-
Distance Learning Bloopers! 13 Nakakatawang Photos Ng Mga Estudyante Sa New Normal
Patunay ang mga larawan na ito na naninibago pa nga ang mga bata sa bagong paraan ng pagpasok sa eskwela.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Setyembre noong nakaraang taon, puspos sa pag-aaral ang mga estudyante. Excited din ang marami noon para sa holiday break. Sinong mag-aakala na isang taon lang ang lilipas ay napakalaki na ng ipagbabago ng lahat?
Setyembre ngayong taon, enrolled na ang mga bata sa online schools at sa bahay na lamang gaganapin ang mga klase. Distance learning na ang mga bata. Webcam, headset, laptop, at stable na internet access na ang ihinanda ng mga magulang, kumpara sa dating binibili nila na notebooks, bags, at iba pang school supplies.
Hindi naman nakapagtataka na naninibago ang mga bata sa bagong paraan ng pag-aaral ngayon. Naging challenging ito sa marami, lalo na sa mga batang nasubukan nang pisikal na pumasok sa paaralan.
Nakuhanan ng litrato ng mga nanay at tatay ang paninibago ng mga anak nila. Narito ang ilan sa mga nakakatawang distance learning bloopers na ipinadala sa amin ng mga miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.
'Yung kakaumpisa pa lang ng klase, handa ka na agad para sa recess. LOL!PHOTO BY courtesy of Aisa Cedula TaboraADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW'Yung gustong-gusto mong mag-aral pero nahihiya kang humarap sa camera!PHOTO BY courtesy of Che Luares DelosReyesKwento ni mommy, may importanteng meeting si daddy sa kabilang kwarto kaya dito muna sa banyo mag-oonline class si bulilit. Game na game naman siya at ang galing pa ngang sumagot kay ma'am!PHOTO BY courtesy of Din Real BautistaCONTINUE READING BELOWRecommended VideosTaas ang kamay para makapag-recite! Taas ang paa para relax!PHOTO BY courtesy of Fianne Villanueva-Reyes'Yung may event sa online class kaya formal ka sa taas, pero pajama sa baba! LOL!PHOTO BY courtesy of Fianne Villanueva-ReyesChill muna si mommy habang homeschooling ang kids!PHOTO BY Grace Ann ArangosoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWFirst day of school! Sabi ni mommy. Ayaw daw magpakita sa camera ni baby.PHOTO BY courtesy of Jenalyn RamiloKailangan gising na gising! Kung hindi, patay tayo kay mommy! HAHA!PHOTO BY courtesy of Jenny Castillo Acedera'Yung si ate pa lang ang pumapasok pero nakiki-extra si bunso.PHOTO BY courtesy of Kharren Gregorio MagnayeADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi lang si bunso ang nakikigulo. May pets din!PHOTO BY courtesy of Princess HannahLow bat na ako, Ma!PHOTO BY courtesy of Tere Piso LeePahinga muna ng mata, ma'am!PHOTO BY Vanessa De Guzman RiveraADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNapakalaking pagbabago talaga ng nangyayari sa atin ngayon kaya naman hindi natin masisisi ang mga anak natin sa mga pinaggagagawa nila habang ongoing ang kanilang mga online classes.
Ang nakakabilib ay ang mga teacher nanay, teacher tatay, at sa mga gurong patuloy na naghahanap ng paraan para maipagpatuloy ang edukasyon ng mga bata sa kabila ng lahat ng mga pinagdadaanan natin ngayon.
P.S.
Ang mga batang ito ay excited mag-aral at talaga namang pursigidong makapasa sa school year na ito. Nahuli lang talaga sila nina mommy at daddy sa kanilang mga munting kalokohan.Mayroon ka rin bang mga ganitong litrato at gusto mo ring ma-feature sa Smart Parenting? Ipadala mo lang ang mga ito sa aming email address na smartparentingsubmissions@gmail.com.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments