discipline,parenting,shame,parenting style,disiplina,People & Society,Family/Children,Genres,sc24,con-00390,lch-00390,pamamahiya sa bata,Pamamahiya Sa Bata, Kailangan Para Sa Disiplina?,Family/Children,People & Society,Genres,parenting,discipline,parenting style,shame,pamamahiya sa bata,disiplina,blurb
ParentingBig Kids

Pamamahiya Sa Bata: Kailangan Ba Para Madisiplina Ang Anak?

Tandaan na hindi pareho ang pamamahiya at pagdidisiplina. Alamin ang mga puwedeng gawin para madisiplina ang anak ng mabuti.
PHOTO BYADOBE

"Bahala ka diyan, napakakulit mo talaga."

"Wala ka nang ginawang tama. Salbahe ka."

"Buti pa ang kapatid mo, matalino!"

"Hindi ka na namin love ni Daddy kasi matigas ang ulo mo.”

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng pamamahiya sa bata. Mga linyang hindi maganda sa pandinig at mas nakasasama pa ng loob ng iyong mga anak kapag mayroong ibang mga taong nakaririnig. At tiyak na hindi nila ito madaling malilimutan.

Marami na ang nasabi tungkol sa pagdidisiplina sa mga bata. Bilang nanay, may mga pagkakataong may nasasabi kang hindi maganda sa anak mo at pinagsisihan mo sa huli. O di kaya hindi mo namalayang pamamahiya na pala ang iyong ginagawa.

Sisikapin nating maunawaan ang mga senyales, mga epekto, at kung paano maiiwasan ang pamamahiya sa bata o shaming.

Ano Ba Ang Ibig Sabihin Ng Pamamahiya O Shaming?

Ang shaming o pamamahiya sa bata ay ang mga kilos at pananalitang nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam ng bata sa kanyang sarili.

Sa maraming paraan ito nangyayari. Isa rito ang palagiang pang-iinsulto, pamamahiya, o pagkukumpara sa anak sa iba pang mga bata. Maaaring sadya ito o hindi. Ngunit ang impact o epekto nito sa anak ay talagang matindi at malala nang hindi nalalaman ng magulang kung gaano katindi at katagal bago mawawala.

Ayon sa mga eksperto, karaniwan ang pamamahiya sa bata dahil akala ng mga tao ay okay lang ito. Para sa kanila, katanggap-tanggap para sa iba dahil natural lamang na ituwid ang hindi magandang gawain ng mga anak.

Hindi rin ito restricted sa mapang-abusong mga pamilya. Nangyayari din ito sa mga maaayos ang pamilya at environment.

Mayroon ding mga magulang na gumagawa nito kapag sila mismo ay dumaranas ng pagka-overwhelm, pagkairita, o dismaya.

RELATED: Parents Are Humans, Too: How To Manage Our Own Emotions

Dahil gusto nilang nakokontrol nila ang kanilang mga anak, ginagawa nila ang pamamahiya sa bata.

Paliwanag ng Harvard Medical School, makapangyarihan ang pananalita at paraan ng pakikipag-usap ng magulang sa anak kung kaya’t kailangang maging maingat sa binibitiwang mga salita.

watch now

Mga Senyales ng Pamamahiya sa Anak

Ilan lamang sa mga senyales ng pamamahiya ang sumusunod:

  • Negatibong Paraan ng Pagbibigay ng Feedback
  • Pamamahiya sa Pampublikong Lugar
  • Hindi Pagpapakita ng Pagmamahal o Malasakit sa Anak (Affection)

Mainam matukoy ang mga ito upang agad na matugunan ang isyu.

Kung minsan, hindi talaga makakayanan ng isang bata na baguhin ang bagay na gustong baguhin sa kanya ng kanyang mga magulang.

Mas lalong hindi madaling baguhin ang hitsura. Isa ang body-shaming sa ginagawa ng mga magulang na akala nila normal lang.

Halimbawa, hindi naman lahat ay athelete na top student pa. Hindi rin madaling makisalamuha kung introvert ang bata. May mga bata ring mas sensitibo kaysa sa iba.

Kasama rin sa pamamahiya sa bata ang sumusunod:

  • paraan ng pananamit
  • mga kaibigan

Mga Epekto ng Pamamahiya sa Anak

Posibleng maramdaman ng iyong mga anak na hindi nila kayang ma-please ka o maging proud ka sa kanila.

Kapag ang sariling pamilya na kasi ang nagsasabi ng hindi magagandang mga bagay tungkol sa bata, posibleng mga epekto ng pamamahiya ang pagkasira ng self-esteem at pagbaba ng kumpiyansa sa sarili.

Mahalaga ang self-awareness sa pagiging magulang. Marunong ka rin dapat magnilay muna bago ka magsalita.

Halimbawa:

Ang bagay bang pinupuna ko ay madali para sa kanila na baguhin?
Mababago nga ba ito? Mahalaga bang baguhin nila ito?

Natural lamang na gabayan ang mga bata ngunit hindi hanggang sa puntong kokontrolin na sila sa paraang nais nating mangyari para ang mas nakatatanda ang laging tama at nasusunod.

Maging tapat din sa iyong sarili dahil kung hindi naman posibleng magawa ng iyong anak ang hitsura niya at pananamit, halimbawa, hindi mo ito dapat gawing isyu sa pagitan ninyong dalawa.

Isipin din kung ang lugar at oras kung nasaan kayo ay wastong lugar para sa pag-uusap? At kung papayag kaya ang iyong anak sa pagbabagong nais mo para sa kanya.

Paano Ba Makabubuo Ng Supportive At Mapagmahal Na Kapaligiran Para Sa Mga Bata?

Kung nag-iisip ka pa rin kung paano ba maiiwasan ang papamahiya sa bata, tandaan ang sumusunod na mga paalala ng mga eksperto:

Ang pagiging mindful at pagsisikap na mapalaki ang anak sa maayos, payapa, at mapagmahal na tahanan ang isang malaking hakbang para maiwasang mapahiya siya sa sarili at sa harap ng ibang mga tao.

Tips para maiwasan ang pamamahiya ng anak

Narito ang ilang tips upang maiwasan ang shaming:

1. Pagkakaroon ng positibong disposisyon

Nakatutulong ang pagsasabi sa anak ng kanyang mabubuting katangian. Kapag nakita mo ring nagsikap siya, anoman ang kinahinatnan nito, malaking bagay na ipaalam sa kanyang nagtagumpay siya.

Kahit maliit lamang ang kanyang nagawa, malaking bagay sa kanya ang papuri at positive affirmations mula sa iyo.

2. Maging maingat sa pananalita.

Mag-isip muna bago magsalita. May epekto lahat ng sinasabi mo sa self-esteem ng iyong anak.

3. Iwasan ang pagkukumpara.

Ang bawat bata ay naiiba sa kanyang mga kapatid. Hindi makatutulong kung palaging mayroon kang pinapaborang isang anak at naikukumpara ang bawat isa. Mas mainam kung makapagbibigay ka ng papuri sa kanilang positibong katangian at mga kakayahan.

4. Igalang ang kanilang mga nararamdaman.

Makabubuti kapag marunong kang makinig. Huwag mo ring balewalain ang kanilang nararamdaman.

5. Maging positibong role model.

Dapat makita ng iyong anak na mayroon ka ring mabuting puso. Halimbawa, magalang ka sa kapwa at mayroong malasakit sa iba. Ipakita rin sa anak na kaya mong tumanggap ng pagkakamali at bumangon mula rito.

6. Lumikha ng safe spaces at mga paraan upang magkaroon ng bukas na komunikasyon sa isa't isa.

Hindi naman maikakailang mahalaga sa magulang ang kanyang anak. Lahat ay gagawin para maalagaan at mabigyan sila ng magandang buhay.

Tinutulungan din ng magulang ang anak para maging masaya at lumaking may kumpiyansa sa sarili.

Ngunit tulad nga ng tinalakay na natin sa artikulong ito, kailangang maging maingat dahil baka sa sobrang paghihigpit ay pamamahiya sa bata na rin pala ang nagagawa, mapatunayan lamang na tama ka at wasto ang pagpapalaking ginagawa mo para sa kanila.

Payo ng Parent Allies, mas mainam kung may support group o ibang mga tao kang makakausap kapag may nakikita kang nakadidismaya sa iyong anak. Kailangang makisangkot na ang lahat sa pagpapahalaga sa mga bata at pagkilala sa kanilang natatanging mga katangian. Paraan din sa paggalang sa kanilang mga karapatan ang hindi pamamahiya sa kanila, anomang puna natin sa kanilang pag-uugali at mga gustong gawin.

Bilang magulang, malaki ang papel na ginagampanan mo sa buhay ng iyong anak. Natural lamang na gabayan ang mga bata ngunit hindi hanggang sa puntong kokontrolin na sila sa paraang nais nating mangyari para ang mas nakatatanda ang laging tama at nasusunod.

May impact sa kumpiyansa sa sarili ang paraan ng pagpapalaki mo sa kanya.

Mainam ding pag-aralan at maunawaan ang mga senyales, epekto, at paraan ng pag-iwas sa pamamahiya sa bata upang hindi maging biktima nito ang iyong anak.

Malaking tulong din kung ang anak mo ay lumalaki sa environment na mayroong pagmamahal, pagtanggap, at pag-unawa. Tandaang magkaiba ang pamamahiya at pagdidisiplina.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor?

Kung palagay mo kailangan pa ng iyong anak ng tulong mula sa propesyonal o doktor, huwag nang magdalawang-isip pa.

Lumapit na sa therapist o guidance counselor para sa agarang ebalwasyon at gabay.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close