-
Tulong Para I-Accelerate Ang Reading Skills Ng Iyong Anak (P5,000 For 2 Months)
Makakatulong ito para matutukan ang mga kailangan ng anak mo pagdating sa pagbabasa.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Ngayong araw nga, April 21, binigyang daan ni presidential spokesperson Harry Roque si Mahar Lagmay, PhD., para ibahagi ang mga findings ng UP system patungkol sa mga nararapat na hakbang laban sa COVID-19.
Isa nga sa mga napag-usapan ay kung gaano kalaki ang maitutulong ng pagsuspindi ng pasok ng mga estudyante sa paaralan hanggang Disyembre ngayong taon. Ayon sa mga eksperto, kapag walang klase hanggang sa huling buwan ng taon, malaki ang mababawas sa transmission ng COVID-19.
Kung ganyan nga ang mangyayari? Paano ang pag-aaral ng mga bata?
What other parents are reading
Sa kasalukuyan, maraming mga magulang ang nag-iisip na ilipat sa homeschooling ang kanilang mga anak. Ngunit dahil hindi pa nila alam kung paano ito simulan, mas nag-fofocus sila sa paghahanap ng mga alternatibo. Kabilang riyan ang mga online learning portals at online tutorials.
Bukod sa online platform ng DepEd at iba pang mga learning centers, pwede mo ring i-enroll ang anak mo sa reading centers na may klase online.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsa na riyan ang i-Thinkers Learning Hub (Facebook: @ithinkershub). Ayon sa kanilang Facebook page, nagsasagawa sila ng Prescriptive Child Assessment para makita kung nasaan na ang anak mo pagdating sa kanyang reading skills, cognitive abilities, at social and emotional skills.
Layunin ng i-Thinkers Learning Hub na tulungan ang mga bata para mas bumilis ang kanilang pag-iisip, mas humaba ang kanilang attention span, mas tumalas ang kanilang memory, at mas maging magaling at mabilis silang mag-isip.
Ayon sa kanila, pwede mo itong ituring na "crossfit for the brain". Kasama sa training nila ang phonics at auditory discrimination, vocabulary, grammar, at comprehension. Itinuturo nila ang mga ito sa pamamagitan ng 40 sessions sa loob ng dalawang buwan. Kasama rin ang weekly reports kung saan ituturo sa iyo ng mga teachers kung saan mas dapat tutukan ang anak mo.
Mayroon din silang tinatawag na 'Read Aloud Program' kung saan maaaring ma-develop ng anak mo ang confidence sa pagbabasa nang malakas. Ayon pa sa mga eksperto, nakakatulong ito sa fluency at comprehension ng mga bata.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMay mga programa rin sila para sa mga batang hirap talagang magbasa, may ADD o ADHD, may learning disabilities, may dyslexia, at may autism.
Ano man ang maging desisyon ng ating pamahalaan kaugnay sa community quarantine, mas makakatulong sa mga bata kung mayroon kayong mabubuong structure na maaari nilang sundin araw-araw hanggang tuluyan na ngang bumalik sa normal ang lahat.
At dahil nga nasa bahay lang ang mga anak mo sa halip na nasa summer classes at activities nila, naisip ng ilang mga learning centers na ipagpatuloy ang mga summer lessons kahit online.
Sa kasalukuyan, Php5,000 para sa dalawang buwan ang offer ng i-Thinkers Learning Hub. Kasama dito ang 30 minutes ng tinatawag na engaged reading at tatagal ng limang beses sa isang linggo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKabilang sa gagawin ng mga anak mo ay ang pagbabasa ng bagong age-appropriate na libro kada linggo. May weekly progress report din ito para makita mo kung anu-ano ang mga natututunan ng anak mo. Bukod pa riyan, mayroon din itong kaakibat na coaching sessions kasama ang isang reading specialist.
What other parents are reading

- Shares
- Comments