embed embed2
  • 10 Paraan Para Matulungan Ang Anak Na May Autism Na Makakain Nang Tama

    Kailangan munang matugunan ang problema sa picky eating, ayon sa mga eksperto.
    by Jocelyn Valle . Published Nov 25, 2021
10 Paraan Para Matulungan Ang Anak Na May Autism Na Makakain Nang Tama
PHOTO BY Shutterstock
  • May mga batang mahirap pakainin, at problema ito dahil nalilimitahan ang nakukuhan nilang nutrisyon para sa kanilang paglaki at paglago. Kaya malaki itong hamon lalo sa mga magulang ng mga batang may autism o autism spectrum disorder (ASL).

    Pero bago ang lahat, kailangan mo munang malaman ang dahilan ng pagiging pihikan o picky eater ng anak. Ito ang sabi ni Stephanie Lee, PsyD, isang clinical psychologist, sa artikulo ni Juliann Garey sa Child Mind Institute.

    Maaari raw kasing may iniinda ang bata na sakit sa tiyan, o gastrointestinal (GI) problems, sabi naman ni Dr. Joseph Levy, isang pediatric gastroenterologist, sa parehong artikulo. Hindi lang daw masabi ng bata ang nararamdaman, kaya nauuwi sa tantrum ang pagpilit sa kanyang kumain.

    Kabilang sa common GI issues ang mga sumusunod:

    • Acid reflux
    • Constipation
    • Eosinophilic esophagitis (EoE), na isang allergic swallowing disorder
    • Diarrhea

    Isa pa raw dahilan kung bakit mahirap pakainin ang bata ay ang nakasanayan niyang pagu-ugali sa hapag-kainan. Ilan sa mga iyan ang mga sumusunod:

    • Pagkagusto sa isang klaseng pagkain lang, tulad ng creamy o di kaya crunchy
    • Hirap sa pagnguya dahil nasanay kumain ng malalambot lang na pagkain
    • Hindi mapakali sa kinauupuan at nagtatapon ng gamit

    Mga paraan para matulungan ang anak na kumain nang tama

    Totoong maraming pangangailangan ang batang may austism, at minsan hindi nabibigyan ng kaukulang atensyon ng kanyang magulang ang nutrisyon. Ang nangyayari raw tuloy, ibinibigay na lang ng magulang kung ano lang ang gusto ng kainin ng anak.

    May mga suhestiyon ang mga eksperto na puwedeng gawin para maenganyong kumain ang bata.

    Alamin ang priority

    Imbes daw na pagsabay-sabayin ang goals, mainam na paisa-isa na lang muna. Puwedeng unahin na madagdagan ang kinakain ng bata o di kaya ang mga klase ng pagkain na kinakain niya. Puwede ring iyong mapirmi siya sa upuan habang kumakain.

    Hinay-hinay muna

    Okay lang daw na magsimula sa paunti-unti kesa biglain ang anak. Kalaunan daw ay matututo at masasanay siya, kaya konting pasenya pa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag masyadong itulak ang bata

    Kung sumubok ang anak na kumain ng isa o dalawang subo ng bagong pagkain, at umayaw na siya. Huwag na raw pilitin dahil ang mahalaga, nasubukan niya. Baka raw sa susunod na pagkakataon, mas maraming subo na ang gawin ng bata.

    Magsimula sa level ng bata

    Mainam na alamin muna ang kakayahan ng bata at iwasan na isunod sa gusto mo.

    Gawing klaro ang expectations mo

    Mahalaga rin na alam mo ang gusto mong ma-achieve nang masabi mo rin sa bata ang dapat niyong mapuntahan.

    Bigyan ng praise ang bata

    Sa tuwing susubok ng bagong pagkain, halimbawa, sabihan mo ang anak na "good job" siya.

    Maging consistent, persistent, at patient

    Tunay na hindi madali ang lahat, pero malaking tulong para sa inyo ng anak kung hindi ka susuko at magpapatuloy lang.

    Maging modelo sa anak

    Malaking tulong din daw na tamang pagkain din ang kinakain mo para pamarisan ka ng anak.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Maging handa sa temper tantrum

    Hindi rin madali para sa anak na sumubok ng bagong pagkain at kumain pa. Kaya hindi maiiwasan na mag-tantrum siya.

    Gumawa ng food journal at poop journal

    Para mas masubaybayan ang progress ng anak, makakatulong kung isusulat mo sa notebook o sa laptop ang mga observation mo.

    Basahin dito para sa sensory-friendly activities na puwedeng gawin sa bahay.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close