-
Step-By-Step Guide: Paano Gamitin Ang DepEd Commons At Anong Makikita Dito
Walang bayad ang paggamit nito—ano man ang internet o data provider ninyo.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Marso ngayong taon nang inilunsad ng Department of Education ang kanilang online learning portal na DepEd Commons. Isa ito sa mga nakikita nilang paraan para solusyunan ang pagsasara ng mga paaralan dahil sa banta ng COVID-19.
May bayad ba ang paggamit ng DepEd Commons?
Taliwas sa alam ng nakararami, walang bayad ang paggamit ng DepEd Commons. Kamakailan ay mas pinaigting nila ang pagpapakalat ng impormasyon na libre ito para sa mga Globe at Smart subscribers.
"We believe that technology and education are equalizers of opportunities," sabi ni PLDT CRO and Smart President Al Panlilio, sa isang press release mula sa PLDT. "With digital learning becoming more mainstream given the COVID-19 pandemic, online teaching has come to the fore, changing the local educational climate and norms of teaching forever," dagdag pa niya.
Paano ito gamitin?
1. Puntahan ang link na ito: https://commons.deped.gov.ph/
2. Piliin ang school type at ilagay ang school ID o pangalan ng paaralan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPHOTO BY DepEd CommonsSiguraduhing tama ang spelling ng pangalan at lokasyon ng paaralan ng mga anak mo para lumabas ito sa mga pagpipilian. Payo ng DepEd sa kanilang user guide, makakatulong kung ilalagay mo ang buong pangalan ng paaralan.
3. Pagkatapos mong i-save ang paaralan, pangalan, at email address ninyo, makakapasok ka na sa website at pwede ka nang pumili ng grade level.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPHOTO BY DepEd CommonsWhat other parents are reading
4. Kapag na-click mo na ang grade level, lalabas na ang mga resources na mayroon para sa grade na iyon. Ang bilang na nakikita mo sa tabi ng kategorya ay indikasyon kung ilang resources ang mayroon sa website.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNarito ang mga aralin na mayroon para sa mga kindergarten students.PHOTO BY DepEd Commons5. Piliin ang aralin na gusto mong ituro sa mga anak mo.
Siguradong maeengganyo sa kanilang mga aralin ang mga anak mo dahil naka-format bilang mga laro ang mga pagsasanay.PHOTO BY DepEd CommonsADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroong mga presentations at ang mga pagsasanay ay naka-format bilang mga laro para mas nakakaengganyo sa mga bata.
Nakalagay sa isang Google Drive ang mga aralin, habang talaga namang nakakaaliw ang mga laro (sinubukan namin!).
PHOTO BY DepEd CommonsMayroon ding 'scores' at 'leaderboard' kaya talaga namang nakakaaliw ang mga games.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNakakaaliw ang memory game na ito na kasama ang mga bagay na nagsisimula sa letrang A.PHOTO BY DepEd CommonsDito mo makikita kung ilang points na ang naipon ng anak mo.PHOTO BY DepEd CommonsADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHabang wala pang kasiguraduhan ang mga susunod na mangyayari sa ating bansa at sa buong mundo dahil sa COVID-19, mukhang online classes, online learning, at video call classes na ang magiging 'new normal'.
Sa katunayan, maging ang mga binyag at kasal ay naidaraos na rin ngayon online. Hindi madali ang mga adjustments na ito ngunit sadyang maparaan lang talaga ang mga tao. Hahanap at hahanap tayo ng paraan para kahit papaano ay bumalik sa normal ang ating mga buhay.
Nasubukan niyo na bang gamitin ang DepEd Commons? Kumusta ang experience ninyo? I-share niyo lang iyan sa comments section.
Para sa iba pang mga kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.
What other parents are reading

- Shares
- Comments