-
Mas Maganda Nga Ba? Ano Ang Blended Learning Approach At Paano Ito Gawin
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Maraming nagbago sa paraan ng pag-aaral ngayon dahil na rin sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at sa mga nangyayari sa buong mundo pagdating sa usaping pangkalusugan.
Kung noon ay homeschooling at traditional schooling lang ang pagpipilian ng mga magulang, ngayon ay mayroon na ring distance learning at blended learning approach.
Ano ang blended learning approach?
Ang blended learning approach ay kahit anong education strategy na pinaghahalo ang mga digital at traditional na paraan ng pagtuturo. Ibig sabihin, magkahalo ang mga online activities, webinars, at modules para turuan ang mga mag-aaral.
Ayon sa mga pag-aaral, epektibo at nakakatulong ito sa tinatawag na long-term information retention ng mga estudyante o ang kakayahan nilang panatilihin sa isip nila ang mga natutunan nila.
May dalawang paraan sa pagpapatupad ng blended learning approach. Isa ang paghahalo ng pag-aaral sa online at physical classrooms samantalang ang isa ay purong online lang gamit ang mga instructional videos at mga interactive tools.
Ano ang kaibahan ng blended learning approach sa eLearning?
Ang eLearning ay binubuo lamang ng mga webinars at mga learning resources na pwedeng i-access ng mga estudyante online.
Samantala, ang blended learning approach naman ay binubuo ng pinagsamang webinars, online modules, at instructor-led na pag-aaral. Kabilang din sa blended learning approach ang mga printed at offline modular learning, pati na rin ang television at radio-based na pagtuturo.
Ano ang kagandahan ng blended learning approach?
Ayon pa sa mga eksperto, nakapagbibigay ang blended learning approach sa mga estudyante ng pagkakataon para maging aktibo sa mga interaksyon, hindi lang sa mga kapwa nila estudyante kundi pati na rin sa kanilang mga kaklase.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagiging mas interactive din ang pag-aaral dahil nabibigyan ang mga guro ng pagkakataong makagawa ng mga araling engaging at masaya. Makakapamili ang mga guro sa pagitan ng mga interactive activities tulad ng mga talastasan, debate, at maging mga oral presentations.
Mas flexible din ang schedule ng mga mag-aaral na sumusunod sa blended learning approach. Dahil ang ilang aralin ay online, pwedeng pagtuunan ng pansin ang mga ito depende sa oras na pinaka akma sa kung anong mayroon ang estudyante.
Mas naiaakma rin ng mga guro ang mga itinuturo nila kapag blended learning ang approach. Halimbawa, ang mga pagpapakilala sa sarili at ang mga diskusyon na kailangang ng matalinong debate ay pwedeng gawin nang harapan o face-to-face. Samantalang ang pagtalakay ng mga course informations o ang pag-aaral tungkol sa mga basahin ay pwede nang gawin online.
Maging ang mga quizzes at exams ay iba rin sa blended learning approach. Ang ilang mga guro ay mas pinipili ang mga talastasan at presentations bilang exams ng mga bata, samantalang ang iba naman ay nagpapa-essay.
Paano umpisahan ang blended learning approach?
I-evaluate ang iyong mga resources
Kailangan mo ng maayos na internet connection at laptop na may magandang specification para maging matagumpay ang paglipat ninyo sa blended learning.
Importante rin na mayroon kang mga basic school supplies tulad ng notepad, papel, at mga panulat.
Pumili ng class syllabus na akma sa pangangailangan ng mga anak mo
Payo ng mga eksperto, mahalaga na akma sa blended learning syllabus ninyo ang mga resources na mayroon kayo at pwede ninyong gamitin.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMakakahanap ka ng mga paaralang nag-ooffer ng blended learning approach sa SP Classroom.
Bagaman maraming mga pagbabagong nangyayari sa mga paraan ng pag-aaral ngayon, hindi nangangahulugang hindi na magkakaroon ng pagkakataong matuto ang mga bata. Sa katunayan, mas dumami pa nga ang paraan nila para matuto ngayon dahil marami nang pagpipilian.
Bukod pa riyan, maganda rin sa mga magulang at mga estudyante na makakapili kayo ng paraan ng pag-aaral na akma sa inyong family schedule at routine. Sa ganitong paraan, hindi makokompromiso ang pag-aaral ng mga bata at ang pagtatrabaho ng mga magulang.
Iniisip mo bang gamitin ang blended learning approach para sa mga anak mo? I-share mo na ang iyong plano sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments