cyberbullying,con-00391,sc24,lch-00391,proteksyon laban sa cyberbullying,Cyberbullying: Komprehensibong Gabay | Smart Parenting,Violence & Abuse,Sensitive Subjects,Family & Relationships,People & Society,Family and Relationships,violence against women,domestic violence,Heto ang komprehensibong gabay para sa mga magulang kung nakakaranas ng pambubully online o cyberbullying ang inyong anak.
ParentingBig Kids

Anong Dapat Gawin Kung Binubully Ang Anak Mo Online?

Narito ang mga dapat gawin para mabigyan ng proteksyon laban sa cyberbullying ang iyong anak.
PHOTO BYADOBE STOCK

Mulat at malay na ang mga bata sa kasalukuyang panahon tungkol sa mga kaya nilang gawin gamit ang internet. Mas mataas na antas ng teknolohiya na rin ang kanilang nakalakhan. Kasabay nito ang pagtaas din ng panganib ng cyberbullying. Ano ba ang proteksyon laban sa cyberbullying na dapat malaman ng mga magulang na katulad mo? Bilang magulang, mahalagang alamin ito, kung bakit ito nangyayari sa mga bata at kung paano ito maiiwasan at/o masusugpo.

Ano ang cyberbullying?

Ang social media, text messages, at online forums ang ilan lamang sa platforms kung saan nangyayari ang cyberbullying. Paliwanag ng UNICEF, ang cyberbullying o pambubulas online ay pangha-harass, pang-i-intimidate, at pagpapahiya sa isang tao.

Ang pambubulas o bullying ay karaniwang face-to-face ngunit sa mga virtual na espasyo naman ang cyberbullying. Puwede itong gawin ng taong hindi mo talaga kilala o anonymous dahil ayaw magpakilala.

Ilan pa sa mga halimbawa nito ang sumusunod:

  • Pagkakalat ng mga hindi totoong impormasyon tungkol sa biktima
  • Pagkakalat ng mga retrato o bidyo ng biktima sa social media
  • Pagpapadala ng nakasasakit, mapang-abuso, nananakot na mga mensahe, larawan, o bidyo gamit ang iba’t ibang messaging platforms
  • Paggaya sa isang tao at pagpapadala ng hindi magagandang mensahe sa iba nang nagpapanggap o gumagamit ng fake accounts.

Bakit nangyayari ang cyberbullying?

Ilan sa itinuturong mga dahilan ang sumusunod:

Normal sa mga bata na maghanap ng mga taong makasusundo nila at matatawag na kaibigan o kabarkada. Gusto nilang maramdaman na bahagi sila ng isang grupo. Kaya kung minsan kahit hindi maganda ang ginagawa ng mga kaibigan, sumasama sila sa mga ito para hindi sila “left-out” o tatanggalin na lang din sa grupo.

Sa social media, kapansin-pansin ding mas lumalakas ang loob ng ibang tao na mambash o mambully dahil hindi naman nila ginagamit ang kanilang tunay na pangalan sa kanilang account at posts. Naglipana rin ang troll accounts. Kaya tandaang ang cyberbullying ay maaaring gawin ng kakilala at ng mga hindi kakilala. Puwede rin itong kilala na ng iyong anak pero nagtatago sa pekeng account.

watch now

Mga Senyales ng Cyberbullying

Paano ba matutukoy kung ikaw o isang taong malapit sa iyo ay biktima ng cyberbullying?

Narito ang mga senyales:

  • Biglaang pagbabago sa mood
  • Ayaw nang gumamit ng gadgets o electronic devices
  • Withdrawal sa social activities
  • Bumababa o bumabagsak ang mga marka sa paaralan

Bukod sa mga senyales na nabanggit, narito ang iba pang mga epekto ng cyberbullying ayon sa UNICEF:

  • Pakiramdam mo inaatake ka mula sa iba't ibang paraan at sitwasyon
  • May pakiramdam na hindi ka ligtas kahit sa sariling bahay
  • Pakiramdam ng napapahiya, pakiramdam na mangmang ka, takot, galit, pinagtatawanan
  • Nahihiya, nawawalan ng gana sa mga bagay na dati mong gusto
  • Pakiramdam na labis kang pagod, hindi makatulog, masakit ang ulo at tiyan

Dahil sa magkakahalong epektong ito, mayroong mga biktima ng pambubulas na hindi na rin nagsasalita o nagsasabi sa iba tungkol sa kanilang pinagdaraanan

Ang nakalulungkot, may mga kaso kung saan ang ilang biktima ay namamatay dahil sa suicide o pagpapatiwakal.

Mga Dapat Tandaan ng mga Magulang

Tandaang mahalagang bukas ang komunikasyon ninyo ng iyong anak sa isa’t isa para magkaroon din siya ng lakas ng loob na magsabi sa iyo tungkol sa kanyang pinagdaraanan. Iparamdam mo sa kanyang ikaw ay safe space niya. Malaking tulong din ang pagmo-monitor sa kanyang online activities.

Narito ang ilang hakbang na makatutulong:

1. Ituro sa iyong anak kung ano ang cyberbullying.

Kasabay ng pagtuturo tungkol sa pagiging responsable sa paggamit ng internet, mahalagang ituro na rin sa kanya ang mga panganib o risks na dala nito.
Kailangan niyang matutuhan ang kahalagahan ng online safety at pagiging tapat at mabuti sa pakikitungo sa iba, online man o offline.

2. Mag-set ng malinaw na boundaries sa paggamit ng internet.

Limitahan dapat ang screen time at i-check ang online activity niya. Kailangan ding maging mapanuri ang anak sa mga bagay na kanyang pino-post online. Paalalahanan din siyang maging magalang sa pakikitungo sa iba, magkaiba man sila ng opinyon o mga paniniwala.

Alam na rin dapat ng iyong anak na maaaring mag-report ng cyberbullying sa platforms na available online.

3. I-monitor ang kanyang online activity.

May nagagamit na parental control na software upang hindi niya ma-access ang mga hindi pambatang content at upang makita na rin ang kanyang mga ginagawa online. I-check din ang browsing history, text messages, at iba’t ibang social media accounts.

4. Hikayatin ang positibong behavior ng anak.

Ipaliwanag sa kanya na importanteng makabuo siya ng maayos at healthy relationships sa kanyang mga kaklase, kaibigan, at contacts online.

Maaari na rin ditong ipasok na kailangan niyang piliin ang susubaybayan niyang content creators, halimbawa. Kung ang mga ito ba ay mabuti ang naidudulot sa kanya. Kung hindi, hindi niya rin kailangang mag-follow sa mga ito dahil lang sa sikat o gusto rin ito ng kanyang mga kaibigan.

Anong dapat gawin kung nakakaranas ng cyberbullying ang anak?

Narito ang mga dapat gawin sakaling nakararanas ng cyberbullying ang iyong anak:

Kung sa palagay mo’y biktima siya ng pambubulas online, ito ang mga hakbang ng proteksyon laban sa cyberbullying.

1. Kausapin mo ang iyong anak at iparamdam sa kanyang nandiyan ka lamang para makinig at sumuporta.

2. Makipag-ugnayan agad sa kanyang guro kung ang nambubully ay kaklase o kamag-aral. Ihanda ang mga patunay o evidence ng cyberbullying.

3. Ihanda ang screenshots ng mga mensahe, posts, at iba pang maaaring ipakita sa mga guro, principal, at iba pang awtoridad.

4. Ipaliwanag sa kanya kung bakit kailangang i-block at i-unfriend na lamang ang taong nambubulas sa kanya. Maiiwasan din kasi na mas lumaki pa ang problema at para hindi na rin siya makabasa ng iba pang sinasabi nito online.

5. Ipaliwanag sa anak na hindi na niya kailangang gantihan ang nambubully sa kanya.

6. Kung kinakailangan, humingi na rin ng tulong sa mga mental health professionals para mabigyan siya ng wastong gabay at payo.

7. Sakaling may kasamang pananakot (threats of violence at ibang criminal behavior), agad na ring magtungo sa mga pulis para i-report at ipa-blotter ito.

Hindi maitatangging napakadali na lang din ng buhay ngayon sa tulong ng teknolohiya at internet. Ngunit hindi rin biro ang mga bagay kung saan exposed na ang mga bata sa murang edad.

Bilang mga magulang at pangunahing tagapag-alaga nila, mainam na maunawaan ang proteksyon laban sa cyberbullying at mga batas kaugnay nito. Ang pagiging alerto at mapagmasid (observant) ay malaking hakbang din upang agad na maiwasan at/o matulungan ang anak sakaling kakikitaan siya ng senyales ng pagiging bullied.

Alamin ang mga emojis na kadalasang pinadadala ng mga sexual predators sa mga bata online. Basahin dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close