embed embed2
Jomari Yllana's Son Andre Asks Dad 'Wag Ulitin' Ang Mga Pagkakamali Sa Batang Kapatid
PHOTO BY FACEBOOK /YLLANAJOMARI AND INSTAGRAM /ANDREYLLANA
  • May pakiusap si Andre Yllana, 23, sa kanyang amang si Jomari Yllana, 45.

    Mensahe niya, huwag iparanas ni Jomari sa mga nakababatang kapatid ni Andre ang naranasan nitong lumaking wala ang ama sa kanyang tabi.

    Si Andre ay anak ni Jomari sa dating asawang si Aiko Melendez, 46.

    Hindi man tinukoy ni Andre kung sino ang mga sinasabing kapatid, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na may dalawang paslit na mga anak si Jomari sa dating live-in partner na si Joy Reyes.

    RELATED ARTICLES ON FATHERHOOD:

    Mensahe ni Andre sa ama: “Yung mistake mo sa akin dati, wag mo nang ulitin sa mga kapatid ko dahil bata pa sila.

    “So, habang bata pa sila, go for it.”

    How Andre feels about his dad Jomari

    Natanong si Andre tungkol sa relasyon niya kay Jomari sa YouTube video ng inang si Aiko nitong August 14, 2022.

    Inusisa ni Aiko ang anak sa relasyon nito sa dating asawa.

    Naniniwala raw si Aiko na si Andre ay nasa “best state” pagdating sa relasyon nila ng amang si Jomari.

    Matipid ang tugon ni Andre rito: “So far so good.”

    Muling nagkomento si Aiko na malaya si Andre sa pagkakaroon ng bonding time kay Jomari.

    “Oo naman,” pagsang-ayon ni Andre.

    Dinagdagan ni Andre ang sagot. Mahihinuhang bagamat maayos ang relasyon nilang mag-ama, hindi na ito katulad ng dati.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Saad niya, “Minsan kasi may mga bagay na it’s too late na.

    “Siguro yung thirst ko for a father dati, hindi na rin ganun ka…

    “Sa totoo lang, kung dati grabe akong maghabol kay Dad, ganyan… siguro nasanay na rin ako na parang wala siya.

    “Kaya pasensiya na rin, Dad, kung may mga times na nakakalimutan kita.”

    Sa murang edad ay nakagisnan na ni Andre ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Lumaki si Andre sa piling ng ina.

    May isa pang anak ni Aiko, si Marthena, na anak niya sa second husband niyang si Luke Jickain.

    Sinabi ni Andre na kinikilala niya ang ama bagamat may lamat ang kanilang relasyon.

    Aniya, “Kahit ano man ang mangyari, I’ll always still be here for you through thick and thin. Kaso nga lang, like I said, may mga bagay na hindi na kasing init dati.”

    Common mistakes fathers make

    Very Well Family lists a number of common mistakes fathers make. These include:

    1. Losing your temper.

    2. Engaging in physical punishment.

    3. Using bribery. 

    4. Not being united with the other parent in discipline strategies.

    5. Comparing children to others.

    RELATED ARTICLES ON PARENTING MISTAKES:

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles