAP. Ito'y dahil pinapanatiling bukas ng pacifiers ang daanan ng hangin ng mga bata habang tulog sila. Sa ngayon ay hinanap pa rin ng mga eksperto ang mas konkretong dahilan kung bakit at paano nakakatulong ang pacifiers para maiwasan ang SIDS.

    Sinabi naman ni Dr. Jamie Isip-Cumpas, isang pedia pediatrician at lactaction consultant, sa isang nauna nang Smart Parenting article, may pacifier man o wala, sisipsip pa rin ang ating mga anak. "You'll notice when your baby is sick, you'll be able to give your baby comfort by just putting your baby to the breast," sabi niya.

    What other parents are reading

    Paano pumili ng tamang pacifier para kay baby?

    Mayroong guidelines na ibinigay ang APA pagdating sa pagpili ng pacifier para sa anak mo.

    Kailangang malambot ang tsupon at walang bahagi ng pacifier ang natatanggal. Kung may detachable kasing bahagi, maaari itong maging choking hazard.

    Mayroon dapat shield ang pacifier. Kailangang 1 ½ inches ang laki nito para hindi maipasok ng baby mo ang buong pacifier sa bibig niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Anu-ano ang mga dapat tandaan habang gumagamit ng pacifier ang baby mo?

    • I-sterilize ito bago gamitin
    • Huwag gumamit ng tsupon mula sa feeding bottle ni baby—maaari itong maging choking hazard
    • I-check palagi ang pacifier ni baby para masigurong wala itong sira at hindi pa nagbabago ang kulay

    Kailan nakakasama ang paggamit ng pacifier?

    Sa kabilang banda, mayroong hindi magandang dulot ang masyadong matagal na paggamit ng pacifier. Paliwanag ni Dr. Carina De Los Reyes, isang pediatric dentist at dating presidente ng Philippine Pediatric Dental Society, Inc. (PPDSI), kailangang may limit ang paggamit ng pacifier dahil maaari nitong maapektuhan ang paglunok ng anak mo at maaari ring magdulot ng tinatawag na malocclusion.

    Ito ang hindi pagkakapantay-pantay ng ngipin. Halimbawa nito ang open bites, cross bites, at protruded teeth.

    What other parents are reading

    Maaari ring maging sanhi ng ear infection ang masyadong matagal na paggamit ng pacifier. Paliwanag ng mga eksperto, ang pagsipsip ng anak mo sa pacifier ay nagdudulot ng pagkaipon ng fluid sa loob ng tenga—ito ang maaaring magdulot ng impeksyon.

    May ilan pang mga pag-aaral na nagpapakita na maaari ring makasagabal sa speech development ang paggamit ng pacifier. Kasalukuyan pang pinag-aaralan ng mga eksperto kung paano ito nangyayari.

    Ayon sa kanila, nangyayari ang speech development ng mga bata sa edad na 1 pataas. Kung gumagamit pa rin sila ng pacifier sa ganitong edad, maaaring makaapekto ito sa kanilang pananalita.

    What other parents are reading

    Kailan dapat pahintuin si baby sa paggamit ng pacifier?

    Paliwanag ni Dr. Gerogina Remulla, kung lampas dalawang taong gulang na ang anak mo at gumagamit pa rin siya ng pacifier, maaari na itong magkaroon ng epekto sa positioning ng kanyang mga ngipin.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "Whithdrawal of the habit should be encouraged gradually by age 1 and stopped altogether by age 4," sabi ni Dr. De Los Reyes. Ayon pa sa mga eksperto, natural na mawawalan ng interes ang mga babies sa pacifiers sa edad na 3 o 4.

    Kung nag-aalala ka sa epekto ng pacifier sa ngipin ng anak mo, pwede mong simulan ang regular dental checkups kapag lumabas na ang unang ngipin niya.

    What other parents are reading

    Paano patigilin si baby sa paggamit ng pacifier?

    Huwag biglain si baby

    Hindi makakatulong sa anak mo kung bigla mong aalisin sa kanya ang paggamit ng pacifier. Pwede mong simulan sa pamamagitan ng pag-alis nito sa isang takdang oras kada araw.

    Halimbawa, tuwing hapon, mula 1-5PM, hindi siya pwedeng gumamit ng pacifier. Unti-unti mong tatagalan ang oras na wala siyang pacifier, hanggang sa masanay na siyang hindi gumagamit nito.

    What other parents are reading

    Huwag magalit

    Hindi makakatulong kung mapipikon ka o mauubusan ng pasensya sa tuwing magta-tantrums ang anak mo kapag aalisin mo ang pacifier sa bibig niya. Tandaan na hindi niya naiintindihan kung bakit hindi na niya pwedeng gamitin ang pacifier.

    Tuwing magiging matagumpay ang isang araw na hindi gumagamit ang anak mo ng pacifier, bigyan mo siya ng papuri at encouragement.

    What other parents are reading

    Kung toddler na ang anak mo at ayaw pa rin niyang tumigil sa paggamit ng pacifier, maaaring makatulong ang pagbabasa ng mga children's books tungkol dito. Maaari ka ring mag-offer ng ibang source of comfort para hindi pacifier ang gamiting ng baby mo para kalmahin ang sarili niya.

    Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong gawin para tumigil sa paggamit ng pacifier ang baby mo. Kung napapansin mong walang pagbabago, pwede mo siyang ilapit sa isang medical expert para makahingi ng tulong.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Subukan mong huwag masyadong mag-alala, dahil ayon naman sa mga eksperto, kusang tumitigil ang mga babies sa paggamit ng pacifier.

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles