Instant trending ang video ng panganay ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes habang naghuhugas ng mga kubyertos.
Sa social media ni Marian naka-upload ang video at maraming netizens ang pumuri sa 6-year-old na si Zia Dantes. Sa katanuyan, sa loob lang ng dalawang linggo, mayroon nang 2.6 million views ang naturang video. Sino ba naman ang hindi matutuwang makakita ng batang masipag?
Agad ding napuno ang comment section, puno ng mga komentong bumabati kay Zia:
"Galing naman ni Zia. Very good girl na, knows how to do some household chores. Good job!"
"Very good example of a child."
Pero hindi lang si Zia ang umani ng papuri. Pati sina Marian at Dingdong ay hinangaan din sa pagsisiguro na sa kabila ng estado nila sa buhay ay matuto pa rin ang anak na maging responsable sa bahay.
"Teaching them life skills while they are young will definitely turn them into responsible individuals later. Good job Zia! Congratulations to your Mom and Dad for raising you this well," ani ng isang comment
Sambit naman ng isa pang netizen, "Good girl and salute to her parents teaching her the values of helping in the household chores at an early age."
Bukod kay Zia, ilang mga chikiting na rin ng mga sikat na artista ang hinangaan dahil sa pagpapakita ng kanilang kasipagan sa bahay.
Celebrity kids na game sa paggawa ng household chores
1. Thylane Bolzico
Kahit halos kasing tangkad niya pa lang ang hawak na walis ay hindi nagpapigil ang baby girl nila Solenn Heaussaf at Nico Bolzico sa paglilinis ng sahig. Sobrang cute!
Bukod sa pagwawalis, alam din ni Thylane ang kahalagahan ng pag-aalaga ng mga halaman!
Maaaring may pag-aalinlangan ang ilan na bigyan ang anak ng responsibilidad na tumulong sa gawaing bahay sa paniniwalang maaaring hindi pa sila handa dito bilang bata. Pero naniniwala ang psychology professor na si Roger W. McIntire na "they'll learn by doing." Paliwanag niya sa WebMD, ang pinakaepektibong paraan upang maging handa ang isang bata ay kung masubukan na niya ito agad na gawin.
2. Scarlet Snow Belo
Tulad ni Zia, natuto na rin si Scarlet Snow na maglinis ng pinagkainang mga plato at kubyertos. Sa video, kita si Hayden Kho na hands-on sa pagtuturo sa anak kung paano masigurong malinis ang mga hinuhugasang plato.
Hindi naman kailangang mabigat agad ang ipagawang household chore sa anak. Maraming mga simpleng gawaing bahay na maaaring ituro sa anak tulad ng pagpupunas ng alikabok, pagliligpit ng mga laruan, o pagtulong sa pagluto.
Para maumpisahan ang paggabay sa anak kung paano makatulong sa bahay, maaaring gumawa ng chart guide ng mga chores na kailangang nilang gawan kada-araw o kada-linggo. Huwag na huwag rin daw gawing punishment ang paggawa ng gawaing bahay. Imbes kasi na ma-appreciate nila ang mga gawaing bahay, maaaring ayawan nila ito lalo. (Basahin dito ang iba pang tips)
3. Amanda Lucia a.ka. Gummy
Noong Disyembre 2021, napa-reminisce si Bettina Carlos sa bilis ng panahon. Noong nakaraang taon ay ipinagdiwang ni Gummy ang kaniyang ika-10 kaarawan. Pero mula noon hanggang ngayon ay laging maaasahan sa pagtulong sa kaniyang mommy si Gummy.
Sa kaniyang Instagram post, ipinakita ni Bettina ang dalawang larawan ng anak na nagtutulak ng grocery cart. Ang isang larawan ay kuha nitong 2021 at ang isa naman ay noong 2-years-old pa lamang si Gummy.
Sa isang Smart Parenting article na lumabas noong 2019, ibinihagi ni mommy Tina Santiago-Rodriguez na base sa kaniyang karanasan, tulad ng sa ibang aspeto ng parenting, mahalaga ang pagkakaroon ng mahabang pasensya sa pagtuturo ng gawaing bahay sa anak.
Ani Tina, huwag agad magalit kung magkakamali o hindi agad makuha ng anak ang iyong pinapagawa. Ika niya, "allow margin for errors." Dagdag pa niya, maging generous pagdating sa pagbibigay ng papuri sa anak. Mahala rin daw na maramdam ng anak na na-a-appreciate mo ang kanilang effort tuwing tumutulong sa gawaing bahay.
Ibinahagi rin ni Tina ang useful tip na nakuha niya mula kay Dr. Mariano-Ligon: "When your child helps with chores, recognize the effort they put in, no matter how small it is. Knowing that you appreciate what they did will motivate them to do the chore again the next day."
4. Sotto Siblings
Going strong pa rin ang relationship ng celebrity couple na sina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa na mayroon nang limang anak. Mula noon, proud parents na sila dahil sa kasipagan ng mga anak. (Basahin dito)
Bukod sa paglilinis, maaasahan din sila sa pag-aalaga ng kanilang kapatid. Dahil dito thankful si Oyo Boy na may katuwang sila sa pag-aalaga kay Vittorio Isaac—si Ate Ondrea Bliss.
Hindi lang pagiging malilinis ang natutunan ng batang naturuan ng mga gawaing bahay. Ilang pag-aaral na ang nagsasabing isa sa mga susi upang maging matagumpay sa buhay ang paggawa ng mga bata ng household chores. Sinasabi kasi na ito rin ay paraan upang mabatid ng bata ang pagkakaroon ng informed deciosions at pagiging responsable at independent.
Isa mga nagsaliksik tungkol sa uganayan ng gawaing bahay at paglaking successful ay ang dating dean ng Stanford University at manunulat na si Julie Lythcott-Haims.
"If kids aren't doing the dishes, it means someone else is doing that for them...And so they're absolved of not only the work, but of learning that work has to be done and that each one of us must contribute for the betterment of the whole," paliwanag ni Lythcott-Haims sa isang TED Talk. (Mababasa dito ang iba pang payo ni Lythcott-Haims kung paano masisiguro na maging matagumpay sa buhay ang anak)
5. Elijah Roberto
1-year-old pa lang ang anak ni Miriam Quiambao noon na si Elijah ay may ideya na siya tungkol sa mga gawaing bahay. Bawat sulok talaga ay susuotan ni Elijah masiguro lang ang kalinisan ng bahay!
Isa sa mga pinakaepektibong paraan upang mahikayat ang anak na gawin ang isang bagay ay kung nakikita niya rin ang iba sa paligid na ginagawa ito. Kaya naman, kung nais na lumaking masipag at masinop ang anak, set a good for example for them mga nanay at tatay. Gawing whole family affair ang gawaing bahay. Sa ganito ring paraan at mas nagiging magaan ang gawain.
I-click dito para sa iba pang celebrity kids na good job sa mga gawaing bahay.