embed embed2
  • Recovering From A Miscarriage: Mga Dapat Mong Gawin Kung Ikaw Ay Nakunan

    Mahalaga ring bigyang pansin ang iyong pisikal na kundisyon matapos kang makunan.
    by Ana Gonzales .
Recovering From A Miscarriage: Mga Dapat Mong Gawin Kung Ikaw Ay Nakunan
PHOTO BY iStock
  • Ang article na ito ay nadagdagan na ng updates noong March 31, 2023.

    Isa na marahil sa mga pinakamasakit na maaaring maranasan ng isang magulang ang mawalan ng anak—lalong-lalo na kung ang bata ay nasa loob pa lang ng sinapupunan.

    Pero bukod sa pag-aalaga sa iyong mental health, alam mo bang kailangan mo ring bigyang pansin ang iyong physical well-being?

    What other parents are reading

    Mga kailangan mong malaman tungkol sa miscarriage

    Bakit nakukunan ang mga buntis?

    Ayon sa mga eksperto, malimit na hindi maiiwasan ang karamihan sa mga kaso ng miscarriage. Tinalakay iyan ni Dr. Josephine Carungay, isang ob-gyn, sa isa nang naunang Smart Parenting article.

    Sabi niya, nakukunan ang isang buntis, kalimitan dahil sa mga abnormal na chromosomes. Ayon pa sa kaniya, may posibilidad na mali ang bilang ng mga chromosomes sa itlog o semilya. Ito ang nagiging dahilan para hindi mabuo nang normal ang fertilized na itlog.

    May mga pagkakataon naman na nakukunan ang isang babae dahil hindi naitatanim ng maayos ang fertilized egg sa matris. Maaari ring may depekto sa mismong embryo na siyang pumipigil sa paglaki ng itlog. Isa pang dahilan ang pagkakaroonng ectopic pregnancy, kung saan hindi kaagad nakababa ang fertilized egg mula sa fallopian tube papunta sa uterus (basahin dito ang mga sintomas).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Importanteng magpasuri sa doktor kung nakunan ka

    Madalas, kapag nakukunan ang isang babae, mas pinagtutuunan ng pansin ng marami ang kanyang mental well-being. Bagaman napakahalaga nito, hindi maikakaila na importante rin ang pag-aalaga sa iyong pangangatawan.

    Ayon sa mga eksperto, karamihan sa mga buntis ay hindi dumadaan sa masusing pagsusuri pagkatapos makunan. 

    Mga senyales na nakunan ka

    Paliwanag ng mga eksperto, mahirap tukuyin ang eksaktong pagkakataon na nakukunan ka, dahil maaari itong mangyari ano mang pagkakataon ng iyong pagbubuntis. 

    Ngunit ang pinaka karaniwang sintomas ng pagkawala ng sanggol sa iyong sinapupunan ay ang pagdurugo. Sabi ng mga eksperto, iba-iba ang dami at kulay ng dugong maaaring lumabas, depende sa katawan ng babae. May ilan na kaunti lang ang nararanasang pagdurugo, habang ang ilan naman ay marami. Kalimitan, kulay light red o brown ang dugong lumalabas. 

    What other parents are reading

    Paalala lang ng mga eksperto, hindi lahat ng pagdurugo ay nangangahulugang nakunan ka na. Kung sakali mang maranasan mo ito, pumunta ka na agad sa ospital para makapagpatingin.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Isa pang maaaring senyales na ika'y nakunan ay kung may lumabas na kulay puti o rosas na likido mula sa iyong pwerta. Maaari rin daw itong maging tumpok ng namuong dugo. 

    Mayroon ding nakakaranas ng pananakit ng pananakit ng buto, habang ang ilan naman ay nagkakaroon ng leg cramps. 

    What other parents are reading

    Ang katawan pagkatapos makunan

    Hindi madalas pag-usapan kung ano ang nangyayari sa katawan ng isang babae matapos siyang makunan. Pero alam mo ba na kasing halaga ito ng pagtugon sa pangangailangan mong emosyonal?

    Matapos makunan, kalimitan ay nakakaranas ang isang babae ng patuloy na pagdurugo. Iba-iba ang dami at tagal nito depende sa babae.

    Samantala, may iba namang sumasakit ang sikmura dahil sa pagbabalik ng matris sa orihinal nitong laki. Ang sakit ay depende rin sa katawan ng babae—mayroong nakakaranas ng sobrang hapdi, habang ang ilan naman ay banayad lang. 

    Sabi pa ng mga eksperto, kung ang pagbubuntis ay tumagal ng higit sa 12 linggo, maaari kang makaranas ng pananakit ng iyong boobs at pagkakaroon ng gatas. Dahil naghanda na ang katawan para magpasuso, hindi ito agad na mawawala. Kung hindi regular na ilalabas ang gatas, unti-unting mawawala ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

    Paano alagaan ang iyong sarili matapos mong makunan sa pagbubuntis

    Ipahinga mo ang iyong sarili

    Lalong-lalo na sa unang 24 oras matapos kang makunan. Iwasan mo muna ang mga mabibigat na gawain para mabigyan ng pagkaataon ang katawan mo na makarecover mula sa emotional at physical trauma ng miscarriage.

    I-monitor ang iyong temperatura

    Sa susunod na limang araw matapos kang makunan, importanteng itala o bantayan mo ang temperatura ng iyong katawan gabi-gabi. Tumawag ka agad sa iyong doktor kung mapansin mong tumataas ang iyong temperatura o mayroon kang pabalik-balik na lagnat.

    What other parents are reading

    Asahan ang pagdurugo ng ilang araw

    Maaari kang makaranas ng pagdurugo nang hanggang apat na linggo. May ilan ding nakakaranas ng spotting at mild cramps. Para maibsan ito, maaari kang uminom ng paracetamol o 'di kaya ay mag hot compress sa bahagi ng katawan mo na masakit. Iwasan mo pa rin ang mga mabibigat na gawain para hindi mapwersa ang katawan mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung napupuno agad ang mga pads na gamit mo sa loob ng isa hanggang dalawang oras, tumawag ka na agad sa iyong doktor. Lalo na kung kasama nito ang malalaki at buo-buong dugo at may bahagyang pananakit ng iyong puson. 

    Kailangan mo ring kumonsulta agad sa doktor kung mapansin mong mayroon kang mabahong vaginal discharge. Maaari kasing maging tanda ito ng impeksyon.

    Huwag munang makipagtalik

    Iwasan muna ang pakikipag-sex hanggat hindi tumitigil ang pagdurugo. Ayon pa sa ilang eksperto, maganda ring gumamit ng birth control pansamantala. Kumonsulta ka sa iyong doktor para malaman mo kung magandang option ba ito para sa iyo.

    What other parents are reading

    Ilan lamang ang mga ito sa pwede mong gawin para maalagaan mo ang iyong katawan pagkatapos mong makunan sa pagbubuntis. 

    Tandaan na maaaring abutin ng isang linggo hanggang isang buwan ang recovery ng iyong katawan pagkatapos mong makunan.

    Maaari namang bumalik ang iyong period apat hanggang anim na buwan matapos ang iyong miscarriage.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Mas matagal makarecover emotionally

    Bagaman linggo o buwan lang ang bibilangin para makabawi ang katawan mo kung nakunan ka sa pagbubuntis, maaari namang mas matagal ang bilangin para maka-recover ka mula sa nangyari.

    Bigyan mo ang sarili mo ng panahon para magluksa at malungkot. Normal lang ding sisihin mo ang iyong sarili, pero gaya nga ng sabi ng mga eksperto, may mga pangyayari talagang nagdudulot ng miscarriage na hindi naman kasalanan ng nanay. 

    Makakatulong din kung hahanap ka ng support group na siyang makakausap mo at makakarelate sa pinagdadaanan mo. 

    Kung nakakaranas ka ng depression o labis na pagkabalisa dahil nakunan ka sa pagbubuntis, makakatulong ang listahan na ito para makahanap ka ng medical professionals na maaaring tumulong sa iyo. 

    Pwede mo ring ipadala sa amin ang iyong kwento—isa kasi ang pagsulat o journaling sa mga mabisang paraan para maproseso mo ang mga nararamdaman mo.

    Ipadala mo lang sa amin ang iyong mga komposisyon sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close