Tagalog,ectopic pregnancy,greener,con-00370,ectopic pregnancy triad,Ectopic Pregnancy Triad | Smart Parenting,reproductive health, ectopic pregnancy, ectopic pregnancy triad, amenorrhea, vaginal bleeding, abdominal pain, pagbubuntis, banta sa pagbubuntis, pregnancy complications,Ang classical ectopic pregnancy triad ay mga sintomas na pagkirot (pain), hindi pagkakaroon ng regla (amenorrhea), at pagdudugo sa puwerta (vaginal bleeding).
PregnancyGetting Pregnant

Alamin Dito Ang 3 Sintomas Na Sinasabing Classic Clinical Triad Ng Ectopic Pregnancy

Kung nakakaramdam ng ganitong mga sintomas, agad na komunsulta sa iyong ob-gyn.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Nagsisimula ang anumang pagbubuntis sa pag-fertilize ng itlog. Alam nating kapag buntis, ang na-fertilize na itlog ay napupunta at nadedebelop ito sa matris. Pero kaiba ang sitwasyon sa ectopic pregnancy dahil ito ay napupunta sa ibang bahagi gaya ng ovary, abdomen, o sa cervix. Kaya mahalaga na malaman ang ectopic pregnancy triad.

Kadalasan pa nga ay napupunta ang fertilized egg alinman sa mga fallopian tubes na dinadaanan o nagdadala ng itlog sa ovary papunta sa uterus. Kaya tubal pregnancy ang kadalasang tawag sa ganitong klase ng pagbubuntis.

Dahil ang napupuntahan ng fertilized egg ay hindi tamang paglagyan nito, hindi magiging maayos ang pagdebelop nito. Hindi rin mabubuo at mabubuhay ang sanggol. Sa ganitong sitwasyon, imposible na maisalba ang ipinagbubuntis at kailangang maalis ito sa pamamagitan ng gamot o operasyon.

Gayundin naman, habang lumalaki rin ang fetus ay maaaring pumutok ang organ na kinakapitan nito kaya naman magdudulot ito ng matinding pagdurugo at maaaring mailagay sa panganib ang buhay ng buntis.

Mga senyales at sintomas ng ectopic pregnancy

Mahirap na matukoy agad kung ectopic pregnancy ang sintomas na nararanasan dahil gaya ito sa simula ng normal na pagbubuntis. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Hindi pagkakaroon ng regla
  • Pagninigas ng suso
  • Pagkahilo
  • Pagduduwal
  • Pagkapagod
  • Palagiang pag-ihi

Pero ang madalas na nakababahalang sintomas nito ang mga sumusunod:

  • Pagdurugo
  • Pagkaramdam ng kirot na maaaring banayad hanggang sa sobrang sakit sa bahagi ng tiyan at balakang

Ang mga ito ang itinuturing na mga unang senyales din ng ectopic pregnancy.

Kapag ang dugo ay nagmula sa fallopian tube, makararamdam ng pananakit ng balikat at pagnanais na dumumi. Ang pagsakit ng balikat ay hindi pangkaraniwang pagkirot na mararamdaman sa mismong dulo ng balikat. Maaaring maranasan din ang diarrhea o makakaramdam ng hirap sa pag-ihi o pagdumi.

watch now

Sa kabilang banda, ang iba pang sintomas nito ay nakadepende sa kung alin ang naapektuhang nerve at saan magmumula ang pagdurugo.

Ayon sa United Kingdom National Health Service (UK-NHS), posible na madebelop ang sintomas sa ika-4 linggo hanggang ika-12 linggo ng pagbubuntis. Samantala, batay naman sa Medscape, halos 50% ng mga pasyente ay nakararanas ng tatlong sintomas ng classical triad ng ectopic pregnancy.

Ang mga sintomas na ito ay ang sumusunod:

  • Abdominal pain
  • Amenorrhea (hindi pagkakaroon ng regla)
  • Vaginal bleeding.

Mga dapat malaman sa ectopic pregnancy triad

Gaya sa mga naunang nabanggit, mahirap sabihing ectopic pregnancy agad ang mga sintomas na nararanasan dahil nga tulad din nito ng normal na pagbubuntis. Kaya naman kung nais talagang makatiyak, magpatingin agad sa ob-gyn para makapagsagawa ng mga test gaya ng ultrasound. Dito agad na matukoy kung saan bahagi nadebelop ang fetus.

Amenorrhea

Hindi ka dadatnan ng iyong buwanang dalaw. Gaya ng ibang normal na pagbubuntis, titigil din ito ang  iyong menstruation period dahil na-fertilize ang itlog kaya lang hindi napunta sa matris.

Vaginal bleeding

Kakaiba ito sa regular na pagdurugo na nararanasan kapag may regla.  Kadalasan na nagsisimula ito pero titigil. Maaari ring parang matubig ito at matingkad na brown ang kulay ng dugo. (Basahin dito ang tungkol sa in pregnancy bleeding.)

Abdominal pain

Mararanasan mo ang pananakit ng iyong tiyan sa bandang ibaba na minsan isang bahagi lang, Maaaring biglaan o paunti-unti ang pagsakit o kaya naman magtuloy-tuloy o pawala-wala.

Mga posibleng sanhi ng ectopic pregnancy

Batay sa pag-aaral, karaniwan ang nakararanas ng ectopic pregnancy ang mga nasa edad 26 at 30. Karaniwang nangyayari ang ectopic pregnancy kapag ang na-fertilize na itlog ay hindi agad makababa sa fallopian tube papunta sa uterus.

Maaaring nahaharangan ang tube mula sa mga impeksyon at pagmamaga dulot ng alin sa mga sumusunod:

  • Pelvic inflammatory disease (PID)
  • Edometriosis
  • Peklat mula sa nagdaang surgery sa abdominal o fallopian
  • Problema sa pagbubuntis na nagpabago sa hugis ng tube

Bukod pa sa mga nabanggit, maaari ring maging sanhi ng ectopic pregnancy ang mga sumusunod:

  • Fertility treatment gaya ng in vitro fertalization (IVF)
  • Nabuntis habang gumagamit ng contraception na intrauterine device (IUD),
  • Paninigarilyo
  • Kung may edad na nang mabuntis

Nakalulungkot isipin na hindi maiiwasan ang ectopic pregnancy. Para ka na ring nagkaranas ng miscarriage sa ganitong sitwasyon. At tunay na malungkot para sa isang mom-to-be ang mawalan ng baby. Pero maaaring mabawasan ang mga panganib kung maiiwasan o matutugunan ang mga sanhi na pinagmumulan nito.

Mahalaga kung alam mong buntis ka at may banta kang maranasan ang ectopic pregnancy, ang anumang sintomas na nararamdaman mo ay agad na ipaalam sa iyong doktor. Alalahanin na ang classical ectopic pregnancy triad ay gaya lamang din sa normal na pagbubuntis. Ito ay upang makatiyak na ligtas ka at ang iyong ipinagbubuntis.

---

Mga pinagkunan ng impormasyon:

Ectopic Pregnancy

https://kidshealth.org/en/parents/ectopic.html

Ectopic Pregnancy Clinical Presentation

https://emedicine.medscape.com/article/2041923-clinical

Ectopic Pregnancy

https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0884217515326472

---

Basahin dito ang tungkol sa blood test na sinasabing makakatulong sa early detection ng ectopic pregnancy

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close