-
Money You Can Now Franchise 'Mister Donut On Wheels'! How To Do It And How Much You'll Need
-
Baby Vinagre Aromatico: Sagot Sa Amoy Pawis Ng Baby?
-
Special Occasions Expecting? 4 Maternity Shoot Ideas Inspired By Celebrity Moms You Can Try At Home
-
Money Working At Home Is A Heavier Burden For Moms Than Dads, According To PH Survey
-
'Gumawa Na Lang Kayo Ulit': Insensitive Comments Na 'Di Dapat Sinasabi Sa Mga Nakunan
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong magbigay ng iyong opinyon.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Pexels
Isa na siguro sa mga lubos na kinatatakutan ng mga buntis (o kahit sinong magulang) ay ang mawala ang kanilang dinadalang sanggol. Kaya naman labis ang pag-iingat ng mga buntis sa oras na magpositibo ang kanilang pregnancy test.
Sa kabila nito'y mayroon pa ring mga pangyayaring hindi maiiwasan na nagdudulot ng pagkalalaglag ng bata mula sa sinapupunan. Tinalakay na namin ito sa isang naunang Smart Parenting article.
Ayon sa mga eksperto, malimit na hindi maiiwasan ang karamihan sa mga kaso ng miscarriage. Isa sa mga dahilang ibinigay nila ay ang pagkakaroon ng abnormal na chromosomes o 'di kaya ay mali ang bilang ng mga chromosomes sa itlog o semilya.
Bagaman malinaw na hindi kasalanan ng mga ina ang miscarriage, hindi pa rin maiiwasang sisihin sila ng mga taong hindi lubos na naiintindihan ang sitwasyon. Maraming mga nanay na nakunan ang nakakarinig pa ng mga unsolicited advice at insensitive comments na hindi nakakatulong sa mental health nila.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng mga unsolicited advice at sensitive comments na ito ang inipon ng women's empowerment group na Rise for Women para ipakita na may mga pagkakataong hindi na kailangang magbigay ng opinyon dahil maaari lang itong makasakit sa kapwa.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKabilang sa mga inilista nila ang katagang 'It was not meant to be' na madalas din nating naririnig dito sa ating bansa kapag may mga oportunidad sa ating buhay na lumalampas o hindi natin nakukuha. Bagaman sa ganoong bagay ay epektibo ito, para sa isang nanay na nawalan ng anak, mas nakakasakit ito kaysa nakakatulong.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNarito pa ang ilan sa mga larawang ibinahagi ng Rise for Women:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi rin gaanong naiba dito sa atin. Mayroon ding mga insensitive comments na naririnig ang mga Filipina moms na nakunan.
Insensitive comments na hindi kailangang marinig ng mga nanay na nakunan
"Gumawa na lang kayo ulit."
Biro man ito o hindi, mas nakakasakit ang comment na ito kaysa makatulong. Kailanman ay hindi naging magandang biro ang mawalan ng anak.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Masyado ka kasing ... kaya ka nakunan."
Isa ito sa mga halimbawa ng paninisi sa isang inang hindi naman ginusto na makunan. May ilang nasabihan na masyado silang workaholic, mataba, o pabaya. Tandaan, hindi mo alam ang buong kwento ng isang tao kaya mas magandang hindi na lang mag-comment tungkol sa mga nangyayari sa kanila.
"Bata pa kayo, magkakaroon pa kayo ng maraming anak."
Gaano man ito katotoo, hindi mo pa rin pwedeng ialis sa isang magulang na hindi ipagluksa ang anak na nawala sa kanya.
"Dugo pa lang 'yan."
May ilang mga ina na umabot sa ikalawang trimester bago nawalan ng tibok ang puso ng baby sa kanilang sinapupunan.
Para sa ilan, hindi pa naman ganoon ka-developed ang baby kaya hindi dapat malungkot ang magulang. Ngunit para sa isang ina na nag-ingat, sumunod sa payo ng mga doctor, at umasa, masakit mawalan ng baby gaano man ito kaliit.
Ilan lamang ito sa mga komentong malimit marinig ng mga nanay na nakunan. Kung tutuusin ay hindi na nila kailangang marinig ang mga ito. Sapat na ang iparating mong nakikiramay ka para maramdaman nila ang suporta mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAnong unsolicited advice o mean comment ang narinig mo patungkol sa iyong mga pinadadaanan? I-share mo na iyan sa comments section.
Kung nakakaramdam ka man ng kalungkutan dahil sa pagkawala ng iyong anak, pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makakausap ng mga nanay na pareho mo ang pinagdadaanan.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network