embed embed2
Vinagre Aromatico: Sagot Sa Amoy Pawis Ng Baby?
PHOTO BY Shutterstock/9Gawin
  • Paano mawawala ang amoy pawis ni baby? Ito ang madalas na tanong ng mga mommy sa Smart Parenting Village Facebook group. At may mga nagsabi na tried and tested nila ang paggamit ng vinagre aromatico.

    “Hindi na siya amoy baby”

    Hilig ng mga mommy simula sa pagsilang ng kanilang mga baby ang pag-amoy sa mga ito. Sa bibig, sa ulo, sa kilikili, sa leeg na talagang kinaaliwan ng marami. Sabi nga nila ang sarap daw kasi na inaamoy ang mga baby o sadyang nakagawian na rin ito.  

    Pero talagang darating ang panahon na masasabi naman ng mga mommy ang mga ganitong pahayag.

    “Hindi na siya amoy baby.”

    “Ang asim ng amoy ng ulo at kilikili ng baby ko.”

    Kapag lumalaki ang mga baby o humantong sila sa toddler age mas nagiging malikot sila. Dumadami na rin kasi ang mga physical activitiy na gusto nilang gawin gaya ng paglalaro at higit na nagiging aktibo sila sa paggalaw. Kaya talaga namang madali silang pagpawisan at todo ang pagtagaktak ng pawis dahil sa kalikutan. 

    Ilan sa mga mungkahi ng mga Smart Parenting Village members ay ang paggamit ng iba’t ibang brand ng sabon at shampoo na makatutulong sa pag-alis ng maasim na amoy ng kanilang mga anak. Gayundin ang paggamit ng baby powder at cologne pagkatapos paliguan ang kanilang anak. Pero may ilan na matapos subukan ang mga ito ay amoy pawis pa rin ang kanilang mga anak.

    Ano ang vinagre aromatico

    Kung nasubukan na lahat, maraming mommy ang nagsabi na tried and tested nila ang paggamit ng vinagre aromatico bilang pang-alis sa maasim na amoy ng kanilang mga anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang vinagre aromatico ay karaniwang ginagamit na skin tonic sa panligo. Bilang skin tonic, inaalagaan nito ang balat (nagre-rejuvenate diumano) pagkatapos ng cleansing. Maraming gumagamit ng dermatological preparation na ito para pampawala ng mga tigyawat.

    Dahil din sa kanyang taglay na scent, pwede daw itong ituring na mosquito repellant o dagdag proteksyon laban sa lamok.

    Safe ba para kay baby ang vinagre aromatico?

    Paano ginagamit ng mga mommy ang vinagre aromatico para mawala ang hindi kaaya-ayang amoy ng kanilang mga baby?

    Inihahalo nila ang dalawa hanggang talong patak ng vinagre aromatico sa isang litro ng tubig at ito ang gagamiting pambanlaw kay baby. Gagawin nila ito ng isang beses kada linggo.

    Bagaman sa SPV ay maraming nagsasabi na naging epektibo sa kanilang anak at wala namang naitalang matinding masamang epekto ang paggamit vinagre aromatico, may ilan naman na nakaranas ng pagkakaroon ng rashes at pag-dry ng balat ng kanilang baby pagkatapos gumamit nito.

    Tips ng mga mommy para sa amoy pawis ng baby

    Kung hindi ka sigurado sa vinagre aromatico, nagbahagi ang ilang mga Smart Parenting Village mommies ng kanilang ginagawa. Narito ang ilan sa mga nabanggit:

    1. Painumin ang inyong anak ng maraming tubig at pakainin siya ng maraming prutas at magkaroon ng sapat na tulog.
    2. Bawasan ang pagpapakain ng mga dairy products dahil posibleng diumano ito ang pinagmumulan ng hindi kaaya-ayang amoy niya.
    3. Imbes na vinagre aromatico, haluan ng tawas ang panligo niyang tubig.
    4. Magbabad ng tea/tsaa sa mainit na tubig, dagdagan ng tubig para maging maligamgam at ito ang ipambanlaw.
    5. Makatutulong daw ang paglalagay ng kalamansi sa bath water ni baby.
    6. Hayaan muna raw mawala ang pawis sa katawan ni baby bago paliguan.
    7. Palagiang pagpupunas ng pawis.
    8. Pagpapaligo at tiyaking napupunasan silang mabuti ng tuyo at malinis na tuwalya matapos maligo.
    9. Kuskusing at banlawang maigi ang buhok at katawan lalo ang mga singit-singitan gaya ng leeg at kilikili kapag pinapaliguan.
    10. Pagpapasuot ng mga preskong damit.
    11. Palitan ang sabon na nakasanayang o nakagawian nang gamitin ni baby.
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Maaaring naman sumubok ng iba’t ibang pamamaraan kung paano mawawala ang maasim na amoy o amoy pawis ng ating mga anak. Wala namang problema kung susubukan ang vinagre aromatico o kaya ang mga nabanggit sa itaas na pamamaraan.

    Pero tiyakin na bago gumamit ng anumang produkto ay tingnan ang content nito. Makabubuting alamin din ang mga allergy ng iyong anak at/o kung maselan ang balat nito lalo na likas na sensitibo ang balat ni baby.

    Ayon din sa mga eksperto, highy absorbent ang balat ng mga baby kaya dapat iwasan ang produkto na may matatapang o maraming chemical.

    Siyempre makabubuti pa rin na pagkonsulta sa pediatrician ng inyong anak upang makaiwas sa anumang komplikasyon sa balat lalo na baka rin ang maasim na amoy ni baby ay may kaakibat na kondisyong pangkalusugan na nangangailangan ng atensyong medikal.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close