-
Ito Ang Mga Sangkap Sa Isang Matagumpay Na Distance Learning Program
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Sinong mag-aakalang darating ang panahon na pwede nang makatapos ng pag-aaral ang mga bata nang hindi lumalabas sa kanilang mga tahanan.
Naging posible ito dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at pagdami ng mga inobasyong nagbibigay ng pagkakataon sa mga bata na matuto nang hindi pumapasok sa paaralan.
Ano ang distance learning?
Ang distance learning, ayon sa Merriam-Webster ay isang paraan ng pag-aaral kung saan ang mga guro at mag-aaral ay hindi na nagkikita sa loob ng silid-aralan. Sa halip, internet, e-mail, video conferencing apps, at online modules na ang gagamitin para mag-aral.
Noon pa ma'y mayroon nang ganitong uri ng pag-aaral, ngunit mas naging kilala pa ito ngayon dahil mas marami nang pumipili sa mga distance learning programs.
Maraming iba't-ibang uri ng distance learning. Dito sa ating bansa, ang dalawang pinakakilala ay ang tinatawag na synchronous distance education at asynchronous distance education.
Ang synchronous distance education ay nangangailangan ng live communication sa pagitan ng guro at mag-aaral sa pamamagitan ng mga teleconferencing apps o video calls.
Samantala, ang asynchronous distance learning program naman ay binubuo ng mga assignments, modules, at mga proyektong mayroong weekly deadlines. Ibig sabihin, may kalayaan ang estudyante na mag-aral kung kailan, saan, at paano niya gusto.
Alin man sa dalawa ang piliin mo para sa mga anak mo, ang mahalaga ay nakukuha nila ang kalidad ng edukasyon na gusto mo para sa kanila.
Hindi ka makapili? Makakatulong kung alam mo ang tinatawag na learning styles ng mga anak mo. Hirap ba silang maupo nang matagal at makinig sa guro na nagsasalita o nage-explain? Baka mas matuto sila sa asynchronous distance learning program.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung mas nawiwili naman silang mag-aral kapag may gurong gumagabay sa kanila, mas makakabuti para sa kanila ang synchronous distance education.
Mga distance learning programs sa Pilipinas
Alam mo bang 2011 pa lang ay mayroon nang distance learning program dito sa ating bansa? Oktubre 2011 nang ilunsad ng Department of Education's Bureau of Secondary Education and kanilang Internet-based Distance Education Program o iDEP at ang Open High School Program o OHSP.
Ito ang nakitang paraan ng kagawaran para mabawasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga high school dropouts sa Pilipinas.
Marso naman ngayong taon nang ilunsad ng DepEd ang DepEd Commons. Ito ay isang online platform na hitik sa mga resources na magagamit ng mga mag-aaral mula kinder hanggang Grade 10.
Makikita rito ang iba't-ibang learning modules, stories, games, at iba pang makakahikayat sa mga bata para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral kahit nasa bahay lang.
Bukod pa sa DepEd Commons, marami pang mga websites at online sources ang pwedeng pagkuhanan ng mga aralin, kwento, at modules na pwede mong gamitin sa mga anak mo. Idinetalye namin ang mga ito sa isang nauna nang Smart Parenting article.
Ilan sa mga malaki ang maitutulong sa iyo ay mula mismo sa mga educators at learning advocates. Kabilang dito ang mga sumusunod:
Commons PH
Isa itong Facebook group kung saan ka makakakuha ng libreng learning materials para sa iba't-ibang mga subjects ng preschoolers pataas.
Vibal
Dito ka naman makakakuha ng mga activity sheets, test booklets, at maraming mga reading materials at supplementary activities na hindi lang kapupulutan ng aral ng mga anak mo—mae-enjoy din nila.
CONTINUE READING BELOWwatch nowGrow@Beanstalk
Para naman ito sa mga magulang na maliliit pa ang mga anak ngunit gusto nang simulan ng paunti-unti ang pag-aaral. Marami silang mga activity resources para sa mga sanggol hanggang pre-nursery.
Ano ang mga kailangan para sa isang matagumpay na distance learning program?
Kamakailan ay ipinasilip ng DepEd kung ano nga ba ang maaaring maging itsura ng distance learning para sa mga bata sa mga public schools. Lumalabas na may ilang mga basic na pangangailangan para maging matagumpay ang isang distance learning program.
Stable na internet access
Isa sa mga maaaring maging hadlang para maging matagumpay ang isang distance learning program ay kung wala kayong maayos at stable na internet access.
Importante ring mayroon kayong backup na internet para kung sakali mang maputol ang inyong main source ay pwede mo itong palitan ng backup—hindi mahihinto ang pag-aaral ng anak mo.
Kumpletong learning modules
Kung walang magiging guro (asynchronous) ang anak mo, mahalagang akma sa edad niya at sa learning needs niya ang mga modules na mayroon siya o bibilhin mo para sa kanya.
Kung may provider kayo ng mga learning modules, mas madali. Ngunit kung wala, kailangan mong kumonsulta sa mga learning experts o educators kung ano ang curriculum na dapat mong sundin para sa mga anak mo.
Maayos na schedule
Karamihan sa mga distance learning programs ay nagtatalaga ng dalawang oras kada isang araw para sa pag-aaral. Pwedeng pumili ang mga magulang sa mga oras tulad ng 8AM to 10AM, 9AM to 11AM, at iba pa.
Kung wala ka pang distance learning schedule, pwede mong sundan itong ibinahabi ni teacher Fatie Robles ng Bagumbayan Elementary School.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW9-9:15 a.m.
Greetings/prayers. Songs/checking weather, date, exercise9-9:25 a.m.
Free Play9:25-9:55 a.m.
Literacy Activities like reading9:55-10:10 a.m.
Snack Time10-10-10:40 a.m.
Numeracy Activities10:40-10:55 a.m.
Story Time10:55-11:00 a.m.
Clean-up timeIlan lamang ang mga ito sa mga sangkap na maaaring makatulong para mas maging matagumpay ang distance learning program na pipiliin mo para sa mga anak mo.
Ang kagandahan ng distance learning, pwede mo itong i-customize base sa schedule ninyong mag-anak at sa pangangailangan ng mga anak mo.
Ikaw, paano mo inayos ang distance learning program ng mga anak mo? Ibahagi mo ang inyong schedule at ang iyong techniques sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments